CHAPTER FOUR | MISS WHO

493 21 2
                                    


Chaos makes the muse.

CAPTIVE HEARTS

CHAPTER FOUR | MISS WHO

Patek

That was the best sex I had.

Usually, hindi naman ako nakakatulog pagkatapos ko makipag-sex. Sinisigurado ko na kapag nakaraos ako, automatic akong aalis kung nasaan ako o paaalisin ko ang babae kung doon kami inabutan sa bahay ko.

But not tonight.

Sleeping beside her after sex was the best part. Feeling her warm and soft body against mine, I didn't want to move or get off from this bed.

Kaya buwisit ako nang marinig kong may tumutunog na telepono at sinagot niya iyon. Ibang lengguwahe ang sinasabi niya. Russian.

Kogda? Teper'?

When. Alam ko iyon ang ibig sabihin ng kogda. Teper? Tangina. Ano nga 'yon? Now ba? Bakit naman Russian 'to magsalita? Hindi pa naman ako marunong masyadong umintindi noon. Mga basic lang. Si Ilyenna at Stas ang magaling sa lengguwaheng iyon.

Narinig ko siyang mahinang napamura tapos ay bumalikwas ng bangon.

"You need to leave."

Bakas ang katarantahan sa boses niya habang isa-isang pinupulot ang damit ko at ihinahagis sa puwesto ko.

"What?" Takang-taka ako sa ginagawa niya. Wala siyang pakialam kahit hubad siya sa harap ko at mas lalo ko lang na-appreciate ang kagandahan niya. Napakaganda ng hubog ng katawan niya.

Hindi siya sumagot at boxers ko ang ibinato niya sa akin.

"Wait." Hindi pa rin ako kumikilos at nagtataka pa rin ako na nakatingin sa kanya na ngayon ay paikot-ikot na hinahanap ang damit niya. Halata pa sa hitsura niyang pilit lang nagpapaka-normal pero may epekto pa ng alak.

"You need to leave now," ngayon ay matigas na ang boses niya. Dinampot niya ang damit na suot kanina at nagmamadaling isinuot iyon. Tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay nang makitang hindi ako kumikilos. "What are you waiting for? Go." Nanlalaki pa ang mata niya.

Napatiim-bagang ako at napahinga ng malalim bago tumayo mula sa kama. Nakita ko siyang agad na iniiba ang tingin nang makitang hubad ako at sinasadya ko talagang ipakita ang nasa pagitan ng hita ko na nagsisimula na namang magalit.

"Do you really want me to go?" Paniniguro ko sa kanya.

"Yes." Mabilis niyang sagot. "Now."

"All right. You don't know what you're missing the second time around." Nanunuksong sabi ko at isinuot ang boxers ko.

"Move fast!" Sabi pa niya at kinuha ang telepono niya. Napapamura pa talaga siya tapos ay nagsasalita ng Russian.

All right. Mukhang seryoso na 'to. 'Tangina. May-asawa kaya siya? Hindi malabo. Napakarami kong kilalang babae na nayayari ng boss ko pero may mga asawa na. Si Stas pa ba. Kahit sino ang ginusto ng isang iyon hindi puwedeng hindi makuha.

Napatingin sa akin ang babae at nang makita niyang nakasuot na ako ng pantalon at longsleeves, kahit hindi ko pa nabubutones ang mga iyon ay agad niya akong hinawakan sa braso tapos ay hinila para makarating sa pinto.

"Leave. Go!" Binuksan pa niya ang pinto at halos itulak akong palabas.

"Wait. Ganoon na lang talaga?" Hindi talaga ako makapaniwala na magtatapos kami sag anito.

CAPTIVE HEARTS (RUTHLESS SINS SERIES 3) COMPLETEWhere stories live. Discover now