Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 2

23.7K 1K 144
                                    

NAUMAGAHAN sila sa presinto. Maaga namang dumating si Alex at inilabas sila. Ang mga kabarkada niya ay nakapuga. Mabuti na lang.

"Ano ba naman ang ginagawa niyo? Lalo ka na, Hector. Mukha ng kapatid mo at pangalan niya ang dala mo. Ipapahamak mo na naman siya sa ginagawa mo," panenermon ni Alex sa kanya.

"Don't blame him, Dad. I was the one who convinced him to join the race."

"Isa ka pa!" angil ni Alex kay Axel.

"Puro sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa akin!"

Natigil si Hector sa pagsunod sa mag-ama at kay Maureen nang madaanan ang selda para sa mga babae at makita si Andrite na nakaupo sa sahig. Agad itong tumayo nang makita sjya.

"Bakit hindi pa ako pinapalabas?" tanong nito sa galit na tono.

Nagkibit siya. "Nagpiyansa ka na?"

She cocked an eyebrow, looking at him in disbelief. "You didn't bail me out?" she spat angrily.

"Bakit kita pipiyansahan?" Sino ba ang babaeng ito at parang obligasyon niyang piyansahan ito.

"Humanda ka talaga sa Tita-Ninang Lavender ko!"

"Kaano-ano mo ba si Lavender?" Ang galit na ekspresyon ng mukha nito ay nahaluan ng kalituhan sa tanong niyang iyon. Napahawak si Hector sa noo nang mag-sink in ang sinabi niya. Trouble talaga 'to. Tita-Ninang pa.

Nilinga niya ang mag-ama na nagtatalo pa rin habang papalabas ng presinto. Tinawag niya si Alex na napatigil sa paglabas.

Saglit niyang binalingan si Andrite. "Sandali lang." Inirapan siya nito. Napakasuplada. Ibang klase. Ito na ang may kailangan ito pa ang nagtataray. Iniwan niya ito at nilapitan ang mag-ama.

"Alex, pwede mo bang ilabas 'yong babae? Mukhang kakilala ni Frankus, e." Tumingin ito sa direksyon ng selda.

"Andrite ang pangalan." Tumango lang ito at kapagkuwan ay kinausap ang pulis na nasa desk.

"I'll bail out the woman. Andrite raw ang pangalan, kasamahan nila." Tiningnan ng pulis ang record at hinanap ang pangalan na tinutukoy nila.

"Alexandrite de Ortouste," basa nito nang makita ang pangalan.

Binayaran ni Alex ang halagang kailangan saka pinalabas ang babae. Hindi man lang ito nagpasalamat. Tuloy-tuloy itong lumabas ng presinto. Naghiwa-hiwalay na sila. Sina Maureen at Axel ay umalis sakay ng motorsiklo nito habang si Alex ay sariling sasakyan nito ang gamit. Tinungo naman niya ang sariling motor na kinumpiska ng mga pulis. Mabuti na lang talaga at nariyan si Alex na siyang nag-ayos ng gusot nila. Hindi pa naman nakapangalan sa kanya ang motor. Tiyak na trouble na naman ito kay Frankus.

Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Hector nang mapatingin kay Andrite na sumunod sa kanya. "Paano ka uuwi?"

Humalukipkip ito. "Natural ihahatid mo ako."

Nakukunsuming inilagay ni Hector ang mga kamay sa magkabilang balakang. "Nasaan ang boyfriend mo? Bakit hindi ka sinundo? Tumakas at iniwan ka tapos hindi ka susunduin."

"He's not my boyfriend. He's a friend. Hindi niya ako mapupuntahan dahil malalagot siya kapag nalaman ng parents niya. Now, bring me home. Sa bahay na lang nina Grandma at Grandpa."

Walang nagawa si Hector kundi ang magpakawala ng marahas na paghinga saka sumampa sa motor matapos isuot ang helmet.

"Wala ka pang helmet," reklamo niya na binuhay ang makina ng motorsiklo. Umangkas si Andrite sa likuran niya.

Bachelor's Inferno 1: Dust of Memories Where stories live. Discover now