Chapter 40

666 56 4
                                    

CHAPTER 40

Armina

Halos buong maghapon akong hindi mapakali dahil sa mga lumabas na pictures at videos namin ni JK. Pero kulang na lang ay atakihin ako sa puso nang humarap pa siya sa media at mag-release ng official statement. Doon ay buong tapang niyang inamin ang tungkol sa akin pati na rin sa aming anak.

Nanginginig akong nagbuklat sa cell phone at binasa ang reaksyon ng netizens. Halos hati ang opinyon ng masa sa nangyari. May ibang tinatalikuran ang grupo, mayroong iba na sinasabing mag-resign na ito sa grupo at may iba rin namang nakaunawa at masaya sa pagtatapat niyang iyon. Pero ganoon pa man, mas marami ang nabasa kong negatibo na nasisiguro kong makakaapekto nang husto sa kanila.

Mariin akong pumikit at pilit na kinalma ang sarili. Nangyayari ang lahat ng ito dahil sa akin. Pero sa kabila ng gulo at eskandalo, mas pinili ni JK na sabihin ang totoo tungkol sa amin ng anak niya. Hindi ko sukat-akalain na ganoon ang paninindigan niya para sa amin kahit pa tinanggihan ko ang alok niyang kasal...

Naiiyak akong nagbasa pa rin nang nagbasa hanggang sa makatulugan ko na lang iyon sa sobrang bigat ng pakiramdam at pagod.

Halos hating-gabi na noon nang makarinig ako ng ingay sa labas. Pupungas-pungas akong bumangon at pagsilip ko sa bintana ay nakita kong pababa na ang grupo sa kani-kanilang mga sasakyan.

Nang mag-angat ng tingin si JK sa bintanang kinatatayuan ko ay saglit na nagsalubong ang aming mga mata pero ito rin ang unang nagbaba ng tingin. Para bang sobrang pagod nito sa buong maghapon.

Saglit kong sinilip si Kurt na nahihimbing ng tulog bago magdesisyong lumabas ng kwarto.

Ang una kong nakasalubong ay si Jimin na bakas din ang pagod sa mukha.

"K-kumusta kayo?" nahihiya kong tanong.

Alam kong hindi mangyayari ang lahat ng ito kundi dahil sa kagagawan ko.

"We're fine, Armi. Don't worry too much," mapait pang aniya sabay banayad na tapik sa aking pisngi.

Nahihiya akong yumuko at banayad na tumango. Para bang hindi ko na magawang sundan pa ang tanong.

Tahimik na pumasok ang iba pang grupo sa kani-kanilang kwarto matapos na makipagtanguan sa akin. Halatang pagod na pagod sa buong maghapon. At kahit pa gustuhin kong gampanan ang trabaho ko ay hindi ko magawa dahil na nga rin sa pagtatapat na iyon ni JK. Tamang itinago man ang aking mukha ay marami pa ring pictures ko ang nahalungkat ng mga fans sa social media at maging ang inaamag na video ng pagtatanggol sa akin ni JK noon ay muling lumabas.

Huling umakyat si JK na agad din naman akong nakita pero halatang iwas ang tingin.

"Umm... JK..." tawag ko rito sa maliit na boses. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang tawagin siya sa pangalan niyang iyon matapos kong tanggihan ang alok niyang kasal.

Humugot ito ng malalim na buntonghininga at tumingin lang sa akin na para bang naghihintay pa sa iba kong sasabihin.

Pero parang nalulon ko lang ang aking dila at ni hindi ko nagawang makapagsalita kahit na isang salita.

"Do you have anything to say?"

"I-I'm sorry..." naiiyak kong sabi.

Sa halip na sumagot ay humugot lang siya ng malalim na buntonghininga at tumango.

"Was that it? I really need to rest," malamig pang iwas niya.

Tumango ako at ni hindi na nga nagawang sundan pa ang sinabi ko.

Tahimik siyang pumasok ng kwarto nang 'di lumilingon. Muli na naman akong nakonsensya dahil sa nangyari.

Nang sumunod na araw ay naging sobrang abala ng grupo. Hindi ko malaman kung ano'ng pinagkakaabalahan nila dahil pare-parehas itong may kausap sa cell phone. Nakahiyaan ko namang magtanong lalo pa nga't sila mismo ay hindi na rin magawang mag-usap.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon