Kabanata 35

128 4 0
                                    

Pontevedra.

Halos gawin naming bahay ang opisina ni Cartier nang magsimula ulit itong magtrabaho. Araw-araw kasi kaming nandoon ni Chanelle. May kwarto naman sa loob ng opisina niya kaya hindi rin kami nakaka-istorbo. Nanonood lang kami ni Chanelle o 'di kaya ay naglalaro ng kung ano-anong maisip niyang paglaruan.

I also started to teacher her how to write her name which she enjoyed. Mahilig siyang magkulay at magdrawing. Mabilis matuto kaya agad niyang nakukuha ang mga tinuturo ko.

Napag-usapan namin ni Cartier na kapag nagsimula nang mag-aral si Chanelle, magta-trabaho na ako. Siguro mga isa o dalawang taon pa raw. Hindi ko naman daw kailangang magmadali dahil hindi naman problema ang pera.

Yaman kasi...

Malakas na tumili si Chanelle nang bumukas ang pintuan. Pumasok doon si Cartier na hinihilot ang kaniyang leeg.

"Ang daming trabaho. Parang gusto ko na lang umuwi ulit," sabi ni Cartier sabay subsob ng mukha sa aking leeg.

Lumapit sa amin si Chanelle, pilit niyang pinapabangon ang ama. Nagpapa-pansin. Nilingon siya ni Cartier na nasa aking balikat pa rin.

"Daddy, look!"

Halos isampal niya sa mukha ni Cartier ang isinusulat niyang pangalan niya. Naagaw no'n ang atensyon ng ama. Binuhat niya si Chanelle saka ito kiniliti na ikinatuwa ng anak.

"Ang galing naman ng baby ko," pang-uuto pa ni Cartier.

Inilapag niya ulit si Chanelle nang nagsabi itong bababa siya. Muling naupo ang bata sa sulok kung nasaan ang mga papel at colors niya. Si Cartier naman ay niyakap na naman ako.

"Ang trabaho mo," saway ko sa kaniya.

"That can wait, Baby. Ako hindi," sabi niya bago siilin ng halik ang labi ko.

Marahan ko siyang tinulak saka sinamaan ng tingin.

"Si Chanelle!" Sabi ko.

"Hindi niya naman kita," pagdadahilan niya bago muli akong halikan.

Then we make out.

Buti na lang nakatalikod si Chanelle at masyadong busy kaya hindi kami tinitingnan. Kung hindi lang siguro kumatok ang secretary ni Cartier, hindi kami matatapos. Nakasimangot pa nga ito nang lumabas ng kwarto. Labag na labag sa loob.

Wala pang kalahating oras, bumalik agad siya para sa lunch break niya. Nagpahanda order na lang siya ng pagkain para sa aming tatlo. Matapos kumain ni Chanelle, nakatulog ito kaagad dahil sa kabusugan.

"Kailangan kong tapusin ang lahat ng trabaho, Gab. Uuwi tayo sa Pontevedra next week. Matatambakan na naman ako," sabi ni Cartier.

"I-move na lang kaya natin?" Sabi ko patungkol sa kasal namin na sa Pontevedra gaganapin.

Seryoso niya akong sinamaan ng tingin. "Umaatras ka ba?"

Malakas akong natawa sa sinabi niya. Sinubo ko sa bunganga niya ang kapiraso ng manok na hinimay niya para sa akin. Humalakhak na naman ako nang makita kung gaano kasama ang mukha niya habang ngumunguya.

"Busy ka pa kasi sa trabaho. Hindi naman tayo nagmamadal—"

"Ako, nagmamadali! Matagal na, Gab!" Singit niya.

Ngumuso na lang ako para pigilan ang pagngiti.

Intimate wedding ang plano namin. Sa dalampasigan sa Pontevedra dahil malaki ang alaala nito sa amin. Doon kami nagkakilala. Doon kami nagsimula.

"Bakit hindi ka pupunta?" Sumimangot ako kahit hindi niya nakikita.

"What? Gusto mo bang isampal sa akin na may mahal kang iba?" Tumatawang sagot ni Vincent. "Baka sumigaw pa ako na itigil ang kasal," dugtong niya.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now