Ayos Ka Lang? Umayos Ka Lang... Aayusin Kita

4 0 0
                                    

Ayos ka lang?
Umayos ka lang..
Aayusin kita.

Madalas kapag may nakita tayong tao na nasa hindi magandang sitwasyon, tinatanong natin sila ng "Ayos ka lang?"

Pero yung sarili mo ba kahit minsan ay natanong mo na ng "Ayos ka lang?"

Ayos ka lang?

Paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili na hanggang ngayon ay hindi ko mahanapan ng kasagutan..

Sapat na ba ang sagot na "oo"?
O kailangan ko pang ipaliwanag ito?
Ano ba o paano ba masasabi na ayos lang?

Hangga't kaya ko, ayos lang ako..
Hangga't hindi ko nararamdaman ang lungkot, ayos lang ako—
Hangga't napipigilan ang luha sa pagpatak, ayos lang ako.

Umayos ka lang..
Bulong sa sarili habang isa-isang ibinabato ng mundo ang mga pagsubok.
Umayos ka lang... Kinaya mo noon at kakayanin mo ulit ngayon.

Ngunit hanggang kailan ko ba kaya?
Hanggang kailan ko kakayanin—
Hanggang kailan ko kailangan kayanin?

Ang sagot lamang sa sarili ay "Basta!"
Basta umayos ka lang..
Kakayanin mo nang paulit ulit basta umayos ka lang.
Makararating din tayo sa dulo—
Umayos ka lang.

At kapag dumating na tayo sa dulo,
Pangako... Aayusin kita.
Lahat ng kulang,
Lahat ng kaonti,
Lahat ng nasira at pati na rin ang wala ay onti onti nating pupunan.
Hindi man agaran at mabilisan—
Pero pangako... Aayusin kita—
Maaayos kita.

Para sa muling may magtanong ng "Ayos ka lang?"
Taas noo na natin silang sasagutin na "Ayos lang ako."
Nang hindi nag-aagam-agam.
Sigurado, walang labis.. At walang kulang.

Ayos ka lang?
Umayos ka lang..
Aayusin kita.
Dahil ikaw, ay ako. Iisa tayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Pagitan ng mga Sukat at Tugma..Where stories live. Discover now