Chapter 3: Even Before

175 13 2
                                    

Pablo seemed very diligent after learning na he is our leader. Even before he got in that accident, kung fan ako wala akong mapapansin na mali kay Pablo.

Pero hindi...boyfriend ko siya at alam kong may mali. Kaya sinabi namin na bawal makipag date sa kung sino ang bawat miyembro. Just like from the start. Kaso sinuway namin dahil hindi na namin kayang sumunod sa batas na iyon. We love each other, that's for sure.

"Stell?" Napalingon ako kay Pablo. Kami na lang pala ang naiwan. "Uwi na tayo."

"Ahh sige. Kanina pa bang wala ang iba?" I asked.

"Kanina pa. It's 12 na eh." 9 nga pala ang out namin!

"Ha? Eh bakit hindi ka umuwi?"

"I was worried about you." Sabi nito habang lumalabas kami ng building. "Sabi sa akin nina Charlotte na ikaw raw ang pinaka naapektuhan sa nangyari sa akin. I'm sorry."

"You don't need to say sorry, parang sinasabi mo na din na kasalanan mo ang aksidente mo." Sabi ko dito. "Saan ka uuwi? Sa atin?"

"Ha? We have a house?"

Shet.

"Ahm...hindi I meant may unit tayo na magkalapit. I call it ours kasi building natin na tinitirahan."

"Ahh. Siguro? Sabi kasi nina M-Mama...dito daw ako umuuwi. Hindi sa kanila."

"Oh tara na sa unit, hinihintay ka na ng tahanan mo."

At hinihintay ko na rin na makabalik ako sa tahanan ko. Sa tahanan na binuo natin na masaya at magkasama.

"Can I stay with you at your unit? Hindi kasi ako makatulog kapag walang kasama."

I know, kaya nga nasasayang ang pera mo sa unit na iyon kasi parati kang nasa akin.

"Sure, tara na." Sabi ko.

Nang makauwi kami ay naligo siya sa unit niya bago pumunta sa akin. I prepared an extra foam in my room for him.

Once he arrived he gave me a warm smile and sat on the couch. Nagbukas siya ng phone at naglaro na.

"May balak ka bang mag stream?" I asked when I noticed him fidgetting around. "You can use my room."

"Ha? Hindi. Ahm...stream?"

"Nag se-stream ka when you play sometimes." Sabi ko while folding my clothes.

"Nah. Ikaw na lang." He said then went in my room.

Ihinanda ko ang gamit ko para makapag live sa living room ko. I set up everything and told Pablo to not come out of the room unless he needs to.

Ang saya kausap ng A'TIN and they really help me get over the problems I sometimes face.

"Ay wait may message sa gc." Pagbasa ko ay nabalitaan ko na may upcoming ganap kami.

Malaking ganap ito since marami kaming oras para mabigyan ng maayos na performance ang A'TIN. Matagal ko nang pinagdarasal na sana mabigyan kami ng opportunity na magkaroon ng ganito.

Nagulantang ako dahil biglang lumabas si Pablo to ask about the event.

"Naka live pa ako." Malambing kong sabi.

"Really? Sorry."

"Ayos lang tatapusin ko na din naman. Antok ka na ba? Pwede na tayong matulog." I tried to whisper so the viewers won't make a big deal about it.

"Sama ka na sa akin. Kanina ka pang naka live, magpahinga na tayo." He pleaded like he always did when I was too busy.

"Oo, ieend ko lang. Mauna ka na." Sabi ko at sumunod naman siya kaagad.

Pagkalingon ko sa phone ay napansin kong nagwawala ang mga nasa comments. Paktay na naman.
Aguy naman sa inyo, ang hirap na ngang itago muna kay Pablo tapos ang hirap pa din itago sa inyo.

One Last TimeWhere stories live. Discover now