Kabanata 23

96 3 0
                                    

Rouge.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok doon si Papa na mukhang kagagaling lang sa trabaho. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago lumapit sa crib ni Chanelle.

"Sarap ng tulog ni Itlog," nakangiting sabi ni Papa bago lumapit sa akin. "Kumusta ang pag-aaral?" Napapikit ako nang humalik ito sa aking noo.

"Okay naman po, Pa. Medyo naghahabol lang kasi late akong nag-enroll."

Tumango siya. "Don't pressure yourself. Kapag hindi mo kaya, you can stop. May kompanya tayo, Gabriella. You can sit in every position you like."

Umiling ako roon. Wala akong balak magpatakbo ng kompanya dahil hindi ko ito hilig.

"I can do this, Papa."

"If you need anything, don't hesitate to tell me," tumango ako.

Nagpaalam din naman siya agad pagtapos no'n. Saglit akong natulala sa pintuan. Muling bumalik ang alaala ko sa pagkikita namin ni Cartier kanina.

Ang kapal-kapal ng mukha niyang magpakita sa akin. Ang kapal-kapal ng mukha niya para lapitan ako. Higit isang taon siyang hindi nagpakita, tapos ngayon pa na masaya ako? Na umaahon na ako?

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Mula ng manganak kasi ako, hinayaan na nilang gumamit ako ng gadgets.

"Gabriella, I'm sorry. Papunta ka na ba? Don't go here na, baka masira ang araw mo. Let's just catch up some other time," bungad sa akin ni Rei.

"O-Okay, Rei. Next time na lang nga. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko," sagot ko.

Nakatulugan ko ang pag-iisip kay Cartier. Nagising lang ako nang marinig ang mahinang hagikgik ni Chanelle. Kinusot-kusot ko ang mata ko habang nakatingin sa gawi ng crib niya.

Nagulat pa ako nang makita si Vincent na buhat si Chanelle. Kung noong buntis pa lang ako araw-araw na siya rito sa bahay, mas lumala iyon nang ilabas ko ang si Chanelle. Kulang na lang ay matulog siya katabi ni Chanelle sa crib.

"Sabi ko sa'yo paglabas ni Chanelle, naglalakad na siya e," sabi nito nang humakbang ang anak ko.

Subo-subo nito ang kulay pink na pacifier niya. Mula nang matuto siyang gumamit no'n, hindi niya na inaalis sa bibig niya. Bumabakat na nga ito sa pisngi niya.

"She's already eight months, Vince. Matututo na talaga siyang humakbang," sagot ko.

"Sungit na naman ni Mommy, 'no? Laging mainit ang ulo kay Tito," sabi nito kay Chanelle.

Inirapan ko siya. Mukhang tuwang-tuwa naman si Chanelle sa kaniya dahil humahagikgik pa ito. Ewan ko ba kung anong pinakain sa kaniya ni Vincent. Iyong Buko pie siguro...

"Wait for Tito, okay? Pinapatawag ako ni Lolo kasi may meeting kami," hinalikan niya ang pisngi ni Chanelle bago ito iabot sa akin.

"Tawag ako ni Tito Gabriel. Babalik ako agad," humalik ito sa noo ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Napanguso ako nang buhatin si Chanelle. "Ang bigat-bigat mo talaga, anak. Magdiet ka na."

Malaki si Chanelle sa edad niya. Nakuha niya man ang kulay ko, nakuha niya naman ang buong mukha ng ama niya. Kaya minsan kapag tinitingnan ko siya, nangungulila ako sa tatay niya.

Nilapag ko si Chanelle sa carpet. Dito kami madalas maupo kapag may gagawin ako. Nakakaupo naman na siya pero gusto niya laging nasa carpet niya. Mapili...

Kinuha ko ang laptop ko para tapusin ang pag-eedit ko. Nilingon ko si Chanelle na nakatingin sa akin habang hawak ang lace ng kaniyang pacifier.

"Wait lang po, okay?" Hinalikan ko ang pisngi niya bago nagpatuloy sa ginagawa.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now