CHAPTER 68

637 28 7
                                    

WISH (8)

🌻🌻🌻

Kinabukasan, pagpatak pa lamang ng alas sinco ay gising na agad si Rhianne. Nagwalis sya agad ng bakuran at kapaligiran, hindi sya pwedeng tatamad tamad kahit bisita lamang sya at iba ang tingin ni Papa Di~ sa kaniya. Para bang tatagain na sya nito ano mang oras na magkamali sya.

Alas sais ay nakaluto na sya ng umagahan kasama si Mama Du~ na nagulat dahil malinis na din sa loob ng bahay. Ayaw nga sya nitong patulungin kasi nga diba bisita sya, pero hindi pwede kasi at kailangan nya magpakitang gilas. Sabay din umalis si Bok at si Papa Du~ para sa trabaho, siguro ay mag aalas otso.

Ngayon namang alas nueba na, kakatapos lang nya tulungan maglaba si Mama Duvata, wala pa syang pahinga pero keri lang.

"Mama Du~ ako na po dyan." pagbobolontaryo nya, kasalukuyan na kasing magsasampay ang Ginang.

Napakamot ito ng ulo, "Eh bisita ka namin dito, anak." ayaw nito pumayag, "Kaya ko na'to. Magpahinga ka na."

Umiling sya at inayos ang bandana sa buhok, "Mama Du~, sanay po ako magsampay." pagpupumilit nya, "Sige na po." maliban sa pagsipsip ay nakita nya kasing sumasakit na ang balakang nito kaya naman gusto na din nyang tulungan.

"Kakatapos mo lang maglaba, ako na 'to."

"Please, Mama Du~" nagpuppy eyes na sya at pinagdikit ang dalawang palad, anyway parehas pala sila ng dress ni Mama Du~ color orange.

"Anak, wag mo masyadong ipressure ang sarili mo." natawa ito ng kaunti at inumpisahan ang pagsasampay, "Papayag din 'yang si Diego, gago na 'yon ang arte." napailing ito.

Napalabi sya, "Hindi naman sa ganon po, gusto ko lang po talaga kayong tulungan. Ayaw ko kaya Mama Du~ ang walang ginagawa." kasi kung tutuusin, kung wala sya ngayon dito ay nasa trabaho sya.

Kita nya ang pagngiti nito, "Naku, napakaswerte nga naman ni Bituin ko sa'yo. Sige na nga." nagbuntong hininga si Mama Du~, "Alam mo ba na dati umaasa pa ako na magkakaasawa si Bok, iyon bang magiging mabuti at masipag syang may bahay, e nabaligtad. Ikaw yata ang maiiwan sa bahay." naloloka itong humawak sa sentido at hinayaan syang magsasampay.

Napangisngis sya at inuna ang mga boxer ni Bok, "Sya nga po, Mama Du~ may tama ka dyun." kinikilig pa nya iyong inamoy ng pasimple, "Ako po ang magiging may bahay ni Bok in the future hihi~" aniya, actually kahit kaninang naglalaba sya ay pasimple nyang kinolekta ang mga underwear ng Darling saka nya ibinulsa-charot.

Hindi talaga ito makapaniwala, "Di bale, masasanay din ako. Maikwento ko lang." naupo si Mama Du~ sa bench, "Silang tatlong magkakapatid ay lumaki sa Lola nila na si Britney--nanay ni Diego. Mabait naman syang manugang, hindi pakielamera at hindi din bwisit." nakinig naman si Rhianne.

May binuklat itong medyo lumang photo album, "Habang kami ni Diego nasa ibang bansa nagtatrabaho, mga limang tao naman ganon umuwi din kami at nakapagpatayo din ng negosyo. Yun lang naman ang gusto namin mag asawa iyong may pagkukunan kami ng pera. Laki sa Lola 'yang tatlo na 'yan kaya tignan mo sila noong bata pa. Ang bobotchog!" muli itong tumayo upang ipakita sa kaniya ang litrato.

"Oh my, si Bok po ito?" napahawak sya sa flat boobs nya, ang Darlington nya ang chubby pala noong araw!

Ang taba taba ng pisngi at kabilog tapos nakabusangot pa silang parehas tatlong makakapatid.

"Oo, sya ang pinakabotchog." tumawa ang Ginang, "Timawa ang putangina e."

"Ang cute po, Mama Du~ ang cute nilang tatlo." especially ang Darling nya, "Pwede ko pa mapicture-an? Para may kopya ako, saka Mama Du~ yung iba pa pong childhood pictures ng Darling ko~ sana." oo't pakiramdam nya ay kailangan nyang magawan ng scrapbook ang Darling nya, childhood pictures edition of his very own Darlington-chi.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon