sc one : captured

45 3 0
                                    

"Kang... anak, isarado mo na ang pinto at papasukin ng tubig ang bahay," pahiyaw na usal ni ina sa lakas ng ulan.


Hindi ko maialis ang paningin ko sa dilim ng kawalan, nagbabakasakaling mula r'on ay magmula si ama. Ngunit imbis na hubog ng isang kawal ay anino ng isang batang babae ang nataw ko sa kalayuan.


"Ina, ina, ina!" tawag ko habang ipinapagaspas ang kamay nang makitang may bagay na nakatarak sa dibdib nito.


Mabilis na nakalapit sa akin si ina para tanawin ang labas. Saglit naningkit ang kanyang mga mata at halos mapasigaw ako nang sumuong siya sa lakas ng ulan.


"Kong!" hiyaw ko. "Si ina!"


Nanginginig kong dagdag sa isipin na ang batang iyon ay 'gaya sa mga istoryang ayon kay ina ay ginagawang panakot lamang sa mga bata.


Wala akong magawa nang makitang buhat ni ina ang batang babae at nagmamadaling pumasok sa loob.


Agad akong kumuha ng pamunas sa sahig at ganon na lang ang gulat ko nang nagkalat doon ang dugo.


"Kang!" hila sa akin ni Kong mula madugong sahig.


"Ina anong-" naputol ang salita ni Kong at nanlaki ang mata ko nang malinaw ang imahe ng babaeng kanina ay tanaw ko lamang.


Palaso. Isang palaso ang nakatarak sa dibdib niya at mula doon umaagos ang dugo na ikinatataranta naming dalawa.


"Kong maghanda ka ng isang basin ng tubig at bimpo. Kang, kuhain mo ang mga kagamitan ko sa pangagamot. Magmadali, kambal," kalamado niyang utos.


Pareho kaming nagkumahog ni Kang para ihanda ang kailangan ni ina.


Nang gabing iyon, naisalba ni ina ang batang may nakatarak na palaso sa dibdib ngunit hindi tumila ang ulan...at hindi na rin muling bumalik si ama sa amin.


Ilang araw ang lumipas at sapilitan kaming ipinatapon sa kakahuyan dahil umano sa pagtataksil ni ama sa emperyo.


We barely survive in the wilderness if it's not because of her. Mal carved us an easier way. Sa murang edad ay walang mag-aakalang may kaalaman siya sa pagha-hunting.


And we almost made our way out when we bumped into an assassin in the mask of a hunter. He shared with us his food, his home and...his enemies.


"Don't cry. We'll be fine as long as you don't make any noises,"


Hinigpitan niya ang kapit sa kamay namin ni Kong habang dinig namin ang pagmamaka-awa ni ina para sa kanyang buhay sa labas ng silid.


Nang tuluyan na kaming mawalan ng magulang, si Mal ang nariyan upang punan 'yon. Nanatili siya kahit ng mahuli at ipatapon kami palabas ng Xin.


Labyrinth of Euthanasia : The death of the villainessWhere stories live. Discover now