CHAPTER 24

2.7K 25 0
                                    

NASA BAHAY ako ngayon ni Angel at buhat buhat si Hallen na nakanguso habang hawak ang doll nito. hinalikan ko ito sa pisnge saka tumawa ng sumama ang kanyang mukha. She doesn't like to be kiss in the cheeks dahil gusto nya ang mommy nito ang hahalik sa kanya.

"put me--down." Pagsasabi ni Hallen at gusto bumaba sa pagkakabuhat. Binaba ko sya at hinayaan syang lumapit sa mat nito pero di ko matiis na makita syang gumagapang kaya ang ginawa ko ay pinatayo ko sya ng dahan dahan at tinuruan syang maglakad na kinatuwa ko dahil sumunod sya sa pinaparamdam kong mangyari. Mas natuwa ako lalo ng maghakbang sya ng isang pa at sumunod naman ang isa. Matutuwa nito si Angel panigurado kapag nalaman nyang gusto na maglakad ni Hallen dahil natutuwa si Hallen na naglalakad habang nakaalalay ako nito sa likod nya.

Nang makalapit kami sa mat nya ay doon sya umupo at naglaro ng mga toys nitong doll. Pumasok sa aking isipan si Angel at naalala ko na ilang araw ko na syang di nakontak man lang. Isa sa mga kasama nya sa amanpulo ay tinawagan ko pero sabi nila ay bigla nalang daw itong nawala na kinagulat ko at kinakaba dahil baka mamaya anong nangyari sa kanya. Pano ko naman makokontak ulit si Angel kong di nya naman ata dala phone nya panigurado.

Baka naman pinabayaan yon ng Boss nya at ngayon di pa din alam kong nasaan sya. Inaantay ko pa din na baka mamaya may tumawag sa akin o kay Jess. Please Angel tumawag kana dahil di ako napapanatag na baka mamaya may nangyari sa kanya ng masama.

Kukuha nalang ako ng juice sa ref ni Angel at ng kumalma ako kahit papaano sa pag aalala kay Angel. Iniwan ko si Hallen sa mat na naglalaro pa din at nakahiga na ito. Nakasara din naman ang pintuan kaya alam kong hindi lalabas si Hallen dahil nakalock iyon.

Kumuha ako ng juice sa ref at nagsalin sa isang baso saka ito iniinom ng paunti-unti at bumalik sa sala para mabantayan ng maayos si Hallen. Kinuha ko ang aking cp sa bag at pinagmasdan saglit ang wallpaper ko. Ako na nakangiti habang buhat si Treck na nakatago ang mukha sa aking leeg dahil nong mag pipicture ako na kasama sya ay ayaw nyang tumingin sa camera.

Mahiyain talaga minsan ang anak ko. Pano kaya kong maging kalaro nya si Hallen noh? Hindi na siguro ito magiging mahiyain panigurado dahil di na sya nag-iisa kundi may kalaro na ito.

Pinagmamasdan ko si Hallen na naglalaro paminsan minsan ay nilapitan din para makipag laro Dito. And we even play luto-lutuan at ang gusto ni Hallen ay sya ang nagluluto at ako naman taga tikim kuno ng luto nya.

"T-taste i-it." Inumang nya sa akin ang maliit na kutsarang laruan nya at kunyare naman ay tinikman ito at pinakita sa kanya na masarap.

"Is it decicious?"

Natawa Ako dahil sa bulol Sya sa delicious."yes baby it's delicious." She's so cute gusto ko tuloy Sya ampunin! And my heart can't take her cuteness.

Habang naglalaro kami ni Hallen ay biglang nag ring ang aking cellphone at isa itong unknown number. Nag hehesitate pa ako Kong sasagutin ko ba o Hindi. Dahil di Naman Ako nasagot ng unknown call number.

Pero bahala na nga!

"Hello?"

Nang marinig ko ang boses ni Angel ay kaagad ako nagreak dahil na din sa pag aalala at baka nga Anong nangyari na sa kanya.

""Goodness Aki where have you been? Sabi ng mga kasama mo sa Amanpulo na bigla ka nalang daw nawala. And who's this number?"

"Sa kaibigan ko hiniram ko sa kanya Ang phone nya para tawagan ka. Please can you come here in..." Ha? Sa kaibigan nya? Sinong kaibigan naman ang sinasabi nya? Nagtataka man ay hinintay ko ang kanyang sasabihin pa.

Maya maya lang ay parang narinig Kong nagtanong si Angel sa kabilang linya na Kong saan daw ang Lugar na iyon. Jusko saan naman kaya itong kaibigan na sinasabi nya na dinala Sya.

EROTICA SERIES #2: Hiding his Son(COMPLETE)Where stories live. Discover now