Chapter 9 (not edited)

1.9K 72 29
                                    

Nasa delivery room na si Valentina at si Zayvian? Nasa tapat lang sya ng pinto ng delivery room. Naghihintay sa kanyang mag-iina.

Hindi si Zaeden ang nagpapa-anak kay Valentina kundi ang isa sa mga magagaling na babaeng doctor sa hospital na ito, si Zaeden na mismo ang nagsabi na babae dapat ang magpa-anak kay Valentina dahil alam nyang magagalit ang kuya nya kapag nalaman nyang lalaki ang nagpapa-anak ngayon Kay Valentina.

Dumating si Zaeden at nakita nya si Zayvian na naka-upo sa gilid ng pinto ng delivery room.

"Kuya..... you're here......"

Umangat ang tingin ni Zayvian kay Zaeden. Lumapit si Zaeden kay Zayvian at umupo din katabi nya.

"Why are you here?" Tanong ni Zayvian kay Zaeden. Tumawa si Zaeden sa tanong ng Kuya nya.

"Ano ba naman yan Kuya. Have you forgotten? I owned this property." Saka may inabot na kape ng Starbucks si Zaeden kay Zayvian. "I'm sorry, I forgot. Thank you by the way." Saka tinanggap ni Zayvian ang inaabot sakanya ng nakababatang kapatid.

"Bakit ba kase ako umalis. Kung hindi lang sana ako umalis edi sana ako ang kasama nya nung pinag-bubuntis nya ang mga anak namin. Sana ako ang naging kasangga nya noon. " Emosyonal na sambit ni Zayvian habang nakabaling ang atensyon sa pinto ng delivery room.

Si Zaeden naman ay tinapik-tapik ang balikat ng kanyang kuya. "Nandon naman ako eh, sinigurado kong ligtas sya gaya ng bilin mo." Pero napahinto si Zayvian sa mga sinambit ng nakababatang kapatid.

Bumaling ng tingin si Zayvian kay Zaeden. "Do you think I didn't see you hugging and kissing Valentina's fore head before, Buti nalang ay alam kong mahal na mahal mo si Kei kundi ay naisip ko nang may gusto ka sa Valentina ko." Ani Zayvian at sumimsim ng kape.

Napatawa si Zeaden dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. "Yes, I like your Valentina....."Sambit ni Zaeden kaya sinamaan sya ng tingin ni Zayvian. "Pero bilang isang pangalawang ate. Wag kang OA kuya Zayvian." Pagpapatuloy ni Zaeden at tumayo na dahil may aasikasuhin pa ito.

"Gotta go. Hope everything goes well." Hulinh sambit ni Zaeden bago umalis na. Si Zayvian naman ay tumango na lamang at bumaling ulit sa pintuan ng delivery room.

"I miss you, my Valentina."

Hanggang sa isang oras na ang lumipas ay lumabas na ang doctora na nagpaanak kay Valentina kaya napa-ayos na ang tayo ni Zayvian at hinarap ang doctora.

Ngumiti ang doctora bago nag-salita.

"Congratulations! Your wife gave birth to twins. One girl and One boy. And your wife is fine now, ililipat nalang muna sya ng silid. Excuse me." Saka umalis na ang doctora, may sumunod naman na dalawang nurse. May karga-karga ang dalawa, dalawang sanggol, isang babae at isang lalaki.

Inabot ito sakanya ng dalawang nurse at umalis na pagtapos.

Kasalukuyang nasa Recovery room si Valentina at nandodoon si Zayvian karga-karga ang kambal na anak nila.

Dalawang oras na ang nakalilipas at hindi pa din gumigising si Valentina kaya alalang-alala si Zayvian pero ang sabi ni Zaeden ay normal lamang ito para maka-gain ulit si Valentina ng lakas nya.

Hindi pa binibigyan ng pangalan ni Zayvian ang kanilang kambal dahil gusto ni Zayvian na si Valentina mismo ang magbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak, dahil naalala nito ang kwento sakanya ni Valentina noon. Gusto ni Valentina na sya ang mag-papangalan mismo sa magiging anak pag-nagkataon, isa yun sa mga dream ni Valentina.......

