CHAPTER 16

23 4 2
                                    

Nang matapos na kami ay umupo na ako sa ugat doon at sumandal sa puno, sila Era at ang mga kaibigan nya ay hiniram ang cellphone ko para makapag sayaw daw sila.

May inilapit naman sakin na stick ng barbeque si Roan kaya agad ko yung kinuha.

"Sumasayaw ka pala"  naka ngiti nyang sabi, aba ngumingiti na ito ngayon ah nakaka good vibes siguro akong kasama. Well infairness ang gwapo nya pag naka ngiti ah

" Ngumingiti ka na ngayon ah" siniko ko pa sya, bigla tuloy nawala yung mga ngiti nya sus wala na nakita ko na.

"Hoy Roan wag kang maiinlove sa akin ah alam mo naman nakatakda na ako para sa iba" tinaas ko pa ang kilay ko sa kanya, muka namang nagulat sya sa sinabi ko at tumawa ng malakas.

Tawang tawa? Naka kuha na tuloy kami ng attention mula sa iba. Pati sila Theon ay napa tingin na rin sa amin.

"Ako maiinlove sayo? Nababaliw ka nang babae ka" sarcastic nyang sabi, kanina tawang tawa ngayon naman sarcastic na sino kaya sa amin ang baliw.

"Walang makakapag palambot sa akin Mindy Ara not even my future mate" matalim syang tumingin kung saan.

"Edi mabuti, bahala ka kung yan ang pananaw mo basta binalaan na kita" tumayo ako at humarap sa kanya.

"Kase yung mga second lead  kadalasan namamatay" casual kong sabi sa kanya na nagpa kunot ng kilay nya.

"Oo ganun talaga yun Roan, ganyang ganyan yung mga eksena pa bad boy yung second lead tapos its either mababaril sila o mag sa sacrifice para--"

"Shut up! Hindi ako mamatay para sayo! Who do you think you are?" Galit nyang sabi saka naglakad palayo sa akin.

"Galit agad sinasabihan  lang naman kita duh" sigaw ko din sa kanya.

Tumingin na lang ako sa paligid nag uusap parin si Theon at yung babae, si Sherra naman ay nakikipag sayaw sa mga bata.

Tumingin uli ako kay Theon na naka tingin nasa akin habang daldal ng daldal yung babae, kaya kinindatan ko sya at nag finger heart.

Halos tumalon naman yung puso ko dahil ngumiti sya sa akin. Tas yung babaeng epal lalo pang nilapit yung sarili kay Theon.

"Ms. Mindy eto na po yung phone nyo"

Napa lingon tuloy ako kay Era na istorbo "Tapos na kayo?"

"Yup, pupunta kami doon sa rock formation para makita ng mas malapitan yung buan" excited nyang sabi.

"Sama ako boring naman kase dito"

"Hindi ka pinapansin ng Alpha?" Tanong nya pa, langyang bata to tinawag nya kaya ako kaya naputol yung masaya naming pagtitinginan!

"Manahimik kang bata ka tara na"

Ang sakit naman sa paa ng maliliit na bato. Nauuna na silang lumakad na tatlo ang bilis nilang lumakad palibhasa sanay na sanay na yung mga paa nila. Mukang kaylangan ko ng foot massage after nito ah,

"Ms. Mindy ano kaya pa?" Sigaw ni Era, ang sakit ng na ng paa ko parang hindi ko na nga kaya.

"Oo naman sige girls mauna lang kayo!" Sigaw ko din sa kanya. Umupo muna ako saglit at masakit na yung paa ko.

"Hindi mo na kaya, come with me ipapasan kita"  nagulat pa ako kay Theon ni hindi ko man lang narinig na naka lapit na pala sya sa akin.

Iniluhod pa nya yung isang tuhod nya para maka pasan ako sa kanya. Syempre hindi na ako nagpa bebe pa kumapit akong maigi sa kanya kaya amoy na amoy ko ang bango nya, para syang amoy chocolate na may halong amoy ng spring ang sarap sa ilong

The Alpha's Mate (I Love You Contoda Mi Alma) Where stories live. Discover now