Chapter 04

32 4 0
                                    

Braelynn's POV:

"So, kamusta? Masarap ba?" Sabi ni Chiyo at nang aasar ang ngiti niya at napa irap nalang ako.

"Gaga." Tipid kong sabi at natawa naman siya.

"Halos mawala ako sa katinuan kakahanap sayo kagabi tapos yun pala tinitikman mo na si Zephyr! Maduga gusto ko rin!" Sabi niya at napailing naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"Umalis kana nga dito may gagawin ka pa diba? Saka 'yang bunganga mo lagyan ko ng tape 'yan eh." Umirap ako at tinawanan niya lang ako.

"Wowers! Ipag kalat ko na kaya ka naka turtle neck ngayon kasi may tinatago ka diyan." Sabi niya at nagulat ako ng bigla niyang tusukin ng darili niya ang dibdib ko kaya agad kong pinalo ito.

"Gago! Tigilan mo nga ako!" Inis na sabi ko at mas lumakas naman ang tawa niya.

"Hinahanap ka ni Rhys kagabi. Sabi niya mag dinner naman daw kayo at na miss ka niya at kaya daw hindi siya nakalapit sa'yo kagabi kasi busy siya." Sabi niya at kumunot naman ang noo ko at napahinto sa pagtatype sa keyboard.

"Really? I'll call him later." Tipid na sabi ko.

"Naks naman! May Zephyr na nga may Rhys pa nakaka inggit ha!" Sabi niya at pinalo ako sa braso at inirapan ko naman siya.

"Me and Rhys are just friends, and what happened between me and Zephyr was just a one-night stand, nothing more, and I don't expect more. I mean, he's kind, but I don't have time for things like that. I'm a busy person, you know that." I said and Chiyo just laughed and smirked.

"Okay, you sound defensive, but I'll just act like I believe everything you just said." She said.

I was talking to Chiyo when my secretary told me that Darcy wanted me to come to her because she had something to say, and I said no, but Darcy came here and gave me a death stare, and I rolled my eyes and asked so I have no choice but to ask Chiyo to leave and it's a good thing she understood.

"What do you need?" Irita kong sabi at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sakit kayo sa ulo na magkapatid." Sabi niya pagka-upo sa harap ko at napa-iling nalang ako.

"Edi tanggalin mo ulo mo." Bulong ko pero mukhang narinig niya ata dahil inirapan niya ako.

"I saw you at Clavo de Comer last night. So don't you dare lie to my fave right now." Seryosong sabi niya at tumaas naman ang kilay ko and I crossed my arms above my chest.

"Paano mo nalaman? Edi nandoon ka din." Naka-ngisi na sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Hindi ako nakikipag biruan, Brae." Sabi niya at nagpigil naman ako ng tawa.

"Bakit? Nagbibiro ba ako?" Sabi ko at kita ko ang inis sa mukha niya.

"Can you stop? I'm not here to joke with you and please be serious." Inis na sabi niya at natawa naman ako.

"Hindi naman ako nagpapatawa. At saka seryoso din naman ako ah? Nandoon ka din sa bar kagabi and I wonder why." Nang-aasar na sabi ko at huminga naman siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Yes! Fine! Nandoon nga ako! Happy?" Pag-amin niya at natawa naman ako at napa-iling.

"Aamin din naman pala ang dami mo pang say! Pero bakit ka nga nandoon? 'Wag mong sabihin na doon ka nakipag meeting." Sabi ko at nag-iwas naman siya ng tingin.

"It's none of your business, Brae." May diin na sabi niya at napa-kibit balikat naman ako.

"You can't lie to me Darcy! Don't worry hindi ko naman ipagkakalat." Sabi ko at ngumisi.

WL #2: Braelynn Leonor Walter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon