Secret Relationship

23 0 0
                                    

Casandra's POV

"Hello Everyone! My name is Sandara Park!" masayang pagsisimula ko. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"Biro lang. My name is Casandara May Perez. I hope to have a nice year with you guys and sana magkakasama tayo hanggang grumaduate tayo." sabi ko at nagpalakpakan naman mga classmate ko. Nasa unahan ako ngayon at nagpapakilala.

I am first year college sa YG University taking BS Accountancy. One week nakalipas simula ng klase. Wala talaga akong kakilala dito pero mababait naman mga kaklase ko kaya nakagaanan ko na sila ng loob. Pinili ko talaga magaral sa Manila kesa sa probinsya namin. Gusto ko masubukan maging independent. As usual, since first year student ako eto ang unang activity namin sa subject namin ngayon ang ipakilala ang aming sarili. Halos buong week puro pakilala lang ginagawa namin sa subjects namin.

"Thank you Ms. Perez! You may now take your seat. We go to the next person. Punta ka na dito wag ka na mahiya." - Professor Aiza.

Mabait naman si Professor Aiza kaya natapos ang klase namin na nagtatawanan kaming lahat.

"Sandy, tara kain na tayo. Dun tayo sa canteen. Sabay ka na samin." pag aaya sakin ni Monique. Isa sa mga kaklase ko. Lunch break na namin ngayon.

"Sige." sagot ko

Papunta na kami sa canteen ng mapansin namin na parang may pinagkakagulohan sila. Mostly mga kababaihan.

"Hala! Bakit kaya sila nagkakagulo? Tara puntahan natin. Baka may artista dun." biglang hatak sakin ni Lena. Sumunod na din sila Monique at Cindy.

Sila Monique, Lena at Cindy laging kong kasa kasama. Naging close agad kami apat unang araw pa lang ng klase.

Pilit naming sinisilip kung anong meron. Nakipagsiksikan na din kami. Nacurious din ako kung anong meron. Di ko pa man din nakikita kung ano yung pinagkakagulohan nila ay bigla ng nagkatulakan.

"Aray ko! Wag naman kayo manulak." gosh. Ano ba tong pinasok ko? Hala nasaan na sila Monique. Di ko na sila makita. Nagkahiwahiwalay na kami. Dahil sa siksikan napunta ako sa harap. Nakita ko na kung sino pinagkakagulohan nila. Apat na mga naggwagwapohang mga lalaki. Natulala ako ng makita ko ang isang lalaki na kasama nila. Bushak! Anong ginagawa niya doon? Kilala ko ang isa sa apat na lalaki na pinagkakagulohan nila. Di lang basta kilala. Kilalang kilala. Paano ko nakilala? Mamaya ikwento ko. Kailangan ko muna makaalis dito. Paalis na sana ako kaso may biglang tumulak sakin ng napakalakas kaya naoutbalance ako. At lagapak ako sa sahig as in subsob ang mukha ko. Feeling ko dumudugo tuloy ilong ko. Kinapa ko mukha ko at buti naman hindi naman dumudugo ilong ko. Tumayo na ako at nakita kong papalapit na ang isa sa mga lalaking pinagkakaguluhan sakin. Dali dali akong tumayo at umalis. Pinadaan naman nila ako. Naharang na din nila yung lalaki na gustong lumapit sakin. Lakas ng hiyawan nila. Mamaya ko na lang siya kakausapin.

Yung lalaking sinasabi ko sainyo na kilala ko ay si Lucas Oliver Alcantara. My boyfriend. Oo tama kayo ng basa. Boyfriend ko nga yun. At hindi ako nagiilusyon. Boyfriend ko talaga siya. Pero due to some circumstances napagusapan namin na dapat walang nakakaalam na mag jowa kami. Secret na lang muna. Ayaw niya pa nung una. Bakit naman daw namin itatago na kami? Pero pinilit ko siya at nagets naman niya. Alam ko naman na hearthrob dito sa school para iwas issues. Nung high school kasi kami madaming fangirls ni Luke ang nangaway sakin dahil ako ang girlfriend. Kahit nga bestfriend ko di ko akalain na ibubully din ako. Basta mahabang kwento. It was a traumatic experience and ayoko muna maexperience ulit yun kaya mag low profile muna ako.

Alam ko naman na di naman masesecreto ng matagal kung anong meron kami. Sabi nga nila walang secretong di nabubunyag. Pero at least makapagtime out muna ako sa mga pambubully. Pero di ko akalain na ganito ka sikat si Luke sa school na to. Kailangan ko magingat at the same time kailangan kong bantayan si Luke. Naku mahirap na. Pero grabe. Parang may grupo sila. F4 lang ang peg ng boyfriend ko at ng mga friends niya. Di ko masyado kilala ung mga kaibigan niya pero kilala ko naman sila sa pangalan at mukha.

I'm His GirlfriendWhere stories live. Discover now