Her Damsel in Distress

12.6K 450 98
                                    


Olivia



Maaga akong nagising para umuwi at kumuha ng mga gamit ni nanay na dadalhin sa ospital at para na rin makapag ayos ako para sa pag hahanap ng trabaho.


Sinamahan ako ni Xerces sa bahay para sya na daw ang mag dala ng mga gamit sa ospital. Kasalukuyan akong nag lalakad at nag titingin tingin at nag babaka sakaling may makita akong nag hahanap ng trabahador.


Bahagya pa akong nag lakad ng may madaanan akong isang mamahaling restaurant at may naka paskil na papel sa may pintuan nito.


Hiring! Waiter/Waitress


Bigla akong nabuhayan ng dugo ng mabasa ko ng maigi. Lumapit ako sa gwardyang naka bantay sa pintuan ng restaurant para mag tanong


"Ah Sir, hiring pa ho ba kayo?"


"Ng gwardya po ba maam? Naku hindi na po eh, atsaka mas gusto po nila yung lalaki sana kung sakali"


Deretsong paliwanag nito. Mukha ba kong nag aapply para gwardya? Sa liit kong 'to eh baka bitbitin lang ako.


"Hindi po sir, yun po oh" sabi ko sabay turo sa naka paskil


"Ah yan po ba? Ay oo Miss isa lang ang hinahanap nila. Halika samahan kita sa loob"


Bahagya siyang natawa at kakamot kamot sa ulo ng mapag tanto kung ano ang sinagot niya. Si kuya tanghaling tapat pero parang lutang eh


Sinundan ko naman siya atsaka ko napansin na napaka gara ng loob nito at talagang halatang para lamang sa mga mayayaman ang lugar na'to. Tahimik sa loob at mas nangingi babaw ang nakaka relax na musika.


Muntikan akong mabilaukan ng dumapo ang tingin ko sa isang table kung saan sopistikadong naka upo si Miss Dela Fuente habang naka dekwatro ito. Hindi ko makita ng maayos ang kabuuan niya dahil nakaupo sya at may kausap na gwapong lalaki.


Muling umangat ang tingin ko sa mukha nito at muntikan na akong matapilok dahil naka tingin din ito saakin at may kasamang nakaka lokong ngisi sa mga mapupula niyang mga labi.


Agad akong nag bawi ng tingin at mabilis na hinabol si kuyang guard.


Kahit pa na parang pinaglihi siya sa sama ng loob hindi maikakaila ang taglay nyang ganda. Lalo na yung sexy nyang katawan, yung mapuputi at mahaba nyang legs na parang ang sarap--


Ano ba 'tong tumatakbo sa isip ko? Jusko para akong trenta anyos na malibog na lalaki.


Bigla akong kinilabutan sa naisip ko, ano ba kasi 'tong nararamdaman ko? Parang tanga eh


"Miss ayos ka lang ba?"


Bumalik ako sa wisyo ng marinig si kuyang guard. Ahhhh! Ano bang nangyayari saakin!


Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now