PROLOGUE

1.7K 36 6
                                    

Hardships often prepare ordinary people for an extraordinary destiny – C.S. Lewis

PROLOGUE – THIRTEEN YEARS AGO

CRISANTO

"Santo, tandaan mo, alas-otso kumakain dito ang lalaking may-ari ng kulay pulang Perari. Paglabas niya sa restaurant, agawin mo agad ang bag tapos itakbo mo. Sa kabilang kanto na tayo magkikita-kita para maipasa mo ang bag."

Hindi ko pansin ang nagsasalita noon at patuloy lang ako sa paghithit ng sigarilyong hawak ko. Nakatingin sa mga dumadaang mga tao habang ang isip ko ay langong-lango sa drogang kakatapos lang naming hithitin.

"Putangina, Santo! Makinig ka."

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pilit akong iniharap sa kanya. Lampasan lang ang tingin ko at napatawa pa sa nakitang galit na galit na hitsura niyang nakatingin sa akin. 'Tangina nitong si Epoy. Bakit ba ito laging galit? Malamang bitin na naman sa dalawang gramo na pinaghati-hatian namin. Bitin pa siya? Ako? Okay na okay na. Pakiramdam ko nga lilipad na ako mamaya.

Hinawakan niya ang mukha ko. Marahan pang tinapik-tapik iyon na parang ginigising ako.

"Makinig ka. Makinig ka."

Nakakainis. Paulit-ulit ang sinasabi kaya inis kong tinabig ang kamay niya. Inisang hithitan ko ang hawak kong sigarilyo at pinitik iyon sa kalsada.

"Nakikita mo 'yang harapan ng restaurant. Diyan paparada ang sasakyang Perari mamaya. Tingnan mo," muli ay hinawakan ni Epoy ang mukha ko at pilit na iniharap sa lugar na sinasabi niya. Inis ko na naman tinabig iyon at nagsindi uli ng sigarilyo.

"Ngayon lang ang pagkakataon natin. Tandaan mo na kailangan nating gawin ito. Utos ito ni Kap at kapag hindi natin nagawa, siguradong tayo ang malilintikan at mabubulok tayo sa kulungan."

"Oo na," iritableng sagot ko at muli ay tiningnan ang mga taong naglalakad sa harapan ko. Napapangiti pa ako habang nakatingin sa kanila. Tingin ko ay mga lumalakad sila na nakalutang ang mga paa. Ang galing. Paano kaya nila nagagawa iyon?

"'Tangina si Santo nagti-trip na. Sigurado ka bang makakakilos pa 'yan mamaya, Epoy? Baka dahil sa gagong 'yan masilat tayo. Napakalakas humigop kasi kulang ang isang gramo."

Hindi ko tiningnan ang nagsalita noon. Sigurado naman akong si Tutsinik lang 'yon na lagi na lang kontra sa akin. Hindi ko alam kung bakit asar na asar sa akin ang isang 'to. Ah, alam ko na pala. Naalala ko na. Kasi nayari ko ang syota niyang ayaw naman sa kanya. Syinota lang siya dahil gustong mapalapit sa akin.

Naalala ko muntik na akong saksakin nitong si Tutsinik noon. Mabuti na lang at naawat ni Epoy. Tingin naman niya papayag akong gawin niya iyon sa akin. Bago niya ako matarakan, unahan ko na siya. Mas sanay akong humawak ng kutsilyo kaysa sa kanya.

Ako na laking kalsada. Ako na alam ang pasikot-sikot ng bawat kalye dito sa Maynila. Ako na sa murang edad pa lang ay bataan na ng mga pulis dito na sangkot sa mga illegal na gawa. Simpleng taga-bili ng sigarilyo, runner ng mga kung ano-anong dapat na ibigay sa kung kanino kapalit ng maliit na halaga. Snatcher din ako. Mandurukot sa parteng Divisoria. Marami akong nabibiktima doon lalo na kapag magpa-Pasko. Lagi kaming paldo. Pero hindi naman sa amin napupunta ang mga nakukuha namin. Kailangan din naming ibigay iyon sa boss naming pulis kapalit ng proteksyon na kahit anong gawin namin ay hindi kami makukulong. Barya-barya lang ang ibinibigay sa amin para pangkain at pang-bisyo.

"Hayaan mong mag-trip. Kailangan niya iyan para mas malinis ang trabaho mamaya. Sabi ni Kap, bigtime itong pupuntiyahin natin ngayon. 'Tangina, naka-Perari ba naman. Ilang beses ko na ring nakikita dito 'yan. Paboritong kumain sa Estero."

CAPTIVE HEARTS (RUTHLESS SINS SERIES 3) COMPLETEWhere stories live. Discover now