KABANATA 2

79 7 4
                                    

ANTONINUS EZEKIEL PIUS

"Magbigay pugay sa kamahalan!"

Narinig ko ang tinig ng punong official, pero hindi ko alam kung nasaan siya banda. Diretso lang ang tingin ko sa aking harapan habang ang lahat ng mga tao na nasa loob ay nakayuko sa aking harapan.

Dahan-dahan akong umupo sa aking trono at hindi pinahalata sa kanila ang masakit kong likod dahil sa nangyari hindi pa lumilipas ang isang araw.

Marahil ay nasobrahan lang ako sa ginawa ko. Wala naman talaga kong plano na makipag-isang katawan sa isang binibini na hindi ko kilala. Lalo na hindi ko alam kung saang lugar siya nagmula at kung gaano karumi ang pamumuhay niya. Gano'n pa man, nakaramdam pa rin naman ako ng kagalakan sa naganap kaya hindi ako nanghihinayang.

"K-Kamahalan, nais naming malaman kung may plano ka nang naisip upang pigilan ang 'yong kapalaran."

Nahinto ako sa pagmumuni at tumingin sa direksiyon ng aking royal adviser. Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang ang kausap ko naman ay nanatili pa ring nakayuko at tila ano mang oras ay parang maiihi na sa kanyang kinatatayuan. Tss.

"Inuutusan mo ba ko?"

Magsasalita pa sana ulit ako, pero agad na sumagot sa akin ang kausap ko.

"H-Hindi, kamahalan. N-Nag-aalala lamang ako sa 'yong kapalaran."

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Nagpalumbaba ako sa aking upuan.

Oo nga pala. May malaking problema nga pala kong kinakaharap ngayon. Kung alam ko lang sana kung paano mangyayari ang kapalaran na sinabi sa akin ay maaari ko pa itong mapigilan nang hindi ko na kinakailangan gawin ang kondisyon na sinabi sa akin ng royal magician.

Kaso lang hindi na ulit sa akin nagpakita ang taong 'yon pagkatapos nang araw na 'yon. Nagpapakita lang naman siya sa akin kapag may nakikita siya sa hinaharap na maaaring maging banta sa kaharian ng Tiro.

Siya ang royal magician sa aming kaharian ngunit ang kanyang tiwala ay nasa aking namayapang ama pa rin. Tsk! Hindi ko rin naman kailangan ng tiwala niya basta't ginagawa niya ng maayos ang kanyang tungkulin sa palasyo.

Isa pa, naniniwala ako sa sinasabi niya dahil kahit kailan ay hindi pa pumalya ang mga hula niya.

"K-Kamahalan?"

Tumingin ulit ako sa direksiyon ng royal adviser at saka ako nagsalita.

"Ianunsyo n'yo sa buong kaharian na sa darating na araw ng pagsasanay upang makahanap ng panibagong kawal sa palasyo ay pahihintulutan na 'tin ang mga kababaihan na sumali sa pagsasanay na ito."

Napakamot sa ulo ang kaharap ko na tila naguluhan yata sa aking sinabi. Tss. Kahit kailan talaga ay napaka bagal mag-isip ng matandang 'to.

"Ano na? Ito ang solusyon ko sa sinasabi ninyong kapalaran ko kaya kumilos na kayo baka pa mag-init ang ulo ko."

Isang malalim na buntong hininga na naman ang aking napakawalan. Kung hindi lang naging maganda ang araw ko kahapon ay baka kanina ko pa naparusahan ang isang 'to. Mabuti na lang din at hindi ako mas'yadong mahilig sa dahas basta't sinusunod nila lagi ang batas na iniatag ko sa kanila.

"P-Pero, kamahalan. Hindi po maaari ang sinasabi ninyo. Ang mga kababaihan ay walang kakayahan upang maging kawal ng palasyo na 'to."

Naiinis na ko sa nangyayari kaya tumayo na ko sa trono ko. Ang mga nasa paligid ko naman na tahimik na kanina ay mas lalo pang natakot na gumawa ng kahit na anong ingay. Alam kasi nila sa kanilang sarili ang ugali na mayroon ang hari ng kanilang kaharian.

"Isang malakas na babae ang kailangan na 'tin at paano na 'tin mahahanap ang babae na 'yon kung hindi na 'tin gagawin ang sinasabi ko? Sa tingin n'yo ba ay may karapatan kayo ngayon upang hindi sundin ang pinag-uutos ko?" mariin at may awtoridad kong wika sa kanila.

Wala ni isang sumagot sa katanungan ko maging ang royal adviser na kausap ko kanina pa.

"Tapos na ang pagpupulong na ito."

Hindi na sila ulit sumagot sa akin. Nauna na kong naglakad palabas ng bulwagan ng pagpupulong subalit hindi pa ko nakakarating sa labas ay may naririnig na kong ingay sa may bandang hardin sa kaliwang parte ng palasyo kung nasaan namamalagi ang mga officials.

Ano na naman kaya ang kaganapan sa labas? Hindi na ko magkaroon ng isang payapang araw dahil sa nangyayari ngayong araw. Tsk.

Sa inis ko ay dali-dali akong naglakad sa kaguluhan na nagaganap. Nadatnan ko ang apat na royal guards na pinapalibutan ang isang babae na may bitbit pang palaso at pana sa kanyang likuran. Pamilyar sa akin ang wangis niya subalit hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.

Nagtama ang mga mata naming dalawa habang patuloy siyang nakikipag-usap sa mga royal guards na nakapalibot sa kanya. Nakita ko ang kulay berde niyang mga mata na kasing kulay ng mga sariwang halaman at puno na nandito sa palasyo. May kung anong tapang ang bawat tingin na binibigay niya.

Nakaramdam ako bigla ng kuryosidad kung ano nga ba ang nangyayari kaya lumapit na ko ng tuluyan sa kanila.

"Ano ang nagaganap dito?" tanong ko sila nang hindi binababa ang aking paningin sa kausap.

Lumingon sa akin ang apat na royal guards at nang makita nila ko ay agad silang lumuhod at yumuko sa harap ko.

"Magandang araw, kamahalan."

Tinaasan ko lamang ng isang kilay ang pagbati nila at tinuon ang aking paningin sa babae na pinapalibutan nila kanina lang. Nakatitig pa rin siya sa akin subalit ni hindi man lang siya yumuko o lumuhod sa harapan ko.

Hindi ba niya narinig ang sinabi ng mga royal guards ko?

Nakakaramdam na naman ako ng inis, pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanila. Tinaasan ko pa ng kilay ang babae at tinitigan ko rin siya. Baka sakaling pinoproseso pa niya ang impormasyon na narinig niya ngayon lang, pero hindi rin siya nagpatinag sa akin kaya sa sobrang inis ko ay sinamaan ko na siya ng tingin.

"Anong karapatan ng babae na 'to para titigan ako sa aking mata? Magpakilala ka!"

Hindi ko na napigilan ang damdamin na nararamdaman ko kanina pa kaya napasigaw na ko habang nakakuyom ang dalawa kong kamao.

"Sino ka rin ba para titigan ako? Parang sa dibdib ko pa nga ikaw nakatingin e. Manyak!"

KING OF PRIDE (SEVEN DEADLY SINS EMPEROR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon