Chapter 6

170 16 3
                                    

Chapter 6- Meet The Black Card Gang

Clea POV

Alam mo yon yung Bobo kana nga tuturuan kapa sa math

Ako lang naman tong kanina pa hindi magets gets itong math problem namin. Mabuti pa sina Badang at Hans ay nakakapag sagot na sila sa quiz namin

Ano nalang ang gagawin ko mag tutulala nalang ba. Na ngako na ako kina kuya na babawi ako sa kanila

Biglang tumayo si Hans dumaan ito sa gilid ko at may inilapag siya sa aking lamesa isang maliit na papel

Taka ko naman siya tinignan binigyan niya lang ako ng isang ngiti. Ngiti na hindi katulad noon na creepy.

"Hans! Saan ka pupunta?" Biglang tanong ng teacher namin dali ko naman itinago ang papel na ibinigay niya sa aking

"Mag tatapon lang ho ng basura sir" sabay pakita ng mga papel na naka bola na. Tumango nalang ang teacher at bumalik sa ginagawaniya ng pag Che-chek sa mga papel ng mga kabilang classroom

Binalikan ko naman ng tingin ang papel na ibinigay sakin ni Hans. Hala kung sinusuwerte ka nga naman

Pero tama ba to? Binigyan niya ako ng sagot

1. B
2. A
3. C
4. B
5. D

Marami rami rin ang mga sagot sa maliit na papel na ibinigay niya halatang pinagkasiya niya lang

Tinignan ko ang mga sagot ko sa aking papel at ibinalik ang tingin sa mailiit na papel na bigay niya. Halos kalahati roon ay mali mali kakaonti ang mga tama

Binalikan ko siya ng tingin saktong nag katamaan ang aming mga mata. Binigyan ko siya ng ngiti at ibinigkas ang salitang Salamat na walang lumalabas na salita sa aking bibig

Kinopya ko na ang binigay niyang mga sagot pero siyempre hindi lahat ng yon ay isinulat ko sa saming quiz dahil sa baka maka halata ang mag chechek nito

NATAPOS na ang klasi namin at pinuntahan ko si Hans pero siyempre bago mag salita ay inayos ko na muna ang boses ko para mag boses palaka ako "Hans, salamat nga pala sa sagot na ibinigay mo" naka ngiti kong sabi

"Wala iyon. Hindi kaba naka pag review?" Tanong niya

"Hindi ko naman kasi alam na may quiz tayo eh"

"Nako paano mo naman malalaman na may quiz tayo eh bigla kang umabsent" inis na sabi ni Badang "Mahal mo na ba ang fafa Cleo ko?" Bigla siyang umarter at umupo pa sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko "mahal mo na ba siya akin nalang siya" imiiyak na walang luha gandang drama niyan

"Ah, eh, hindi paba tayo pupunta ng cafeteria?" Naka ngiting sagot ko tumayo naman si badang at iniikot ang mga mata nito

"Hay nako Clea tara na nga!" Pag aya niya samin at kumapit sa bisig namin ni Hans

Ang ending siya raw ang muse at kami raw ang escort niya

Pagpunta namin ng cafeteria ay ganon parin binibigyan ako ng matanda ng extrang pag kainnna bigay nina kuya pero nag oorder parin ako dahil sa gutom

Hindi na kami pa mupunta sa underground ng cafeteria na to dahil sa gutom na kami ni badang

Nag kukuwentuhan kami tungkol sa mga subject namin kung saan kami na hihirapan.

"Kamusta na pala ang mga kaibigan mo?" Biglang tanong ni Hans sakin ng matapos na kaming kumain at umalis na kami ngayon ay nasa isang bagong gawa na Basketball Court ng school kami pupunta para sa Mapeh namin

Me And The Gangster Leader'sМесто, где живут истории. Откройте их для себя