Epilogue

4.6K 92 4
                                    

Isa sa mga pinaka common na tanong na natatanggap ko sa mga tumatawag sa radio broadcasting club ay, Paano ba mag move on? Paano nga ba mag move on sa isang relasyon na pinaglaanan mo ng oras at buong buong pagmamahal.

Siguro nga, first timer ako. Napakasaglit lang naman kasing naging kami. Isang linggo lang. Pero, iba ang lakas ng tama ko sa kanya.

Eto ang lagi kong sinasagot sa kanilang mga tumatawag saking mga nagtatanong; Ang pinaka magandang gawin ng isang taong nag momove on ay ang labanan ang kanyang sarili. Kailangan mong tulungan ang iyong sarili, higit na sino pa man para makamove on. Moving-on is not an idea, it is an action initiated by oneself.

"Dito!" nakangiti kong itinaas ang aking kanang kamay ng makita ko si Bernadette at Mikaela na pumasok ng pinto.

"Anong problema? Bakit ka nagyaya dito?" agad na tanong sa akin ni Bernadette ng makalapit sya sa upuan ko.

"Wala lang." sagot ko kasabay ng pag aabot ng plato at kutsara na kanina ko pa tinabi para sa paghahanda sa pagdating nila.

Nagkatinginan si Mikaela at Bernadette bago sila magkatabing umupo sa harapan ko. 

"Wala lang? Eh, nasa ECBuff kaya tayo." pananalita ni Bernadette.

"O, ano naman?" sagot ko.

"Alam mo naman kung para saan ang restaurant na to Jess." pagpopoint out ni Mikaela. "Aminin mo, kamusta na kayo ni Ash?"

Ito ang restaurant na lagi lang naming pinupuntahan kapag nakikipaghiwalay si Mikaela sa mga boyfriend nya. Naging tradisyon na namin ito. Ayan, hindi na tuloy pwede na kumain lang ang relasyon. 

Sinagot ko sya gamit ang isang ngiti.

"Ano nga?" nagmamadaling tanong ni Bernadette. Nginitian ko lang ulit sila bilang tugon. Naparoll eyes na yung dalawa, parang asar na sa pangiti-ngiti ko lang.

"Jess!" napalingon kaming lahat ng may tumawag sa akin. Nandito na rin sa wakas si Aden.

Patakbo syang lumapit sa mesa namin. Suot nya ang isang formal white polo at black slacks. 

"Hay ano ka ba. Pinapunta mo pa ako dito." agad nyang pananalita. "Eto na yung forms." pag aabot nya sa akin ng mga forms na hiningi ko sa kanya.

"Thanks." kinuha ko ang forms at tiningnan yun kung tama nga ba ang nakuha nya. Hm, tama nga. Kumpletong kumpleto.

"Ano yan?" puno ng kyuryosidad na tanong ni Bernadette. 

Inabot ko ang form sa kanya para makita nya yon. Sumali naman ng pagtingin si Mikaela. 

Tahimik nilang binasa yon habang ako, pinagpatuloy lang ang pagnguya sa karneng pagkain ko.

"Exchange student sa London?" sabay nilang tanong sa akin.

Itinaas kong muli ang mga tingin ko sa kanila. Saka ako muling marahan na ngumiti.

*

Aaminin ko. Naging mahina ako. Maaaring may mga taong magkwestyon sa kung paano kong hiniwalayan si virus. Na dapat nga siguro, kinompronta at tinanong ko sya. Pero, meron na akong ebidensya. Ano pa ba ang hahanapin ko? Lahat ng mga ebidensya ay tinuturo ang tunay na sya.

Wala namang krimenal na umaamin agad sa mga pagkakasala nya, di ba?

Siguro, ayoko lang masaktan. Ayoko lang makita na magsinungaling sya sa akin para lang makalusot sa mga panloloko nya.

Aalis ako hindi dahil tinatakbuhan ko sya.

Aalis ako dahil maghahanda ako para ibalik ang dating ako. 



|| END ||


The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon