Chapter 1

20 4 8
                                    

I am sitting on my chair, currently listening on our teacher's discussion when a student, I think he's in grade 5, a year older than me suddenly caught our attention.

"Excuse me, ma'am" saad ng estudyanteng nasa may pintuan

"Yes?" tanong ng adviser namin

"Kung mayroon daw pong gustong sumali si journalism? May pacontest po sa Santos Building sa room ni ma'am Rhoda" saad ng estudyante

"Oh, sinong may gustong sumali sa journalism? Pumunta na" saad ni ma'am at tumingin sa amin

Kaagad namang nagtaas ng kamay ang dalawa kong kaibigan. Si Marga at Cass. Naalala ko na sinabi ng kuya ko na ngayon nga raw ay sasali siya sa science-editoryal kaya nagtaas na din ako ng kamay.

Tumayo kaming tatlo at sumunod sa estudyanteng nagpunta sa room namin. This is actually my first time na sasali sa journalism. I had no idea kung anong gagawin dito, pero sabi nga nila ay go with the flow lang. I also want to experience being one of our school's journalist kaya susubok ako at kapag pumasa, edi goods.

Nang makapasok kami sa room na sinasabi niya, ay natagpuan ko roon ang aking kuya at ibang estudyante. Mostly ay mga grade 6 students kaya naman as a grade 4 student, nakaramdam ako ng kaba.

Iba't ibang category ang mayroon sa journalism. Ang editoryal, lathalain, balita, isports, tagawasto ng sipi, photojournalist, cartooning, science, at taga layout. Dahil gaya-gaya ako sa kuya ko ay nagtry ako sa editoryal--

Kaso after kong maipasa ang article na ginawa ko na hindi ko naman alam kung tama ay tinawag ako ni ma'am Rhoda na siyang coach ng journalism. Nagulat ako nang tanungin ako ni ma'am kung gusto kong mag feature writing o lathalain kaya naman nagulat ako pero kaagad ako na um-oo.

Sa huli ay pinaglaban-laban kaming mga kinuha ni ma'am Rhoda sa feature writing. Hindi ko nga alan kung paano ako nakuha.

Nang mag anunsyo si ma'am ng mga nanalo ay hindi na ako nag expect pero nagulat na lamang ako nang tawagin ni ma'am ang pangalan ko

"Amira Savanah Salazar, ikaw naman ang sa lathalain" saad ni ma'am Rhoda kaya nagulat ako

JournalistWhere stories live. Discover now