Chapter 19

1.7K 35 0
                                    

Pagkadating na pagkadating namin sa pack ay nag anyong werewolf na ako at sumugod sa mga bampira

Binugahan ko sila ng apoy at marami sa kanila ay nasunog

I saw kuya Freedom at ate Krissa na hawak ng mga bampira pati si Lucho na iyak ng iyak

Nag anyo akong tao para makausap ang may hawak sa mga ito

"Anong kailangan niyo?! Bitawan mo sila!" sigaw ko

"The legendary werewolf is here" sabi ng may hawak kay kuya Freedom at batid kong siya ang hari ng mga bampira base na rin sa kanyang aura na bakas dito ang authority

"Anong gusto mo?!" sigaw ko

"Isuko mo sa akin ang kapangyarihan mo" sabi ng hari

"No! Huwag mo kaming intindihin. Huwag mo ibibigay ang kapangyarihan mo sa kanila" sabi ni ate Krissa

"Shut up!" sabi ng hari at sinampal ng malakas si ate Krissa

Nagdilim bigla ang paningin ko sa ginawa ni hari nila

Naramdaman kong humaba ang kuko ko at mabilis kong nahila ang hari nila  sa leeg at inihampas sa pader habang sakal sakal ko

"Pakawalan niyo sila kung ayaw niyong paslangin ko ang hari niyo!" galit kong sabi

Hinigpitan ko ang paghawak sa leeg niyo at bumaon ang mahahaba at matutulis kong kuko sa leeg nito

Napasigaw sa sakit ang kanilang hari kaya binitawan agad ng mga bampira sina kuya at agad namang kinuhang chance iyon ni kuya Freedom para itakas ang mag ina niya at dalhin sa ligtas na lugar

Mas hinigpitan mo ang pagkawak sa leeg nito

"Bitawan mo ang hari namin kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ng mate mo" sabi ng isang boses sa likod

Lumingon ako sa likod at kitang kita kong hawak nila si Blade na nakatali ng silver na kadena sa katawan habang may nakatutok na baril dito

Napabitaw ako sa hari ng bampira at naramdaman ko na lang na may isang malakas na sumipa sa aking tiyan kaya tumalsik ako

Nilapitan agad ako ng  hari ng bampira

"Ako nga pala si Credence. Alam mo werewolf, maganda ka. Gusto mo maging laruan ko?" sabi niyo gamit ang nakakadiring boses nito

"Get the fuck off her!" nanghihinang sabi ni Blade

Kitang kita ko na siya ay sobrang nahihirapan dahil sa silver na nakadikit sa mga balat nito na sumusunog sa mga balat nito

"Mayabang ka Alpha? Gusto mo paslangin na kita ngayon din?" sabi ni Credence

Agad na naglabas ito ng punyal na batid ko'y gawa din sa silver at akmang itatarak sa dibdib ni Blade

"Huwag!" sigaw ko

Napatigil ito at lumingon sa akin

"Ibibigay ko ang aking kapangyarihan sayo basta wag mo lang siyang sasaktan" sabi ko

I'm sorry

I mouthed him

"No! Hayaan mo na ako. Huwag mo ibibigay"

"Madali ka naman palang kausap e. Ano pang hinihintay mo? Gawin mo na!" sabi nito

"Huwag. Please Daniella huwag mo gawin to" sabi ni Blade

"Manahimik ka! Gusto mo talagang paslangin kita?!"

Akmang sasaksakin niya ito ulit ngunit pinigilan ko ito

"Ibibigay ko ang kapangyarihan ko basta wag mo siyang sasaktan"

Ipinikit ko ang aking mata at inipon ang aking lakas at kapangyarihan para maisalin ito kay Credence

Ramdam ko ang mainit na enerhiya na namumuo sa katawan ko

Nang sandaling ipapasa ko na kay Credence ang kapangyarihan ko ay may isang dilaw na enerhiya ang tumama kay Credence kaya ito ay tumalsik dahil sa lakas nito

Hinanap ko ang pinanggalingan nito at nakita ko doon si Drew

"Sorry I'm late" sabi niya

Inatake niya din ang may hawak kay Blade at agad niyang inalis ang silver na kadenang nakabalot dito

"Kuya..."

Lumingon kami sa taong nagsabi noon at nakita ko si Drexie

"Drexie... Thank God you're safe" sabi ni Drew

Agad niyang nilapitan si Drexie at niyakap ng mahigpit

They're siblings?! So Drew came from the Lion Tribe

"Magkapatid kayo?" nanghihinang tanong ni Blade

"Yes. Mamaya ko na sasabihin ang ibang detalye pero kailangan kong ibigay kay Daniella ang glyph ng Leo" sabi ni Drew

What? Nasa kanya ang glyph?!

"Kuya is our king" sabi ni Drexie

Inilahad ni Drew ang kanyang palad at lumabas doon ang glyph ng Leo at pumunta iyon sa katawan ko

Naramdaman ko ang lalo pang paglakas ng kapangyarihan ko dahil kumpleto na ang glyph

"Hindi na ako magtataka kung bakit niyo natalo agad ang mahina kong anak" sabi ng isang nakakatakot na boses

Hinanap namin iyon at nakita namin ang isang lalaki na nakatayo sa bubong ng bahay ng alpha ng pack namin

"Vladimir..." banggit ni Drew

Ang lalaki ay nababalot ng mga itim na linya na parang ugat sa kanyang balat at base sa aura niya ay alam kong napakalakas nito

"Drew.. The eldest son of Drax and Vanna" sabi naman ni Vladimir

They know each other?

"Your mom was supposed to marry me but thanks to your bastard father. Your mom left me so I decided to kill them both" natatawang sabi ni Vladimir

"Mom never loved you. You threatened her family kaya siya pumayag magpakasal sayo at buti na lang hindi natuloy iyon dahil alam kong hindi masisikmurang makasal ni mom sa demonyong katulad mo!" sabi ni Drew

Bumakas ang galit sa mukha ni Vladimir at isang iglap lang ay nasa harap na namin siya at nakatagos ang kamay sa dibdib ni Drew

"Drew!" sigaw ko

"Kuya!" sigaw ni Drexie

"That what's you get from badmouthing me you bastard!" galit na sabi ni Vladimir

Kasabay noon ang pagbagsak ng walang buhay na katawan ni Drew

"Kuya!!!" umiiyak na sabi ni Drexie

Di ko na din napigilang mapaiyak sa nasaksihan ko. Si Drew ay isa sa mga taong naging sandigan ko noong nagsisimula pa lang ako sa fashion designing at masakit sa akin na makita ang wala ng buhay na katawan niya na nakahandusay sa lupa

"Look what we have here. The second born of Drax" natatawang sabi ni Vladimir

Nag anyong leon si Drexie at sinugod si Vladimir pero agad niyang nahawakan sa leeg si Drexie at hinagis

Inangat nito ang kamay niya at may lumabas na isang espada sa kamay nito at inihagis iyon kay Drexie

"No!" sigaw ko

RejectedWhere stories live. Discover now