KABANTA 5

64 5 0
                                    

AMELIA EARHART

Hindi ako makasagot sa kanya dahil tinatakpan pa rin niya ang bibig ko kaya tumango-tango na lang ako sa kanya.

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung susuntukin ko na lang siya o titiisin ko na lang ang ginagawa niya ngayon.

Bakit ba kasi wala siyang saplot sa harapan? Bakit sa dami-dami ng oras na p'wede akong mapunta rito ay ngayon pa talaga?

Marahan akong nagpumiglas kasi kapag nilakasan ko ay baka mas lalong manganib ang buhay ko pagkatapos.

Pagkalipas ng ilang minuto ay saka lang yata napansin ng hari ang pagkailang ko dahil sa lapit ng katawan niya sa 'kin.

Bigla niya kong tinulak palayo sa kanya kaya muntikan na kong masubsob sa sahig.

"Ikaw—"

Natigilan ako sa pagturo sa direksiyon niya nang magbalik sa isipan ko ang tunay na sitwasyon ko ngayon.

Napatakip ako agad sa aking bibig at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa direksiyon ng hari.

Sensiya naman. Nakalimutan ko lang na hari pala 'to. Tsk!

"Mabuti naman at wala na sila," usal ng hari habang nakatingin pa rin sa direksiyon ng pintuan kung saan ako may narinig na boses kanina.

Pagkatapos ay binaling na rin ng hari ang paningin niya sa direksiyon ko.

"Ikaw. Anong ginagawa mo rito at paano ka nakapasok sa aking silid?"

Napataas ang isang kilay ko pero hindi 'yon dahil sa tanong niya. Nag-iba kasi ang tono ng kanyang pananalita pati na rin ang tindig niya ngayon.

Parang ibang hari ng mga Tiro tuloy ang nasa harapan ko ngayon.

"Sumagot ka."

Nalunok ko ang sarili kong laway nang muli kong marinig ang tinig ng hari.

Nakalimutan kong kinakausap pala ko nito kanina pa.

"Ah. . . Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Sa pagkakaalam ko ay may babae akong nakita sa silid na kinalalagyan ko kanina at ayon. Bigla niya kong dinala rito."

Napaisip tuloy ulit ako sa mga salita na binanggit sa akin ng babae kanina. Pagkatapos ay napatitig ako ng hindi sinasadya sa hari.

Mahaba ang kanyang tuwid at kulay itim na buhok. Malalim ang seryoso niyang mga mata, mapula ang kanyang labi, malambot ang tekstura ng kanyang maputlang mukha. Makisig ang kanyang pangangatawan at. . .

Sh*t! Wala nga pala siyang kahit na anong saplot!

Agad akong napaiwas ng tingin pagkatapos magawi ang paningin ko sa kanyang pang-ibaba.

Umayos ka, Amelia. Hindi ito ang oras para sa malikot mong isipan!

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at nalunok ko na rin ang sarili kong laway bago ako tuluyang nagkaroon ng lakas para magsalita ulit pabalik sa hari.

"K-Kamahalan, ang 'yong kasuotan," nahihiya kong bulong habang nakatingin pa rin ako sa ibang direksiyon.

"Ano naman kung wala akong kasuotan? Sino nagsabi sa 'yo na tingnan mo ang hari?"

Ngayon naman ay bigla kong naramdaman ang awtoridad sa tono ng boses niya.

Parang gusto ko na nga siyang suntukin e. Kanina pa ko nagtitimpi.

Kasalanan ko ba kung may bigla na lang akong napunta sa kanyang silid?! Sakit niya sa bangs!

Bumuntong hininga na lang ulit ako ng malalim at pekeng ngumiti sa hari pero hindi ako tumingin sa kanya dahil baka tanungin na naman niya ko kung bakit ako nakatingin gano'ng wala naman siyang pahintulot na binigay. Tss.

Pero, grabe ha? Ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili na ultimo kahit nakahubad siya sa harapan ko ay wala lang sa kanya.

Ito ba talaga ang kasalukuyang hari ng mga Tiro?!

"Pasensiya na, kamahalan. Katulad nga ng sinabi ko kanina-"

"Tumahimik ka. Wala rin akong sinabi na sagutin mo ko ngayon. Batid ko na kung paano ka nakapunta rito. Tiyak na ang royal magician ang pasimuno. Tsk. Siya rin ang may hatid ng propesiya."

Natigilan ako sa aking narinig. Propesiya? Ano 'yon?

Gusto ko sanang tumingin sa direksiyon ng hari at magtanong sa kanya pero hindi ko na lang ginawa dahil tiyak na may makikita lang ulit ako.

"Kung gano'n ay tama lang pala ko sa pagkulong sa 'yo rito sa palasyo. . . Heh. Propesiya man o hindi, hindi ako tuluyang sang-ayon sa siniwalat ng royal magician. Ikukulong kita rito hangga't maaari."

Tuluyan na kong napalingon sa direksiyon ng hari dahil sa sinabi niya. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at diretso akong napatingin sa malalim niyang mga mata.

"Huh? Anong kinalaman ko d'yan sa pinagsasabi mo?"

Tila pansamantala ko ring nakalimutan ang takot na nararamdaman ko kanina lang dahil sa inis na pumangibabaw sa akin ngayon.

Napansin ko rin agad ang pagtaas ng isang kilay ng hari habang diretso rin siyang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako nagpatalo sa kanya at nakipagtitigan rin ako pabalik. Kamatayan na lang din naman ang wakas ko, lulubos-lubusin ko na.

Anong akala sa 'kin ng hari na 'to? Madali niya kong matatakot sa titig at kapangyarihan niya?! Asa siya!

"Ang lakas din naman ng loob mo para titigan ako ng pabalik at ng matagal pa ha."

Sumilay ang nakakakilabot na ngiti sa labi ng hari kaya napaatras ako ng isang hakbang.

"Mas maganda siguro kung dito na lang kita ikukulong sa aking silid at nang sa gano'n ay malaman mo ng maaga kung sino ang kinakalaban mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ano?! Nahihibang ka na ba? Kahit hari ka, hindi ko pangarap na makasama ka sa iisang kuwarto! Isa pa, wala akong tiwala sa mga lalakeng katulad ninyo. Wala kayong ibang ginawa kundi hubaran at paglaruan ang mga damdamin at pagkatao ng mga babae!" Hinihingal pa ko pagkatapos ko magsalita.

Sa tinagal-tagal kong nanirahan sa kaharian ng Tiro ay batid ko nang mapagmataas ang kasalukuyang hari pero hindi ko alam na ganito rin pala siya mag-isip.

Okay lang sa 'kin na makipaglaban na lang ulit sa kanya sa isang paligsahan no!

Natigilan kaming dalawa sa pag-uusap nang bigla na lang bumukas ng malakas ang pinto ng silid na kinalalagyan namin ngayon.

Sh*t! Ngayon ko lang naalala na wala nga pa lang alam ang mga nasa labas na nandito rin ako sa silid ng hari ngayon!

Isa pa, nakahubad pa rin ang lintek na hari na 'to!

Waah! Ano na'ng gagawin ko?! Mapapa-aga pa yata ang kamatayan ko!

KING OF PRIDE (SEVEN DEADLY SINS EMPEROR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon