Chapter 6: Back to Me

174 13 2
                                    

"GOOD MORNING!" Napatakip ako sa tenga dahil sa sigaw ni Stell. "Kain na!"

"Uyy!" Lalapit sana ang tatlo kaso tinutukan sila ng tinidor ni Stell. "Hoy!"

"Kay Pablo lang, mga patay gutom."

Nagpasalamat ako kay Stell at inisip ang mga susunod naming gagawin. Pagkalabas kasi ng comeback namin ay mas lalong na-hype ang A'TIN sa mga susunod naming ganap.

I was told about those shippings and stuff. Honestly pinaka gusto kong hindi ship sa akin ay yung JoKen because they wouldn't even fit with each other when you get to know them and it made me laugh so hard kaya sila ang paborito ko.

"Ikaw? Ayaw mong kumain?" Tanong ko kay Stell.

"Busog na ako, kain ka lang diyan." Sagot nito sa akin.

Nang makabalik kami sa practice ay napansin ko na nagtutulakan sina Ken at Justin. Hindi ko na lang pinansin pero apat na silang nagtutulakan at naghahagikhikan. Tumigil ako saglit at tinignan sila.

"May problema ba?" Tanong ko.

Baka hindi sila makasabay eh...baka nahihirapan at napapagod sila. Pwede ko naman i-adjust ang pahinga namin para lang makagalaw sila ng maayos.

"Ah kasi..." Tumigil si Stell sa sasabihin at tumingin sa akin. "Happy Anniversary, Pins."

"Happy Anniversary." Ngumiti sila sa akin kaya tumingin ako sa kalendaryo.

"H-Happy Anniversary?" Naguguluhang sambit ko.

Natawa sila sa sagot ko at hinila ako para kumain. Nalaman ko na bukas pa pala kaso busy kami bukas eh at gusto nilang kaming lima muna ang mag-celebrate. Bukas na raw kami mag-post para sa A'TIN. Kumain lang kami at nagkuwentuhan. Natutuwa ako sa kanila ngayon.

Puro lang kami tawa at kuwento. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanila. Kung paano sila nag-struggle isa-isa para lang makarating kaming lahat dito. Masaya ako na nakilala ko sila. Masaya ako dahil may mga kaibigan ako na pwede kong mapuntahan kung kailan ko sila kailangan.

"Huy." Napalingon ako kay Ken na nakangiti sa akin. "Ikaw na lang ang hindi ko nabibigyan ng regalo."

He wiggled his eyebrows as he lifted a little box na mukhang mamahalin.

"Ano ito?"

"Relo lang eh nakakahiya nga." Nahampas siya ni Josh ng towel. "Aray!"

"LANG?! ROLEX NA RELO, LANG!?" Naiinis na sabi ni Josh. "Pero thank you ha."

Natawa kami sa inasal ni Josh.

I watched them bickering with each other, ayaw kong pigilan sila dahil dito sila masaya.

"Mga Kuya forda noisy kayo ha." Sabi ni Charlotte habang pumapasok sila. "IKAW! AKIN NA LIMA MO!" Sigaw nito kay Ken at hinabol. "PALAGI KANG UMIINOM SA AMIN AH! BAYARAN MO NA!"

"NO!" Sagot ni Ken kaya hinabol na din siya ni Sophia. "AHHHH!!"

Umuwi kami para makapaghanda na para bukas. Nakitulog ulit ako kay Stell dahil ayaw kong umuwi pa sa amin.

"Busy day na naman." Sabi nito at nagsimula mag-stretch. "Sali ka?"

"Nah. I'm good." Sagot ko at naglaro na ulit.

Napansin ko na may litrato kami sa side table niya. Nakayakap ako sa kaniya habang hinahalikan ko ang pisngi niya, siya naman ay may hawak na bulaklak habang nakapikit. Kelan ito? Itatanong ko pa sana kaso biglang hinablot ito ni Stell at kinakabahang nakatingin sa akin.

"Ahh...wala ito, pinagtripan lang natin ang isa't-isa."

He's not telling me something. What is it?

One Last TimeWhere stories live. Discover now