Chapter 12

29 3 0
                                    

UMAGANG-UMAGA pa lang, malawak na ang ngiti kong nakapaskil sa labi. Hindi ko man siya naalalayan na pumasok sa kuwarto niya at para doon matulog, at least nakapagnakaw ako ng ilang minuto para titigan siya mula sa sinag ng ilaw sa balcony.

Balak ko pa sanang panoorin siyang matulog dahil natutuwa lang akong pagmasdan ang maamo niyang mukha, pero baka maalimpungatan siya at mahuli nila ako ma'am.

Huminto ako sa pagwa-walis, hinintay kong dumaan sa akin. Nakangiti lang akong pinapanood ang pagmartsa niyang nakapamulsa at gaya ng dati, itim lahat ang suot niya. Pero napansin kong tila nakusot na papel ang mukha niya.

Binalewala ko at kumaway sa kaniya. "Good morning," masayang pagbati ko nang dumako sandali ang tingin niya sa akin.

Umawang lang nang maliit ang labi ko, nakita pa sa gilid ng mata ang pagtayo nang maayos ni Ate Ana at sinundan ng tingin si Aquilla.

Dinaanan lang niya ako na para bang tuyong dahon lang sa hardin nila. Huni ng gate ang kumalabit sa akin para lingunin ang ginagawa niya.

Inilabas niya ang isang kamay. Nag-away ang susi at iba pang nakasabit sa paraang nagbabanggaan. Busina ng kotse niya ang pumainlanlang at pagsara ng pinto ng kotse ang ginawa. Hindi man lang siya nagbalak tumingin kahit segundo bago pumasok sa loob.

Wala akong maaninag pero nanatili akong nakatingin. Bawat atras niya, nagwawalis din ako.

"Mababasag iyang bintana ng sasakyan, Lyka."

Dumilat akong nailing sa boses ni ate sa tabi ko. Binalingan ko siya. Nakatingin lang din sa lumalabas na kotse.

"Magbihis ka na. Hindi ba sabi mo uuwi ka sa inyo?"

Napatango ako. Mabuti pinaalala niya dahil muntik ko na namang makalimutan. Kinuha niya sa akin ang walis tingting.

"Dalawang araw ka roon?"

"Isang gabi lang, ate. Uwi rin ako bukas," sagot ko habang nagmamartsa palayo.

Tinatamad akong umuwi sa amin pero kailangan dahil nasabi ko sa kanila. Kung hindi ko siguro narinig iyong usapan nina Maritoni at papa, excited akong umuwi.

Nakakawalang-gana ang umuwi. Baka harap-harapan na sa aking sabihin na kulang ang perang iniabot ko. Kung sa bagay, nagtatrabaho naman ako para sa kanila.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kaya pa nilang unahin ang bisyo nila kaysa sa mahahalagang bagay?

Masaya bang unahin ang bisyo? Ano'ng mayroon at hindi nila maisip na dahil sa ginagawa nila ay kaya kami mahirap?

Ano kaya ang pakiramdam ng magulang na walang bisyo? Masaya kaya? Siguro hindi kami ganito kahirap kung walang bisyo sina mama at papa. Siguro masaya kami. Siguro nga talaga.

Bumuntonghininga akong nakihalo sa agos ng mga tao. Imbes na dumiretso sa sakayan at umuwi na sa amin, iba ang pinuntahan ko.

Iwinagayway ko ang mga palad na parang luyloy na. "Bili na kayo, mga suki! Bili na!" malakas kong pagtawag sa mga dumadaan.

"Bangus! Bangus! Bili na, bangus kayo diyan!" sigaw noong ale na nasa tapat ko.

May bilao rin siya kung saan naka-display ang bangus na benta niya. Sa tabi niya, may isang malaking palanggana na naglalaman ng tilapia. Sumulyap ako sa tatlong timba sa tabi ko.

Ubos na iyong isang timba. Mas malakas ang bentahan kapag mga pasikat pa lang ang araw kasi mas maraming namamalengke ng ganoong oras. Kapag ganitong malapit na mag-tanghali, marami naman pero mga barat na ang mga namamalengke.

"Magkanoo isang kilo?" tanong ng babaeng tumigil sa tapat ko.

Tumingala ako. "One hundred seventy pesos, ma'am."

A Change of HeartWhere stories live. Discover now