Chapter 3

625 16 17
                                    

Chapter 3

My hand was resting on the trycycle's roof handle. Our hands were touching each other because that's the only thing we could grip. Nililipad ng hangin ang buhok kong nakalugay at hindi ko alam kung tumatama ba ito sa katabi ko. Hindi kasi ako makalingon dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Magkalebel lang kami at kapag lumingon ako ay sobrang lapit ng mukha namin.

"Bale kapag monday iha 'diba cleaners ka? Ayos lang ba sa'yo na babalikan nalang kita?" Kuya Vern suddenly spoke while driving.

Napaisip agad ako. Kawawa nga naman 'yong mga grade 1 na kaservice namin na 6:30 lumalabas. Mas advance kasi ang labasan nila ng 30 minutes kesa sa amin na mga grade 5.

"Okay lang naman po sa 'kin. Tuwing monday lang naman po."

Tuwing monday lang naman at saka kahit madilim ay may ilaw naman dito sa court. May mga tryc pa dito na naghihintay din ng mga bata.

Tumango siya at natahimik na. Habang umaandar ang sinasakyan ay nanatili pa din sa kalsada ang tingin ko. Mahamog na at malamig. Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ang mag panghapon. Ang onti lang ng time para sa mga bagay-bagay. Papasok, uuwi, kakain, gagawa ng assignments at matutulog na. Hindi katulad sa pang umaga na pag gising lang nang madaling araw ang kailangan mong problemahin. Pag uwi mo, sa 'yo ang buong araw na bakante.

Maya-maya ay winasak na naman ni kuya Vern ang katahimikan. Si Theodore naman ang tinanong n'ya. "Ikaw iho? Anong schedule mo? Kung kailan ka cleaners."

Matagal bago s'ya sumagot. "I'll ask our teacher if i can shift. Mahirap naman po kung mag hihintay kayo sa amin at magpapabalik ng dalawang beses sa isang linggo."

My brow furrowed in guarded curiosity as i heard the odd sentiment from him. May point. Pero parang may ibang ibig sabihin dahil matagal bago siya sumagot.

"Oo nga ano? Piliin mo na ishift mo yung schedule na may makakasabay ka. Si Henz, sa tuesday ang schedule niya na cleaners s'ya. Pwede ka sumabay." tukoy n'ya sa anak na babe. Isinasabay niya din kasi dito ang anak lalo na't parehas lang din naman ang oras ng pasok at uwi. Natahimik ako at nakikinig lamang ng pag-uusap nila.

"I already think about it na po. Nakapag decide na po ako kung anong day ako lilipat." magalang na sagot ni Theodore sa matanda. Bagamat banayad ay seryoso pa din ang tinig ng boses.

"Kailan iyon iho? Pakisabi agad sa akin ha para alam ko at hindi ko makalimutan."

"Monday po."

My lips parted. Monday? Ibig sabihin sabay sa akin? Napangiwi ako dahil may naramdaman akong kung ano sa tiyan ko. Binaliwala ko nalang at baka dahil sa gutom dahil alas siyete na din.

I laughed inside my head. Kahit naiinis ako dahil parang nananadya ang tadhana ay hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Atleast may makakasama ako kapag cleaners. At kapag nagpakita sa akin ang multo, may ihaharap ako.

Napangiti si Kuya Vern. "Noted! Mas madadalian nalang ako lalo na mag kalapit lang pala kayo ng bahay." mahina siyang tumawa. "Para may kasama na din si Kalea na mag hintay."

I just smiled the whole conversation they had. Kahit nabibigla sa desisyon niyang paglipat ng schedule ay hinayaan ko na.

Tumunog ang phone ko ng malapit na kami sa bahay. Paliko na din naman ito sa street namin kaya naman tinanggal ko na ang hawak ko sa hawakan. Bahagya ko pa nasagi ang mainit niyang kamay pero mukhang wala naman siyang pakialam.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at agad tinignan ang notification. Tatlong message iyon na mag kakasunod-sunod. I can't help but giggled. Napatakip pa ako sa bibig ko dahil sa message niya.

Barely CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon