Chapter 16

1.7K 36 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Siren's Cave at isinusuot ang mga earbuds

"Let's go?" Sabi ko

We're talking through mind link dahil we can't hear each other

"Wait... I think we must remove these earbuds. Paano natin sila kakausapin kung hindi natin sila naririnig?" Sabi ni Blade

Well... He has a point

Tumango ako at inalis namin ang earbuds pero hawak lang namin ito in case na kumanta ang mga sirena. Pumasok kami ng dahan dahan sa loob ng kweba.

"Hello?" Sigaw ko

Nag echo sa loob ng kweba

"Sure ka bang dito ang kweba ng mga sirena? Wala atang nakatira dito kundi mga paniki" sabi ko kay Blade

"Yeah. I'm sure of it dahil dito tayo itinuro ng compass" sabi niya

Nag dire diretso kami sa loob ng kweba hanggang sa makarating kami sa gitna ng kweba. May nakita akong malaking bukal ng tubig na asul ang kulay. Kakaiba ang pagkaasul nito.

"Sino kayo?"

Nagulat ako ng may magsalita sa likod namin kaya nilingon namin ito at nagulat kami sa nakita namin. We saw a naked woman standing in front of us

Lumingon ako kay Blade at napansin kong nag iwas ito ng tingin matapos makita ang babae. Aba good boy talaga ang mate ko.

"Mga werewolves kami at nandito kami para kunin ang glyph ng aquarius" sabi ko

"Hindi mo makukuha ang simbolo ng water bearer" sabi ng babae

Nilampasan niya kami at tumalon siya sa bukal at naging buntot ng sirena ang mga paa neto

Lumingon ako sa kanya

"Ano ang dapat kong gawin para makuha ko ang simbolo?" Sabi ko

"Talunin mo ako sa paglangoy" sabi niya

"Tinatanggap ko ang hamon mo" sabi ko

"Kapag nanalo ako ibibigay mo sa akin ang lalaking yan. Kapag nanalo ka ibibigay ko sa iyo ang simbolo ng aquarius" sabi niya

Ano?!

"Pumapayag kami" rinig kong sabi ni Blade

"Anong ginagawa mo?!" Bulong ko sa kanya

"I know you can win this match. I believe in you" sabi niya

"Simulan natin ang laban. Nandito tayo ngayon sa tinatawag na moon pool at sa labas ng moon pool na ito ay isang dagat. Simple lang naman ang larong ito. Kung sino ang makarating sa pampang ng islang makikita mo paglabas ng moon pool ay siyang panalo" sabi niya

Tumango ako

She snapped her finger at biglang nawala si Blade

"Saan mo dinala ang mate ko?!" Angil ko

"Kalma lang. Dinala ko lang siya sa isla na pupuntahan natin para makita niya ang laban" sabi niya

"Siguraduhin mo lang dahil kaya kong baliin yang leeg mo at iwan ang bangkay mong palutang lutang sa dagat kapag wala ang mate ko sa islang iyon" galit na sabi ko

"Kumalma ka lang. Simulan na natin ang laban" sabi niya na may nakakainis na ngiti

Lumusong ako sa moon pool

"Ako nga pala si Aquaria" sabi niya

"Daniella" walang gana kong sabi

I heard her laugh

"Bumilang tayo ng tatlo at pagdating ng tatlo ay saka tayo lumangoy" sabi niya

"One"

"Two"

"Three"

Lumubog kami sa tubig at saka lumangoy

Dahil isang sirena siya ay may advantage siya. Parang isang bala ng baril sa bilis ang paglangoy niya

I need to win this! I don't want to lose Blade!

Naramdaman kong gumaan amg pakiramdam ko at nakakahinga ako sa tubig

I saw pisces glyph sa likod ng mga kamay ko

"Win this game for us" rinig kong sabi ng dalawang boses sa isip ko

"Sino kayo?" Sabi ko

"Kami ang consciousness ng pisces" sabi nila

I felt my body became lighter at bumilis ang aking paglangoy at maya maya pa ay nakarating na ako sa pampang at laking gulat ko ng wala pa si Aquaria ngunit mga ilang sandali lang ay umahon na din ito at bakas sa mga mata nito ang gulat ng mapatingin sa akin

"Madaya ka! Dapat matatalo ka!"

Akmang susugurin ako ni Aquaria ng biglang may humarang sa harap ko at niyakap ako ng mahigpit

No! Blade!

Ilang saglit lang ay napansin kong walang nangyari kaya lumingon ako sa kinaroroonan ni Aquaria at nakita ko itong nakakulong sa isang water orb at pilit na kumakawala

RejectedWhere stories live. Discover now