Chapter 20

466 42 4
                                    

CHAPTER 20

Armina

Kinagat ko ang aking labi at sinamantala ang pagkakataong malayang matitigan si JK. Sa sasaglit na pag-upo pa lang namin ay agad na siyang nakatulog marahil sa sobrang pagod.

Nakita ko kung papaano nila sagarin ang sarili sa pag-e-ensayo ng sayaw. Nakailang palit sila ng damit dahil palaging basang-basa sila ng pawis kahit pa air-conditioned ang kwarto.

Nang bahagya siyang bumaling sa gawi ko ay malalim na lang akong bumuntonghininga lalo pa nga at ang kamay nito ay yumakap na sa baywang ko.

Paano pa ako makakaalis nito?

Saglit kong hinayaan siya sa posisyong iyon bago maingat na tanggalin ang kamay nito. Nagawa ko namang kumalas sa yakap nito at maingat itong inihiga sa sofa.

Ilang saglit kong in-enjoy ang pagkakataong mahaplos ang mukha nito bago magdesisyong lumabas nang kwarto. Hindi man namin nagawang makapag-usap nang matagal ay parang punong-puno pa rin ang puso ko. At hindi ko na kailangang pag-isipan pa kung ano itong nararamdaman ko.

Mahal ko na si JK.

Lumipas pa ang ilang araw na hindi namin nagawang makapag-usap man lang ulit. Sobrang abala pa rin nila sa pag-e-ensayo at umaabot pa sa puntong sa kaunting break nila ay pare-parehas na nakakatulog ang mga ito kahit pa ano'ng posisyon.

"Hi..."

Agad akong napalingon sa bumati. Nang makita ang mukha nito ay tipid akong ngumiti at tumango rito. Kung hindi ako nagkakamali ay bagong hire na bodyguard ito ng grupo.

"Hi..." nahihiya ko rin namang bati.

Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad nito kay Jin. Baka kung ilang taon lang din ang tanda nito rito base na rin sa hitsura. Matangkad ito, gwapo at matikas ang katawan. Pang bodyguard talaga ang datingan gaya ni Kuya Rod.

"By the way, I'm Lucas. Bagong bodyguard ng BTS," nakangiting pakilala pa nito sa sarili sabay abot ng kamay.

Tumango ako at inabot ang kamay nito. "Armina."

"Very nice name. Kasing ganda mo."

Nahihiya akong ngumiti rito. Hindi nga yata ako masasanay na pinupuri nang ganoon.

"Matagal ka na rito?"

"Um, may ilang buwan na rin."

"Really? Madali lang naman ba ang trabaho mo rito?"

Tumango ako. "Auntie ko si Mamang Udyang kaya ako napasok dito."

"Ows? Talaga ba? Itong si Manang Udyang, 'di sinasabi sa akin. Ang ganda pala ng pamangkin niya."

Naiiling akong nag-iwas ng tingin. Parang nahuhulaan ko na ang ganoong palipad hangin. Hindi na rin naman bago sa akin ang nagugustuhan ng mga lalaki. Hindi lang din ako pala-entertain dahil mas focus ako sa trabaho kaysa sa pagkakaroon ng love life.

Mabait at friendly naman si Lucas. Marami siyang kuwentong nakakatawa kung kaya ang daling gumaan ng loob ko sa kanya.

Sa mga pagkakataong parehas kaming libre ay nakikipagkuwentuhan ito sa akin. Galing lang din pala ito sa simpleng pamilya at tamang napadpad lang sa Maynila dahil na rin sa trabaho ng ama nito. At kaya rin ito napasok na bodyguard ay dahil kakilala nito si Kuya Rod.

Kataong magdadala ako ng merienda sa practice room nang masalubong ko si Lucas na abot-tainga ang ngiti. Nitong nakakaraang araw, parang ang dalas niyang lumapit sa akin. Ayoko mang bigyan ng kahulugan ay hindi ko maiwasang mapaisip pa rin.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon