CHAPTER 5

946 45 15
                                    

My Savior (5)

🌻🌻🌻

Namulagat ang mata ni Bok ng makita nya ang pagkahulog ng babae mula sa ilog. Malakas ang tili nung babae at masakit sa tenga. Hindi nya alam ang mararamdaman, basta natataranta sya. May itsura sana yung babae kaso mukhang tatanga tanga at lungaw.

"Putangina." nasambit nya habang nakatitig sa ibaba at tila nagdadalawang isip.

Pumikit sya ng mariin, tutal naman sa misyon ng grupo nila ang sumagip ng buhay ng magaganda, "Sige na nga."

Sumampa sya sa bridge railings at agad agad na tumalon.

Napatakip ng bibig ang isang matandang babae, "Luh! Tumalon din yung isa!" hiyaw nito at nagkumpulan ang mga tao sa tulay.

"PUUUUUTAAAAAANGIIIIIINAAAAA!!"
napakalakas na sigaw ni Bok dahil ang taas talaga ng tulay na iyon.

Napapikit sya ng makababa sya sa ilog, ang lalim at madilim, "N-Nasaan ka na?!" nauutal nyang tanong at naghanap sa paligid, "Tangina ang lamig!" asik nya at nanginig ang mga labi.

Napakalamig ng temperatura ng tubig ng ilog at talagang mangangatong ka sa lamig. Kaagad syang nakakita ng kulay kahel na tela at nagmamadali nyang nilangoy iyon.

Una ang pwet ng babae ang nakalutang may kalayuan sa kaniya, niyakap nya agad ang babae at hinarap sa kaniya. Nakapikit ito at walang malay.

Tinapik tapik nya ang pisngi nito, "Tangina, bakit ka kasi tumalon!?" naiirita nyang tanong sa babaeng walang malay, "Gising!!"

Sukat tumalon? May diperensya ba ito sa pag iisip? Para kasing meron at ramdam nya iyon.

Ipinasan ito ni Bok sa kaniya at lumangoy mula sa pangpang. Kaagad nya itong inihiga sa lupa at muling sinubukan na gisingin, "Gumising ka, hoy!"

Naramdaman nyang may isang matandang nagmamadaling tumakbo patungo sa kanila at tuwalya lang ang suot, mukhang bagong ligo pa.

Pero walang pake alam si Bok doon kasi responsibilidad nya ang babaeng walang malay na ito. Pinasadahan nya ito ng tingin, payat at slim lang ang katawan nito. Mukhang flat chested. Dumako rin ang tingin nya sa hita nito, makinis, mahaba at maputi. Ipinilig nya agad ang ulo at tinakpan iyon ng suot nitong roba.

"Tangina." bulong nya at pinilit lumingon sa mukha nito.

Maganda naman, pero di nya type.

"Buhay ka pa ba?" nakangiwi nyang tanong at itinapat ang tenga sa bibig nito.

Buti naman at humihinga pa.

Natatarantang hinugot ng matanda ang sipilyo sa bibig nya, "Jusmiyo iho! i-CPR mo!" anito at inudyok sya.

"H-Huh?!" nagsalubong ang kilay nya at tinignan ang matanda, para syang matsismis sa buhay.

Ngumuso ito, "Mouth to mouth!" minulagatan pa sya nito ng mata, "Bilisan mo baka mamatay!"

Napaiwas sya ng tingin, "Huh..." napalunok nya nang mamataan ang mapulang labi nung babae, "I-Ito na, ito na..."

Nilukot nya ang ilong at dahan dahan ibinuka ang bibig ng babae, napapikit sya ng mariin at umihip ng hangin saka binigyang hangin ang babae. Ilang beses nyang inulit ang mouth to mouth at high frequency chest compression. Tutal naging nag life guard din sya sa isang Resort nung isang taon at agad ring natanggal kasi nakatulog sya sa duty.

Napangiwi si Bok at pinunasan ang bibig nang hindi naman nag respond ang babae at hindi nagising.

"Walang nangyayari." sabi nya sa matanda na nagto-tooth brush.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon