Prologue

5.8K 192 14
                                    

"Isabella! Your mommy is finally came home. She's waiting for you downstairs."

Sigaw ni Agustus habang kumakatok sa pintuan ni Valentina, ang kaisa-isa nyang babaeng anak.

Napabangon agad si Valentina dahil sa excitement, nag suklay at nag-mumog agad agad si Valentina at lumabas na.

Nadatnan ni Valentina ang tatay nyang kakatok na sana pero lumabas na sya sa kwarto nya.

Bumungad si Valentina na may malaking ngiti sa labi.

"Ohh naging si Flash ka ata Isabella." Patawang sambit ng kanyang tatay kaya parehas silang napatawa.

"Good morning po!" Masiglang bati ni Valentina sa tatay nyang si Agustus.

"Good morning too Isabella! By the way-.." Bati pabalik ni Agustus sa anak ngunit hindi pa man natatapos ni Agustus ang sasabihin ay inunahan na sya ng kanyang anak.

"Si Mommy nasaan na?" Tanong agad ni Valentina Kay Agustus na umiling na lamang at sinabi kung nasaan si Valerie, ang kanyang asawa.

"She's downstairs, waiting for you." Sagot ni Agustus kaya naman patakbong bumaba si Valentina sa hagdan.

Sinita ni Agustus ang anak dahil baka mahulog ito sa hagdan o kaya madapa at masugatan.

"Valentina Isabella." Buong sambit ng pangalan ni Valentina na sigaw ni Agustus.

"Opo!" Sigaw pabalik ni Valentina pero patuloy lamang ang ginagawa nitong patakbong bumaba sa hagdan.

Nang makita nya ang kanyang ina na nag-hihintay sakanya ay napansin naman sya nito kaya takbo din itong patungo sakanya, hindi dahil sa excitement na makasama ulit si Valentina kundi dahil sa pag-alalang mahulog ito sa hagdan.

Si Agustus naman ay bumaba nadin ng hagdan hanggang sa naka-baba na si Valentina sa hagdan ng walang sugat o nahulog man lang pero ng naka-baba na ito at nasa third step na ng hagdan ay natapilok ito kaya natumba ito.

"Valentina!"

Nang makalapit si Valerie sa anak ay tinanong nito kung saan ang masakit sakanya.

"Anak naman. Dapat hindi ka tumakbo, hayan tuloy ang nangyari saiyo." May pag-alalang ani Valerie kay Valentina na halos maiyak dahil sa paglagay ng kanyang ina ng alcohol sa sugat nya sa tuhod.

Ang kanyang ama naman na si Agustus ay nag-papayo sakanya.

Hindi nila pinapalo, sinisinturon o ano pa mang pwedeng makasakit sa bata ang ginawa nila kay Valentina. Ayaw nila syang saktan dahil sya lamang ang kaisa-isa nilang prinsesa at ang nag-bibigay saya sa kanilang tahanan.

Si Valentina ay maayos naman ang lagay, ang sugat lamang sa tuhod ang kanyang iniinda ngayon.

Kumain, nag bonding, at namasyal lamang ang kanilang ginawa ngayong araw na ito. Sya nga pala, naka-leave si Agustus kapag linggo para makasama ang kanyang pamilya, Governor sya ng kanilang probinsya habang si Valerie naman ay isang registered and licensed teacher sa isa sa mga sikat at pribadong paaralan sa lugar nila.

Sikat ang apilyedong Evangelista sa kanila dahil sa galing nila sa politika at kahit sa pag do-doctor. Politika ang pinili ni Agustus at dahil sa pagiging politika ay nakilala nya si Valerie na isa palang noon na Trainee.

Kontento na sila parehas sa kung anong meron silang dalawa lalo na nung dumating si Valentina, ang nag-iisa nilang prinsesa, tila gumaan ang lahat ng maisilang ni Valerie si Valentina.

Gumala sila sa iba't ibang malls sa probinsya nila, ilang oras silang tumatawa at nakangiti lamang, na para bang wala silang problema.

Ni-hindi nila alam na mayroon palang nakakakita sakanila na hindi nila nakikita.

Naka uwi na sila ngayon. Nais pasalamatan ni Valentina ang kanyang mga magulang. Kung hindi dahil sakanila, wala sya ngayon pero kahit na lahat ng gusyo nya'y naibibigay sakanya, may isang bagay pang hindi napapasankanya. Hindi nya alam kung ano iyon ngunit ang tanging alam nya ay may nag hihintay sakanya.

May boses syang gustong sundan. Ang boses ng sino man sa dulo ng liwanag na kanyang nakikita sa bawat pag pikit ng kanyang mga mata.

"Valentina"

"Valentina, come and be with me."

"Come to me."

The Devil's House (COMPLETED ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon