Chapter 38

684 57 12
                                    

CHAPTER 38

Armina

Ano'ng nangyari?

Wala ako sa sariling inalog ang aking ulo at pilit na prinoseso ang nangyari. Hinalikan niya ako at tinawag na 'baby'?

"Kayo na ba ulit?" gulat na tanong pa ni Mamang Udyang nang tuluyan nang makalabas si JK sa kwarto.

Tumango ako pero agad ding umiling nang ma-realize ang isinagot ko sa tanong. "Hindi po... Hindi."

Nagdududa siyang ngumiti at umiling-iling sa akin.

"Sigurado ka ba riyan, Armina? E, bakit namumula ka?" puna pa niya dahilan para bigla akong mapatalikod at ginagap ang mga pisngi kong nag-iinit nga.

"H-hindi po, Mamang..." deny ko.

"Alam mo, anak, wala naman akong nakikitang mali kung magkabalikan kayo ni JK. Sa tingin ko naman, kontento na siya sa naabot ng career nila. Baka sa yaman ng batang 'yan, kaya pang mag-anak ng sampu," nakangisi pang aniya na nagpanguso sa akin.

"Kung ano-ano ang sinasabi mo, Mamang..."

"Sus. Totoo naman ang sinasabi ko. At saka mabait na bata naman 'yang si JK. Ikaw lang naman ang babaeng pinagtuonan ng pansin niyan. Kahit 'yong crush niyang celebrity na si Aiyu, hindi naman niya ginustong maging girlfriend."

Kinagat ko ang aking labi dahil sa biglaang pagkalabog ng dibdib sa sinabing iyon ni Mamang.

"Hindi naman po tamang magkabalikan kami, Mamang... Baka maapektuhan ang buong grupo. Ayoko namang mangyari iyon."

"Ang grupo?" Bahagya pa siyang napaisip. "Parang hindi naman. Sa tingin ko, kontento na rin naman sila sa naabot ng karera nila."

"Maraming masisira kapag lumabas ang tungkol sa amin, Mamang. Baka milyong pera rin ang mawala sa kanila. At ayokong masisi kapag nangyari iyon."

"Ewan ko lang. Pero alam ko, hindi na sila apektado sa kahit na ano."

"Mamang naman, e."

"Ano?" natatawa pang aniya. "E, totoo naman ang sinasabi ko. Gusto na lang magkaroon ng normal na buhay ang mga batang iyan. Hindi naman na sila naghahangad pa ng higit sa kung ano'ng narating nila lalo pa at nagkakaedad naman na rin sila. Alam ko nga, gusto na nilang mag-retire."

"Retire?"

"Oo naman. May mga negosyo na rin naman ang mga iyan. Halos walang mababago sa buhay nila kung piliin man nilang lumagay sa tahimik."

Hindi ko pa rin magawang i-proseso ang sinasabi nito. Basta ang alam ko lang, ayokong makasira sa grupo lalo na kay JK.

"At saka mahal mo naman, 'di ba? Ano pang ikinakatakot mo?"

Mapait akong ngumiti rito at humugot ng malalim na buntonghininga. "Wala naman akong ibang minahal, Mamang... Kaso paano ang safety ng baby ko? Baka kung ano ang gawin ng mga obsessed na fans nila?"

"Hindi naman na bago 'yan. Sa tingin mo hahayaan ba ni JK mangyari iyon? Malabo yata. Lalo pa ng mga uncle niya. Hindi papayag ang mga iyon masaktan ang pamangkin nila."

Hindi ko nagawang makakibo sa sinabi nito. Naguguluhan pa rin ako.

"Sundin mo lang ang puso mo, anak. Kahit na ano namang mangyari, sa tingin ko, mas gugustuhin ni JK na siya ang piliin mo."

Mapait akong ngumiti at hindi na nagkomento.

Gaya nang dati ay halos buong maghapon na namang wala kami sa bahay dahil sa kabi-kabilang TV guestings ng grupo. Nadoble na nga lang ang security dahil sa nangyaring insidente nang nakaraan.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon