Hater 20: Free what?

4.6K 126 16
                                    

Umupo na si Asher sa upuan nya. Sinisiringan ko lang sya habang sya, napapailing at napapangiti lang sa akin. Psh. As if naman na nakakatuwa ang itsura nya, kung alam lang nya, gusto ko syang tirisin na parang kuto.

Inalis na nya ang tingin nya sa akin at tumingin na si direksyon ni Aden.

"Para saan ba tong meeting? May pupuntahan kasi ako." tanong nya. Biglaan lang naman kasi tong meeting na to. Dapat, wala na ngayong Friday pero dahil magaling ang aming presidente, ayan, nakalimutan na may dapat pala kaming ipresent na activity for next week, nagka meeting pa tuloy. Lahat na hahassle pa ng dahil sa kanya.

"Yun nga Ash. Kasi, kailangan ng activity for university week sa Monday. Wala pa nga kaming naiisip na gagawin natin. Baka ikaw may maisip ka." Pagbabato na naman ni Aden ng kamalian nya kay Asher.

"Hmm...biglaan eh so wala pa akong idea sa ngayon. Gusto nyo bang pag usapan nalang natin online bukas? Dumaan lang kasi talaga ako." pagrarason at pagmamadali nya.

"San ka pupunta? Mukhang madaling madali ka ah." hindi ko napigilang maitanong sa kanya. Hindi naman sa curious ako kung san sya pupunta, pero parang ganun na nga. Panigurado, mambababae to. Tsk tsk.

Binaling nya sa akin ang atensyon nya at ngumisi. "Bakit, gusto mo ba sumama Jessie?" tanong nya ng may paniningkit ng mata.

Sarcastiko akong ngumiti sa kanya. "Hindi. Curious lang ako kung saang bar ka pumupunta kahit may araw pa." sagot ko sa kanya.

"Bar? Grabe ka ah." natatawa nyang sagot saka inalis ang tingin sa akin. "Anyway, okay lang bang online nalang natin pag usapan to? Gagawa ako ng facebook group para sating lima." Suhestyon pa nya. Halatang nagmamadali talaga.

"Sige sige. At least makakapag isip pa tayo ng pwede nating gawin." Nakangiting sagot ni Aden.

"Okay." Paagsang ayon naman ni Bernadette at Mikaela.

"Ang sabihin mo, wala ka lang maisip." Pananalita ko kay Aden ng walang kaemosyon emosyon sa mukha.

"Jess naman! Promise di na mauulit." Nakangiti nyang sagot. "Okay, alam kong may mga klase pa ang iba sa inyo. Meeting dismissed." Pag aanounce nya.

Sabay sabay namang tumayo ang lahat. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko. Wala naman na akong klase pero, parang gusto kong dumaan ng McDo ngayon, parang gusto kong kumain ng quarter pound burger.

Nag aayos ako ng mga gamit ko ng biglang may humila sa braso ko. Napatingala ako, si Asher pala. Hinila nya ako sa pinaka sulok na parte ng studio. Akala ko ba nagmamadali tong virus na to.

"Ano ba!" pananalita ko sa kanya sabay tanggal sa pagkakahawak sa braso ko.

"Jessie, may tatanong lang ako sayo." Nakangiti nyang bulong na pananalita sa akin.

"Ano naman yun?" malakas na boses kong tanong.

"Sshh! Wag kang maingay." Sabi nya sabay lingon sa likod nya kung saan nakatingin na yung apat sa amin at halatang nagtataka kung ano ba ang pinag uusapan namin.

"Ano ba kasi yon?" pabulong ko na ring tanong sa kanya. Gusto ko na rin umalis, nagugutom na rin ako. Nag crcrave na rin ako ng burger ngayon. Napapatagal pa dahil sa kanya.

"Kasi.." nag aalangan pa nyang pag iisip. "kagabi nung nalasing ako, may ginawa ba akong hindi maganda?" awkward na ngiti nyang tanong.

Napangiti ako at napacross arms. "Tulad naman ng ano?" tanong ko. Masaya to, alam naman pala nyang may drinking habits sya eh. Maasar nga. HAHA.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon