Chapter 9

421 12 0
                                    

Chapter 9

"Binake 'yan ni Mommy.."

"Masarap." sabi ko habang kinakain ang red velvet cookies na nasa harap naming dalawa. The cookies still remains on a sheet pan and is situated on a circular glass table. Alam ko naman na mommy niya ang nag bake nito dahil noon ay palagi niya itong binibida sa akin. Palagi niya akong binibigyan ng cookies kahit na hindi ko 'yon kinakain.

Hindi na ako nakatanggi pa ng iabot sa amin ito ng lolo n'ya. Todo ngiti sa akin ang matanda gayong hindi ko alam kung anong dahilan. Gumaganti nalang tuloy ako ng ngiti.

"Kukuha lang ako ng water." akma siyang tatayo pero pinigilan ko siya at hinawakan ang kamay niya. But as soon as I realized what I had done, I released him.

"Hindi na! Uuwi na din ako!" agap ko.

"Masyado kang maraming nakain. Baka hindi matunaw sa tiyan mo,"

"Okay lang, may tubig pa ako sa tumbler ko." I was forthright. Bumalik naman s'ya sa puwesto kanina at tinignan nalang ako. Para mabawasan ang ka-awkward-an ay kinuha ko nalang ang limang papel sa tabi ko at iniabot ito sakaniya.  

"Ito nga pala. . . Pinapabigay ni Sir Perbs. Ilagay mo daw sa portfolio kasi kukunin daw n'ya sa completion week."

Tumango siya at isinubo ng buo ang cookies na nasa kamay niya. Kinuha niya sa akin ang papel at tinignan ito.

"Pwede mo naman ibigay nalang sa akin 'to kapag pumasok na ako.. nag abala ka pa."

"Okay lang." tipid kong sagot. Malapit lang naman ang bahay ko at baka mawala ko pa sa bahay. Mukha namang wala pa siyang balak na pumasok sa school dahil halata sakaniya na mahina pa s'ya. Kaya baka mabulok lang ito sa bag ko.

"Uh.. thanks for visiting me." his sibilant voice forced me to put down my cookie. Hindi ko na naisubo ng buo iyon at hinayaan nalang sa kamay ko. Ayon ba ang dating no'n sakaniya? I'm not here to visit him!

My lips shifted downwards. Hindi ko inaasahan na ganoon ang iisipin niya. "Actually, dapat iiwan ko na sana 'yan sa mail box niyo.. pinapasok kasi ako ng lolo mo kaya.. wala na akong nagawa." I said, sounding like I made a crime that I need to make clearly excuse.

"Still, you're here. . . Seeing me." he said, almost a whisper. Pero parang isang balita ito na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Tumango ako. "Seeing you as a friend? Oo ganoon nga.." I uttered. Sinubo ko na nang tuluyan ang cookies na naiwan sa kamay ko dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko tuwing mag tatama ang tingin naming dalawa.

"Ganoon ba talaga ang ugali ni Amedeo?" pag iiba ko sa topic.

Ito rin naman ang gusto kong tanungin dahil wala na din naman akong maitatanong pa. I'm not the typical type of girl who have a lots of topics in mind; the kind of girl who thinks of a lot of topics at once. Ako iyong tao na Introvert pero kailangan maging Extrovert para lang hindi mag mukhang intimidating sa iba. Para rin hindi ako mag mukhang 'boring' kausap.

"What kind of attitude?"

"Tayo kasi ang nanalo sa muse and escort nung nag botohan." sabi ko na parang isa itong malaking bagay. I shifted my attention elsewhere. "Si Amedeo ang may gawa ng lahat ng 'yon. Pinagti-tripan tayo palagi!" I said, speaking to him as though he were my mother.

"P-Para sa akin, okay naman." umubo siya ng bahagya kaya napalayo ako. He flicked an eyebrow at what I had done. I can see that he found me repulsive from the look in his eyes. Hindi ko kasalanan! Nag kusa ang katawan ko!

"Maganda ka. . . and that title fits on you." he clicked his tounge, nangangapa ng sasabihin at luminga sa paligid. "Oo maganda ka. Sabi ng lolo ko."

Mabilis ang ginawa kong pag iwas ng tingin. Sa sitwasyon niya ngayon sa harap ko ay gusto kong maawa. Pero at the same time, gusto kong matawa. Ang weak! Dalawa kaming naligo sa ulan tapos siya lang nilagnat? Ang weak talaga!

Barely CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon