Buti Nalang..

15 1 0
                                    

9:13 P.M  May 23, 2022


Buti nalang may musika..

Ito ang nagsisilbing panakip sa tainga upang kumalma ang puso't isipan at hindi na marinig ang ingay at gulo sa loob ng isipang walang katahimikan.


Buti nalang may unan..

Ito ang nagsisilbing sandalan sa tuwing mabigat na ang dinadala, at tagasalo ng mga luhang hindi na mapigilan sa pagpatak.


Buti nalang may tula..

Ito ang nagsisilbing daan upang ilahad ang sariling isipan at nararamdaman, may sukat man ito at tugma, o isang malayang taludturan.


Buti nalang ay may ikaw..

Hindi ka man nakapagsasalita ay ramdam ko sa iyo, ako ay mahalaga. Wala mang kamay na makakapitan, sapat na ang iyong mga paa.. at basang ilong upang maramdaman ang iyong pagmamahal.


Sana'y habang buhay nalang kitang kasama.


Sa Pagitan ng mga Sukat at Tugma..Where stories live. Discover now