Maya maya ay may kumatok sa pintuan, imbis na buksan ni Zayvian ang pinto ay hindi nito ito pinansin at nag-salita na lamang, sinigurado nyang maririnig naman ito sa labas, ayaw nya lang talagang iwan ang kanyang mag-iina.

"Congratulations , Kuya Zayvian! " Alam na ni Zayvian kung sino ito. Hinarap ni Zayvian si Zaydon, ang pangatlong sa kanilang mag-kakapatid.

May dalang pagkain si Zaydon. Spaghetti at Prutas, inilapag nito sa Mesa at nakipag-kamay kay Zayvian.

"Buti naisipan mong magpakita na. Hindi mo naman na kailangang iwan pa si ate Valentina para lang hanapin ang bumaril kay ate Zephaniah, well she's okay now." Mahabang saad ni Zaydon at tinapik ang balikat ng kanyang kuya.

"Aalis na ako. May nag-hihintay din sakin sa kotse." Paalam ni Zaydon at umalis na. Nagpasalamat si Zayvian sa kapatid para sa mga pagkain.

Kahit busy si Zaydon ay nagagawa parin nitong mag-laan ng oras para sa mga kapatid nya. Kahit may pagka-red flag itong binatang ito ay may disiplina naman sya sa sarili at hindi nya matitiis ang kanyang mga kapatid.

Si Zaydon ay lumabas ng hospital pero bago pa man yun ay nakita nya si Zaeden, ang pinaka-bata nilang kapatid. Nag-taas ng gitnang daliri si Zaydon kay Zaeden , gamon din si Zaeden sa kuya nya.

Ganon ang bonding ng dalawang ito, partner in crime nila ang isa't isa. Normal na ito sa kanilang magkakapatid kaya hindi na dapat kayo mag-alala sa kanila. Well it's normal naman talaga sa mga magkakapatid lalong lalo na dito sa pilipinas. ( Ganito din kami ng kapatid ko noh, nag-aasaran at nag pipikunan pero sa loob lang iyon ng bahay na ito at hindi kami nag-aaway sa public, idk-siguro kase may hiya naman kami AHAHAHA. )

Sa kabilang banda naman ay nalaman na ni Valerie at Agustus na ngayon manganganak si Valentina kaya pumunta agad sila sa Hospital kung saan nakaratay ngayon si Valentina dahil pinaalam ni Zayvian kani-kanina lamang.

Hanggang sa gumalaw na ang kamay ni Valentina at napansin naman iyon ni Zayvian kaya binuhat nya ang kambal at nilapitan si Valentina.

Sa wakas! Nag mulat na ng mga mata si Valentina.

"Zayvian....."

Ang unang lumabas sa bibig ni Valentina. Si Zayvian naman ay mas lumaki ang ngiti sa labi. Sakto namang dumating ang mga magulang ni Valentina kaya ayun mas nagising si Valentina dahil sa galak na sigaw ni Valerie kaya napa-iling nalang si Agutus at binaling ang tingin kay Zayvian.

"Hindi mo man lang sinabi sakin na nabuntis mo na pala ang prinsesa ko." Sambit ni Agustus at sinamaan ng tingin si Zayvian. Si Zayvian naman ay napalunok, naku! Paktay ka ngayon Zayvian!

Habang si Valerie naman ay ine-entertain si Valentina at ang kambal.

"Pasensya na po. Sana ay sinabi na lahat saiyo ni tita Valerie." Kalmadong sambit ni Zayvian kay Agustus. Tumango si Agustus at bumuntong hininga. "Yes. She told me everything. Alagaan mo ang prinsesa namin o palalayasin kita sa probinsyang ito at hindi mona makikita si Isabella pati ang mga apo ko." Saad ni Agustus bago sinamahan si Valerie na siglang-sigla at masayang-masaya na para sya pa ang nag-silang.

'Yes Tito Agustus, I will take care of your only princess. Aalagaan ko sya hanggang sa abot ng makakaya ko, I will protect them like they're the most precious treasure in the world.'










The Devil's House (COMPLETED ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon