Jealous

9 0 0
                                    

Ilang weeks na din nakalipas simula nung nalaman ni Lena yung relasyon namin ni Luke. Di ko pa din masabi kila Monique at Cindy ang about samin ni Luke. Kinukulit na nga ako ni Lena lagi na sa sabihin na din daw kila Monique para naman daw may karamay siya sa pangaasar sakin. Loka loka talaga tong babaeng to.

Heto kami ngayon nakatambay dito sa gym. PE class kasi namin maya maya kaya dito na lang kami tumabay.

Biglang may pumasok sa gym na isang klase. Mag PE din ata sila. Nakita nila Lena ang Winner boys.

"Uyy sila Allen." sigaw ni Lena.

"Kilig na kilig ka naman jan Lena." sabi ni Cindy

"Aba siyempre. Ilang araw ko na din di nakikita si Allen mylabs so sweet." sagot naman ni Lena.

"PE pala nila ngayon. Parang ngayon lang sila natin nakasabay." sabi ni Monique.

Biglang dumami ang tao ngayon dito sa gym. Mukhang may basketball sila ngayon. Naalala ko na. Sabi nga pala sakin ni Luke kagabi na may basketball game sila sa PE nila. Sabi niya kaninang umaga yun. Sinabihan ko siya na di ako makakanuod kasi may klase ako sa umaga. Nalipat ata ng oras ng game nila.

Chineck ko phone ko kung may message ba si Luke. Kaso empty battery nanaman pala phone ko ngayon. Patay nanaman ako neto sa kanya. Naiinis kasi si Luke na di ako makontact, kasi secreto na nga relasyon namin dito sa school kaya di niya ako pwede malapitan, tapos di niya pa ako makausap kahit sa tawag or text lang daw. Haayst. Makikitext na lang nga muna ako kay Lena para inform siya sa nangyare sa phone ko. May advantage din pala na nalaman ni Lena about samin ni Luke. Nacocontact ko pa din siya kahit di gumagana phone ko. Haha

"Lena, patext naman ako." Bulong ko sakanya sabay puppy eyes.

"Esus. Lowbat nanaman phone mo? Eto oh." Sabay abot ng phone niya.

Type. Type and send.

"Waaaaahhhh. Luke. Allen. Prince. Edward!" sigawan ng mga babae dito ngayon sa gym.

Muntik ko na mahulog phone ni Lena sa lakas ng sigawan ng mga tao dito. Grabe talaga fangirls ng Winner boys.

Punong puno ang gym ng mga tao dito at karamihan mga babae. Ano ba to? Olympics? PE class lang naman to ah.

Nandito na pala kami malapit sa bench ng Winner boys. Hinila ako kanina nila Cindy para dito kami pumesto. Ang lapit namin sakanila. Nagkatitigan kami ni Luke pero wala lang kibuan. Siniko naman ako ni Lena.

"Bakit?" tanong ko kay Lena.

"Icheer mo naman Jowa mo. Kawawa naman." bulong sakin ni Lena.

"Tse. Dami naman nagcheer sa kanya." bulong ko din sakanya.

"Ay taray ni ate girl. Selosa yan? haha "

"Tumigil ka na Lena sa pangungulit mo. Baka may makarinig satin." pagsaway ko kay Lena,

"Uyyyy girl. Sino yun? Yun ba girlfriend ni Luke?" sabay turo ni Monique sa direction ni Luke.

May kausap si Luke na babae. Medyo malayo sila sa pwesto namin. Di ko kilala yung babae na kausap nila. Pilit kong tinitingnan yung babae ng biglang sumabat si Victoria samin at sinagot tanong ni Monique.

"Yes girl. Kaya wag na kayo umasa kay Luke. May girlfriend na siya. At kita niyo naman ang taas ng standard niya sa babae." sabi ni Victoria.

"Alam mo Aling Vicky di naman ikaw ang tinatanong." inis na sabi ni Lena.

"Eh sa narinig ko at gusto ko lang naman basagin yang mga pantasya niyo na magiging jowa kayo ng Winner boys, hmmph." pagtataray ni Victoria.

"Pigilan niyo ako. Babangasan ko na tong babaeng to." bulong ni Lena samin.

I'm His GirlfriendWhere stories live. Discover now