Chapter 3

172 16 4
                                    

Chapter 3- Clea In Danger

Clea's POV

Titig na titig lang ako kina kuya at pinuno na pilit akong pinag hihilahan

"Kenzo bitawan mo na siya" halata sa pananalita ni kuya na nag pipigil ng galit

"Do you know what you are saying Cleo?" Tanong ni pinuno kay kuya na mas lalong nag papawis sa kanya

"Kenzo kahit mag kaibigan tayo-" hindi na natapos ni kuya ang sasabihin niya ng mag salita si pinuno

"Just kidding" sabi niya at binitawan ang braso ko na namumula na

Agad naman akong hinila palabas ni kuya sa office na iyon at naiwan sina pinuno at ang mga kasama ni kuya

"Ano bang pumasok sa isip mo at pumasok ka don!" Gigil na pag kakasabi ni kuya

"Clea! OMG!!!!!!! Fafa Cleo!"

Na daan namin sina Badang at Hans na gulat na gulat ng makita ako? O si Kuya dahil sa biglang tumili itong si Badang

Salubong ang mga kilay ni kuya habang naka tingin kina badang at hans

"Fafa Cleo ayos kana ba?" Tanong ni Badang kay kuya at hinawakan pa ang braso ni kuya

Si kuya naman ay napalayo at itong si badang naman ay kinikilig pa

Napa tingin naman ako kay Hans na tahimik lang naka tingin kay kuya humarap ako kay kuya at matatalim na tingin ni kuya kay Hans

Lalong humigpit ang pag kakahawak ni kuya sakin "aray masakit" inda ko agad naman niyang binitawan ang kamay ko titig na titig lang ako kina Hans at kuya dahil sa sobrang tahimik nila at ang sasama pa ng tingin nila sa isat isa

"Hmm, fafa cleo ang bango bango mo" napatingin kaming lahat kay badang ng sinabi niya iyon

"What the- lumayo ka!" Sigaw niya kay badang kaya naman agad ko siyang pinalo at tinignan ng masama humarap siya kay Hans "Hindi pa tayo tapos" sabi niya sa harapan ni Hans

Hinila niya ako paalis sa kinaroroonan nina Hans at Badang. Narinig ko pang tinawag kami ni Badang, Mag sasalita pa sana ako para sana sagutin si badang ng malakas niya akong hinila "kuya masakit nasasaktan na ako" sabi ko sakanya

Dahil sa pag kaladkad niya sakin ay napunta kami sa may pinaka gilid ng school walang masyadong mga istudyanteng naka tambay dito

"Clea lumayo ka kay Hans" sabi niya sakin at kinikiskis ang kamay niya sa mga namumula kong mga balat "Ako na ang nakikiusap Clea, layuan mo si Hans" seryosong sabi niya

"Bakit naman kuya? Mabait naman si Hans eh pero tahimik lang pero si badang nako kuya ang daldal pero beki nga lang" pag kuwento ko sa dalawa

"Nasa mataas na posisyon si Hans at baka may gawin siyang masama sayo" tumigil na muna na siya at tumingin tingin sa paligid titig na titig siya sakin at inayos ang buhok kong peke parang kaibigan kong mga peke hahaha "Clea bakit ka tumatawa parang kang baliw" agad bigla nawala sa isip ko tong si kuya dahil sa sinasabi ko

"Wala" sabi ko at nag pipigil ng pagtawa "type ka ni badang kuya" kinikilig na sabi ko sa kanya

"Ano yung bading na yon!" Sigaw niya at tumango tango naman ako sa kanya "Hindi! Hindi pwede!" Sigaw niya "Ang makakakuha sa gwapo kong to iyong lalaking iyon!" Sigaw na naman niya

Mas lalo akong napa halakhak dahil sa reaction niya "Kuya parang ikaw pa yung mas beki eh hahaha"

Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya nag seryoso na ako "kuya sorry na" sabi ko sa kanya at ngumuso at kung ano ano pang pa cute ang ginawa ko

Me And The Gangster Leader'sWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu