epilogue (not edited/short ending)

2.4K 69 51
                                    

Isang linggo ang nakalipas at todo alaga si Zayvian kay Valentina. Simula ng nalaman at sinabi nya kay Zayvian na buntis sya ay si Raven at Atticus na muna ang pumalit sa kanyang pwesto pero isa parin naman syang Mafia Boss. Kapag sabado at linggo ay off na muna sya sa underground.

Ngumiti si Zayvian habang nakatitig sa mukha ng natutulog na Valentina.

"Napaka-bilis naman ng panahon. Dati tinititigan lang kita mula sa malayo at heto ako ngayon, nakakalapit na saiyo at nahahawakan kana rin."

Si Zayvian ay hindi alam ang mararamdaman dahil sa pag-lipas ng panahon, hindi nya mai-decribe kung gaano ba nya talaga kamahal si Valentina. Basta ang alam nya lang ay mas mahal nya si Valentina keysa sa sarili nya.

Umaga palang at sya ang naunang gumising. Nang naayos nya na ang kanyang sarili ay bumaba na sya para mag-luto, gusto nyang subukan ang napanood nya sa YouTube kahapon ng hapon. Marunong syang mag-luto pero gusto nyang mas matuto pa kaya gumawa sya ng research, gusto nya ay sya nalang ang mismong mag-aalaga kay Valentina.

"Dada." Si Zayne.

Napabaling ang tingin ni Zayvian kay Zayne na bagong gising lamang. Binuhat nya ito at kinausap. "Good morning."

"Morning too dada. Zayne saw ate kanina, she's kinikilig while natutulog. Nakakatorete eww." Reklamo ni Zayne at niyakap ang ama. Tumawa si Zayvian at ginulo ang buhok ni Zayne.

"Maybe she's dreaming." Tumango si Zayne. "Yep! She's probably dreaming. Can you stop her po ba? Zayne can't freaking sleep!" Maktol ni Zayne. Imbis na tawanan ulit sya ni Zayvian ay napa-kurap si Zayvian.

'Did my son said that word?'

Maya maya ay may nagsalita.

"Zayne! What did you just said? Kanino mo natutunan yang salitang yan?"

"V.. Valentina?"

Dumeretso si Valentina kay Zayvian at kinuha si Zayne sa kanyang ama. Sinamaan ng tingin ni Valentina si Zayvian.

"Ikaw ba ang nagturo non kay Zayne?" Tanong ni Valentina kay Zayvian. Umiling ng paulit ulit si Zayvian. "Nope! Hindi ako. I promise. Cross my heart , makatapak man ako ng tae." Sabi ni Zayvian at nagtaas pa ng kamay.

"Eh sino?" Tanong ni Valentina habang nagtatanong na nakatingin kay Zayvian. Si Zayvian naman ay walang alam kaya umiling ito.

Hanggang sa dumating bigla si Zaeden, ang bunsong kapatid ni Zayvian.

"Heyy!!" Magiliw na bati nito.

Kaya napatingin naman sila sakanya. "Are you the one who teached Zayne the f-word?" Seryosong tanong ni Zayvian sa kapatid. Napatigil si Zaeden at tumango. Hindi naman sinungaling si Zaeden eh. Nag tanong kayo, sasagot sya ora mismo.

"Ako nga bak-..." Bago pa man matapos ang sasabihin ni Zaeden ay hinabol na sya ng kutsilyo ni Zayvian. Nagulat si Valentina at Zayne sa nangyari kaya tumabi sila sa gilid.

"You freak!"

"I'm sorry kuya! It's just an accident!"

"Accident mo mukha mo! Come here and I will cut your freaking precious hair!"

"No! Not my hair! Kuya!"

Kaya don, tinakpan ni Valentina ang tainga ni Zayne, pero kahit takpan iyon ni Valentina ay naririnig parin ni Zayne kaya palihim itong ngumingiti ng pilyo.

'Ugh! They're so freaking noisy.' Sambit ni Zayne sa isipa nya at kumindat sa hidden magic camera nya. Si Valentina naman ay nagtataka sa ikinilos ng anak. 'San sya kumindat?'

_

"Big sis. Why you're so matagal ba? We're freaking late na oh." Reklamo ni Zayne kay Vanessa na kakalabas lamang ng kanyang kwarto.

Bihis na bihis ngayon si Vanessa, mula sa kulay itim nitong boots hanggang sa necklace nitong kulay itim na may letrang V. V stands for Vanessa. Pinagawa nya iyon mismo.

Bumaba sila ng hagdan at nakasalubong si Valentina'ng may dala-dalang baso ng gatas. Huminto ito at pinasadahan ang kabuuan ng panganay na Anak.

"Nassie. Bihis na bihis na ata ngayon ah."
Manghang tanong ni Valentina. Ngumisi si Vanessa na parang may binabalak.

"He's not an exception. I believe, he will be with me ... Forever.." Sagot ni Vanessa bago nauna ng sumakay sa lambo na regalo sakanila ng kanilang amang si Zayvian.

Si Zayne naman ay napailing at nag-paalam kay Valentina.

"Ugh! That innocent guy again." Bulong ni Zayne sa sarili dahil alam nyang pepestehin nanaman ng ate nya ang lalaking iyon. Well, araw araw naman.









- end -











































The Devil's House (COMPLETED ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon