Chapter 9

15 3 0
                                    

-Continuation IX-

Months have passed, at patagal nang patagal ko syang nakakasama, palala nang palala ang kakaibang nararamdaman ko! Mas nagkalapit kasi kami!

Nagsimula ito nang may nagkacrush "daw" sa akin. Ewan ko ba, simula noon mas lumapit sa akin si Strevan

Gosh! Ano ba naman ito, Sav! Ginulo ko ang buhok ko sa mga naiisip.

Nandito ako ngayon sa may court, paano ba naman si Iyah need magdrawing ng mga naglalaro ng basketball para sa article ng balita. Bukod kasi sa competition, ang paggawa ng dyaryo ang pinakaresponsibility naming mga journalist

Alam nyo ba napakaunfair ng school namin! Nabalitaan ko kasi sa ibang school ay mga teachers ang naggagawa ng dyaryo. Bali, ang papel lang ng mga journalist ay para sa competition. Alam nyo na, gusto ng ibang school na kavogue ang mga dyaryong inilalabas nila, kaya mga teachers ang pinagagawa. Dinedegrade siguro ang kakayahan ng mga journalist nila na makapaggawa ng dyaryo. Pero unfair pa rin, kalaban ba naman namin sa mga dyaryo ay mga teachers, eh estudyante lang kami. Hayst

Nakakaawa tuloy kaming mga journalist na hindi na minsan makahabol sa lessons, palagi kasing may ganap every month tapos every end of the month need naming mag produce ng dyaryo, eh wala namang mga nagbabasa kundi mga matatanda. Eh uso na mga cellphone ngayon eh, syempre para humanap ng balita maghahanap na lang sa social media. Atsaka puro tungkol lang naman sa school namin ang dyaryo namin kaya wala naman masyadong interested, hindi naman kasi sikat ang school namin. Pero, kilala kaming mga estudyante kasi di naman sa pagmamayabang pero magaling kami sa competitions.

Natigil ako sa pag iisip nang lumapit si Iyah na mukhang paiyak na. Hindi ko nga alam kung bakit parati na lang cartooning ang inaatasan ni ma'am. Buti pa ang mga photojournalist ah, limang beses pa lang yatang nagamit para sa mga article. Hayst, kawawang mga cartoonist, sila ang pinahihirapan ni ma'am

"Huhu, ayaw ko na Sav. Dapat naman mga photojourn ang dito eh" nagmumukmok na sumbong sa akin ni Iyah

Napabuntong hininga na lamang ako

"Ewan ko rin ba kay ma'am. Pinahihirapan talaga ang mga cartoonist. Buti na lang nga at wala pang nakaatas na article sa akin ngayon." saad ko

"Ang daya mo! Huhu" pagmumukmok ni Iyah

"Tingnan mo sina Angel, puro chikahan lang. Pa chill-chill lang silang mga photojourn, madaya! May favoritism si ma'am porke anak nya si Angel huhu" pagrarants pa ni Iyah

"Hayst, bakit nga ba cartoonist ang inilagay dyan eh sa sports yan, dapat photojourn" pag agree ko sa kanya

"Eh kasi sa sports na ginawa ni Faye, naglagay pa sya ng international na manlalaro na inihalintulad ang basketball team natin. Kesyo ang lakas ng Santos Elementary School ay mahihahalintulad sa galing ng mga manlalarong sina Stephen Curry dahil sa paghahanda sa magaganap na intramurals. Hindi ko nga alam kung tama ba ang article ni Faye, sa pagkakaalam ko kasi mga feature writer ang gumagawa nun" saad niya

"Ewan ko rin" saad ko

"Nakakainis din kasi si Strevan! Buti pa sya laro nang laro ng basketball, di niya ako tinutulungan sa cartooning. Isusumbong ko sya kay ma'am!"

Nangunot ang noo ko

"Ha? Bakit?" takang tanong ko

"Anong bakit? Ipinangako nya na tutulungan niya ako dito, tas ngayon he broke his promise huhu. Ang bata ko pa pero stress na agad ako. Dapat naglalaro pa lang ako ngayon ng chinese garter pero ito ang pinoproblema ko huhu" saad niya

Nagulat kami nang lumapit sa amin ang pawisang si Strevan. Sumali sa basketball eh, akala ko nga lalampa-lampa sya dahil tahimik tas hindi naman sa pagbobody shame pero sya ang pinaka mapayat sa mga manlalaro. Pero may ibubuga rin pala si toto

"Sorry, Iyah. Tapos mo na ba? Itutuloy ko na" saad ni Strevan habang nagtutuyo ng pawis gamit ang tuwalya

"Paano ko matatapos! Wala akong load, di ko matandaan itsura ni Stephen Curry huhuhu" maktol ni Iyah

"Sige na, magpahinga ka muna. Ako na ang tatapos. Pasensya na ulit" saad ni Strevan at kinuha kay Iyah ang bond paper at sketch pad na patungan

Naupo sa may tabi ko si Strevan, andito kami sa may bleachers nakaupo

"Salamat Strevan! Hulog ka ng langit" saad ni Iyah at ngumiti

Ngumiti lamang sa kanya si Strevan

"Maiwan ko muna kayo, bibili lang ako ng palamig sa canteen. Malapit na matapos ang break time" saad ni Iyah

"Sige, ibili mo na rin ako" saad ko kay Iyah

"Aba anak ng! Hindi ka sasama? Ay oo nga pala andyan si Strevan. Sige ako na, Iyah at your service madam Sav" saad ni Iyah kaya sinamaan ko sya ng tingin

Umalis na si Iyah kaya ang awkward ng paligid. Pinanood ko na lang si Strevan na magdrawing

"Nabasa mo na?" tanong nya habang tutok pa rin sa pagdrodrawing"

"Ang alin?" takang tanong ko

Umiling lamang sya kaya napakunot ang noo ko

"Mabuti kung ganon" saad nya at bahagyang namula

Ano ba yun?

"Huy, ano nga yun?" takang tanong ko

Hindi siya nagsalita kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at nakitang may chat pala siya

Strevan Anuran:

Busy ka?

Kain tayo later sa canteen?

Kasama nga lang pati mga basketball players

Pero pwede naman tayong humiwalay ng table :))

Dahil doon ay namula ako. Napatingin ako kay Strevan at napansing namumula ang tenga nito. Anyare dito

"A-ahm, nabasa mo na?" tanong nito habang busy sa pag s-sketch

"Oo" sagot ko dito kaya napayuko ito

"S-so, sama ka? P-pwede rin nating isama sina Iyah at Michael" napangiti ako, ang cute niya pala

Hayst, tama na nga Sav! Baka magkacrush ka pa dyan! Ay teka- crush ko na nga ata siya!

"O-oo" napayuko na rin ako

"Okay. Sa lunch, sabay na tayo pumunta sa canteen. Daanan na lang namin ni Michael ang room niyo" napatango na lang ako kahit di ko alam kung kita niya

JournalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon