Hater 28: Missing you

4.3K 108 5
                                    

May kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko. Isang araw lang ang lumipas at maayos na ang pasa sa balikat ko. Hindi pa sobrang magaling pero, wala na akong nararamdaman na sakit doon. Maayos na rin ang gasgas sa noo ko at tahi sa likod ng ulo ko. Nasa likod ng ulo ko at natatakpan ng buhok ang tahi kaya hindi naman yun kita kahit magpeklat pa.

Pero, may kakaiba akong nararamdaman. Epekto parin ba ito ng pagkaka aksidente ko o...ayoko ng isipin. Ang pamilyar na pakiramdam ay matagal na mula ng huli kong maranasan. Ayokong isipin na nadagdagan na naman ang kaduwagan ko dahil lang sa aksidenteng yon.

"Jess! Jess!" malakas na tinulak ni Mikaela ang pinto ng studio at nagmamadaling pumasok sa loob. "Pinapatawag ka ni Dean!" hingal na hingal at nagmamadali nyang sabi sa akin.

"Ha?" gulat ko namang tanong. "Bakit daw?" tuwing naririnig ko ang Dean, nagpapanic agad ang utak ko. Ayoko talagang makita ang matandang hukluban na yon.

"Ganito kasi.." panimula nya. Saka nya nilibot ang mata nya. "Wait, painom muna ha." Tinuro nya ang bote ng tubig na nasa mesa ko saka yun hinablot at nilagok ng napakabilis bago pa man ako makasagot.

Hinintay ko nalang sya matapos sa paginom nya.

"O ano, okay ka na? Bakit ka ba kasi tumakbo pa." komento ko sa kanya.

Umiling iling sya. "Urgent kasi to. Yun nga, pinapatawag ka daw ni Dean." Pagpapatuloy na nya. "Kasi, yung mga magnanakaw nung university week, nahuli na! Pati yung ninakaw nilang trophy na pinanghampas sayo, nakuha na rin." malakas na boses nyang announce.

"Ano?" hindi ko makapaniwalang react sa pinamalita nya. "Anong trophy?" dagdag ko pa. Parang wala naman akong maalala na ganun. Parang wala namang hinampas sa akin. Siguro, may mabigat na bumangga sa kanan kong balikat pwede pa pero hinampas na trophy, wala naman.

"Haynako, gaga ka talaga! Hinampas ka po ng trophy, hindi mo pa alam. Legit na yun kasi inamin na nung mga magnanakaw. Mabilis nyang sagot sa akin.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo. "Mga walanghiya yun! Nasan na sila? Ihahampas ko rin yung trophy na hinampas nila sakin! Ng malaman nila kung gaano kasakit yung pasa ko sa braso. Mga gago yon!" hindi ko makapaniwalang pasigaw na reaksyon. Kaya naman pala ang laki ng pasa at sugat ko sa ulo. Mga walanghiya yon! Ang sakit kaya!

Umiling iling si Mikaela ng kasama pa ang hintuturo nya. "Hindi pa yun ang pinaka matinding balita." Pananalita nya.

"Bukod sa panghahampas ng mga magnanakaw na yun ng trophy sa ulo ko, may ititindi pa yang balita mo?" tanong ko ng hindi kumbinsido.

"Yes. Alam mo ba kung sino ang pasimuno ng mga magnanakaw na tintukoy ko?" confident nyang tanong dahil sya lang ang nakakaalam.

"At sino naman?" tanong ko.

"Si Gino, yung student council university president natin." Nanlalaking matang sagot ni Mikaela.

*

Naging mahaba at mabagal ang paglalakad namin ni Mikaela papunta sa opisina ni Dean. Siguro hindi para kay Mikaela dahil patuloy lang ang pagsasalita at pagkukwento nya ng kung ano anong tsismis na hindi ko na nasundan pa ang kwento. Pero para sa akin, kakaiba yun.

Iba talaga ang pakiramdam ko. Nahihilo ako. Patuloy kong hinahawakan ang leeg ko at pinagpapawisan yun, pati na ang noo ko. Lalo na kapag dumadaan kami sa mga hallway. Hindi ko maintindihan pero hinihingal ako tuwing naglalakad at tumitingin ako sa dulo ng hallway, para bang nalulula ako at lalo pa yung humahaba.

Si Mikaela ang nagtulak ng pinto ng opisina ni Dean. Doon, naabutan naming nakaupo si Dean at masinsinang kinakausap si Gino at Roderick, ang university vice president naman. Hindi ko sila personal na kilala. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa politika, kahit school lang. Pero syempre, kilala sila sa school dahil sa mga posisyon nila. Minsan, nakikita ko ring kasama nila si Aden. Sya ata, kaibigan sila.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon