Chapter 13

70 1 1
                                    

Chapter 13- The Problem

Clea POV

Nang dahil sa nangyari kagabi sa field. Ay ang dahilan kung bakit puyat na puyat ako. Lalo pang dumagdag sa isip ko ang nangyari sa pagitan sa amin ni Badang. Na kung bakit, bakit at ano ang kanyang rason kung bakit niya ako biglang sinabunutan.

Napabuntong hininga nalang ako ng makita ang mga ginagawa ni kuya Cleon. Nang dahil sa kanya ay nagising ako ng maaga at amoy sunog pa.

Sunog na kanin at sunog na ulam ang bumungad sa 'kin.

"Bosing, nakalimutan kasi namin na may niluluto pala kami" napapakamot na sabi ni Migz habang katabi si Kai na nakatakip ang mukha at hiyang-hiya sa nangyari.

"Da-dalawa na kayong nag luluto, nagawa n‘yo pang kalimutan!" Sigaw ni kuya sa dalawa.

"Ano na! Iyan na ba ang magiging almusal natin?" Tanong ni kuya Cleo "Ayoko ng ganiya‘ng almusal!" Inis na sabi at pumasok sa kwarto.

"Maging ako, ayoko ng ganyan na almusal" bulong na sabi ni JL na nasa tabi ko lang.

"Hayaan niyo na 'yan kuya mag luto na lang tayo ng panibago. Kai, paki balot na lang 'yan sayang naman kung hindi makakain, babaunin ko para may lunch ako mamaya" saad ko dahilan para tanggalin niya ang kamay na naka takip sa mukha niya.

Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha ng sabihin ko iyon.

Napa tingin si kuya Cleon sa 'kin at napa taas naman ang kan'yang kilay. Nginitian ko na lang siya at nilapitan ang dalawa.

"Mag luto na tayo ng panibagong almusal at 'yang niluto niyo ay hindi masasayang, dahil babaunin ko" sabi ko sa kanila.

Napapa-iling nalang si Kuya Cleon at umalis sa kusina ganun din ang ginawa ni JL. At naiwan kaming tatlo dito sa kusina.

"Hanapin ko lang yung Lunch box, Clea" sabi ni Migz at iniwan kaming dalawa ni Kai.

"Clea" tawag niya sa akin. Hinarap ko naman siya. "Thank you" sabay ngiti nito sa 'kin.

"Para saan?" Tanong ko naman

"Kasi, hindi nasayang ang pinaghirapan namin" sabi niya at tinulungan ako sa pagsasaing.

"Ahh, 'yon ba, wala ‘yon" saad ko naman sa kanya. "Sayang lang naman kase kung itatapon niyo"

Nag luto kami ng panibagong almusal at ibinigay naman ni migz ang lunch box na kanina pa niya hinahanap. Kumain na rin sina kuya Cleon at Cleo na ngayon ay sarap na sarap sa bagong lutong almusal.

Sabay sabay na raw kaming papasok at baka makita o maka-salubong ko pa si Tan-Tan. At bigla akong banatan.

Nang matapos ng kumain ay ma bibilis ang mga naging kilos namin para sa pag pasok. Sina kuya narin ang nag aayos ng buhok ko.

Pag labas ng dorm ay may mga kasabayan kaming papasok na rin. Ang iba pa sa kanila ay nag bo-bow pa kina kuya para magbigay galang sa kambal.

Nang ma hatid na ako ng tatlo sa kung saang floor ako ay doon ko naman nakita si Hans na papasok na rin ng room.

"Hans! Hoy, Hans!"

Naka ilang sigaw at tawag na ako sa kanya pero mukhang hindi ako rinig ng isang to.

Kaya mabilis na takbo ang ginawa ko at kumapit sa kanyang braso. Gulat na gulat pa ito ng makita ako pero nginitian ko nalang.

"Kanina pa kita tinatawag, Hindi mo ba ako naririnig?" Tanong ko sa kanya.

Me And The Gangster Leader'sOù les histoires vivent. Découvrez maintenant