PROLOGUE

10.4K 43 1
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya sa malayo kong saan nakapwesto sa tambayan nilang lamesa at may kasama syang babae. Ang lamesa lang nila ang maingay. Dahil kasama din ni Gilbert ang mga kaibigan niya.

Naalala ko noon kinuwento sa akin ni Angel na ang taba-taba daw nya tapos laging binubully ngayon tignan mo parang siya pa ang kinakatakutan. Well nakakatakot naman talaga ang presensya nya pero si Angel hindi man lang natatakot.

Kaya magkasundo din ang dalawa. Nakakainggit man si Angel kaso wala naman akong karapatan para mainggit.

"Uy tulala ka na naman dyan sa crush mo. Bakit kasi ayaw mo lapitan." Biglang sulpot ni Jess sa tabi ko. Namula bigla ang pisnge ko. Para ng kamatis. Nakakainis naman tong si Jess eh.

"Shh tumigil ka mamaya may makarinig sayo." Sita ko sa kanya na kinairap nito. "Bakit kasi ayaw mo lapitan yan kapag kasama nya si Angel."

Ayoko nga! Nakakahiya..saka Hindi nya Naman Ako papansinin eh. Kaya Hindi nalang ako nalapit. Mas okay Ng titigan ko nalang sya sa malayo.

Biglang nagring Ang cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko kaagad Kong sino iyon at si mama lang pala.

Sinagot ko kaagad saka binati ito.."hello mom."

"Hello Sandy pwede ka bang umuwi ng maaga mamaya may importante lang kami sasabihin sayo ng papa mo."

"Oh okay mom Sige po agahan ko nalang mamaya umuwi pero bakit ma? May nangyari ba?" Pagtataka kong tanong Dito. Hindi naman kasi ganito si mama noon na papauwiin ako ng maaga sa bahay. Nag aalala ako baka anong nangyari at pinapauwi Nila ako Ng maaga.

"We just want to discuss you something important. Just come home early okay mag-ingat ka pauwi okay?" Nagtataka man ay 'umoo nalang ako sa kanya at binaba na ang tawag.

Halata sa boses ni mama na parang nag-aalala siya sa akin at seryuso syang may sasabihin sila sa akin na importante.

AFTER THE AFTERNOON CLASS nagsiuwian na kami. May reporting kaming gagawin next next week kaya kailangan kong tapusin Ang binigay sa akin ng leader.

Napatingin ako sa orasan at nagmamadaling nagligpit ng gamit. I forgot that I need to go home now. Kailangan ko agahan Kasi medyo nag-aalala talaga Ako.

Lakad takbo ang ginawa ko palabas ng building at muntikan na ako madapa buti nalang may humila sa akin patayo ng maayos.

Tinignan ko siya kaagad pero patay malisya. Ang lalaking tinitignan ko lang sa malayo sobrang lapit na sa akin.

Hawak nya ang braso ko at kapit ko ang laptop na nasa bisig ko. Mahigpit ang hawak ko sa laptop kasi baka mahulog.

Nakatitig lang ako sa maganda nyang mata na nakakahumaling. Ang lalim nito kong makipag titigan.

Pero kinalabit siya ng tropa nya na kinatingin naming dalawa. Binitawan nya ako kaagad at sumama na sa mga kaibigan nito.

That's the first... Grabe yong paghawak nya sa akin. Feeling ko sa kaniya ako mahuhulog hindi sa lapag eh.

May sumanggi sa akin na nagpabalik sa aking ulirat. Biglang pumasok sa aking isipan na kailangan ko ng umuwi.

Shit!shit!shit! Mayayari ako nito! Ayaw pa naman ni mama na pinaghihintay. Pero baka hindi naman siya magalit hehe.

Pumara kaagad ako ng taxi at sinabi ang address kong saan ako ibababa.

Natataranta ako sa loob ng taxi baka kasi nag-aantay na yong mama at papa ko.

Ilang minuto din ay nakarating kaagad ako sa tapat ng bahay. Pumasok ako sa loob ng gate at tinakbo ang pintuan.

Pumasok kaagad ako sa loob saka hinanap sila mama. Nahanap ko sila sa Sala at may dalawang matandang babae saka lalaki silang kasama.

EROTICA SERIES #2: Hiding his Son(COMPLETE)Where stories live. Discover now