Chapter 3

3.4K 78 0
                                    

Kanina pa ako paiyak-iyak dito habang naglalakad mag-isa sa kagubatan

Dinala ako ng paa ko dito matapos akong i reject ng mate ko

"Gosh! Stop it Hannah nakakadiri ka promise!" a familiar voice said

What's that? I know that voice

I followed it at nakakita ako ng tatlong tao na nag-uusap sa may gubat. Nandoon ang dalawang babae na nag-uusap sa may CR kanina pati si.... Tina?!

"Kinaibigan ko lang naman ang babaeng yun dahil sa kuya niya. Kung hindi siya kapatid ni Beta Freed ay hindi ko siya kakaibiganin. Ghad! She's a bad luck talaga dahil wala naman akong napala because her brother hate her at hindi man lang siya nito pinapansin. But you know napaka uto uto niya huh? Napagsuot ko pa siya ng gown kaya mas nagmukha siyang katatawanan dun! It's a casual party pero may naka gown? Ghad!" sabi ni Tina

"Sabi ko naman sa'yo dapat nag-isip ka ng ibang plano na may mapapala ka"

"Oo nga tama si Hannah bessy"

"Oh kita mo pati si Belle sumang-ayon sa akin" sabi ni Hannah

"Help me think of another plan. I will stop talking to that bitch baka malasin din ang sunod kong plano" sabi ni Tina

Hindi ko na napigigilang umiyak ng umiyak dahil kahit ang bestfriend ko nireject ako

What's wrong with me? Bakit ako na lang lagi!

Napag desisyunan kong umuwi na lang sa bahay

"Alam mo Blade? I wish sana si Daniella na lang yung namatay nung araw na yun at hindi sina mom at dad. She can help them but tumakbo lang siya! Dahil sa kaduwagan niya ay namatay sina mom at dad" Rinig kong sabi ni kuya na tila nanggagaling sa kwarto niya

Kuya is talking to the Alpha. My brother and the Alpha is a very close friend pero first time niyang dinala dito ang aking mate

It's really hurt. First, my mate rejected me, sunod ay ang akala ko ay kaibigan ko na yun pala ay may hidden agenda lang sa akin, now my brother na hinihiling na ako na lang sana ang namatay

Flashback

While walking ay nakarinig kami ng alulong

"A rogue!" Sabi ni Dad

"Mom! Dad!!" Sabi ko

"Run! Daniella! Tumakbo ka na!" Sigaw ni Dad

"No! Hindi ko kayo iiwan!"

"Tumakbo ka na anak! They're not an ordinary rogue! Isa silang half vampire half werewolf" sabi ni Dad

"No!" Sabi ko at yumakap kay Dad

"Iligtas mo na ang sarili mo! Umalis ka na anak! Me and your mom can handle this" sabi ni Dad

Hinila ako ni Mom para mapabitaw ako kay Dad

"Tumakbo ka na anak! Tell your kuya that we love him" sabi ni Mom

Biglang may lumabas na limang werewolves but hindi sila pangkaraniwang werewolves dahil biped sila or may dalawang paa at ang canines nila ay napakahaba at kitang kita mo ito dahil nakalabas ang mga ito kahit hindi nakabukas ang kanilang mga bibig at umaabot ang mga pangil nila sa kanilang mga baba. Malalaki din sila kumpara sa mga normal na mga werewolves.

"Tumakbo ka na at huwag kang lilingon ano man ang mangyari" sabi ni Mom

Tumakbo ako ng tumakbo. Rinig ko ang ungol ng mga magulang ko na tila nasasaktan

Nang dumating ako sa pack ay humingi agad ako ng tulong at ng dumating kami sa lugar na iyon ay dalawang sunog na katawan at hindi na makilala dahil sa sunog ang nandoon. Noong una ay hindi ako naniwalang na sina Mom at Dad yon pero nakita sa bangkay ang kwintas ni Mom na galing kay Dad kaya nakumpirmang sina Mom at Dad ang bangkay

End of flashback

Ayoko na! Mabuti pang mawala na lang ako dahil yun naman ang gusto ng mga tao

Pumasok ako sa kwarto ko isang metro ang layo sa kwarto ni kuya

Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at inilagay sa bag

Nagpalit ako ng damit at itinapon ang gown na binigay ni Tina sa akin

Noong matapos akong mag-impake at nakuha ang mga gamit ko ay kumuha ako ng papel at nagsulat para mag-iwan ng sulat para kay kuya

Nang matapos ang mga dapat gawin ay dahan dahan akong bumaba at pumunta sa kusina. Nilagay ko ang letter sa may ref at nilagyan ng magnet dahil I'm sure hindi naman ito makikita ni kuya sa kwarto dahil hindi naman siya napasok doon. Matapos kong ilagay ang letter ay nilisan ko ang bahay kung saan nagkaroon ako ng masasaya at malulungkot na alaala. I'm going to miss you kuya. I love you

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mga mata at saka tinahak ang daan palabas ng pack

Nahirapan akong lumabas dahil sa higpit ng seguridad dahil bawal ng lumabas ng ganitong oras pero naka tiyempo ako at agad na tumakbo palabas ng pack

Goodbye Blood Moon Pack

RejectedWhere stories live. Discover now