Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 5

25.7K 1.2K 192
                                    

BUMABA si Andrite mula sa sasakyang minamaneho ng kanyang driver. Sa pagbaba niya ay agad ding bumaba ang bodyguard niya. Tinotoo nga ng kanyang mama na kuhanan siya ng bodyguard. At totoong nakakainis. She hated someone tailing him. Hindi siya makabwelo tapos lagi pang naka-report sa kanyang mama ang bawat galaw niya.

"Saglit lang po ako. Huwag na po kayong bumaba."

Umiling ito. Umikot naman ang mata ni Andrite saka ito iniwan. Naglakad siya patungo sa kumpulan ng mga racer. Isang resto-bar iyon na may mga umbrella tables and chairs sa labas at puno iyon ng mga motorista. Si Axel at mga kaibigan nito ang may-ari ng naturang bar. Racer's Bar ang pangalan. Ito ang ginagawang tambayan ng mga racer.

"Axel?" kuha niya sa atensyon ng lalaki. Agad naman itong tumayo at ngumiti sa kanya. 

"Hey, Andrite?" Bumeso pa ito sa kanya. Agad niyang pinahid ng palad ang pisnging dinikitan nito. Malakas na tumawa ang lalaki. Inabot nito ang kanyang pisngi at pinisil.

"Cute mo talaga. Ano atin?"

Inilahad niya ang kamay. "I'm claiming my prize."

"Oh! Naiwan ko sa condo ni Maureen."

Andrite threw her arms across her chest, frowning. "Baka hindi na ako makalabas. Grounded na ako."

Nilinga nito ang mga kasama at kapagkuwan ay ibinalik ang atensiyon sa kanya. "Hindi ako makakaalis. Birthday ni Jass. Bigay mo na lang bank account mo sa 'kin, deposit ko na lang o kaya puntahan mo si Maureen. Malapit lang naman ang condo, sa Harizon."

"Puntahan ko na lang. Baka hindi mo pa i-deposit."

Tumawa ito. "Grabe siya. Walang tiwala." He shoved his hand into his jacket pocket. Then he brought out a key.

"Get this. Baka tulog pa 'yon. Tinatawagan ko kasi kanina, hindi sumasagot. Pumasok ka na lang, gisingin mo o kaya kunin mo sa kwarto niya. Nasa ibabaw lang ng dresser ang pera. Nasa brown envelope."

She snatched the key from him and immediately turned and headed towards the car.

"10th floor. Room 220. Salamat!" Axel shouted, Andrite just raised a hand in response. Alam niya ang unit ni Maureen. Neighbor nito ang kaibigan niya.

"Manong Pedong, sa Harizon po muna tayo," aniya nang makasakay. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan nang makasay ang bodyguard niya.

Nakakainis! Ang hirap ng may bantay. Pinakiusapan lang niya si Manong Pedong na dumaan dito pero bawal talaga siya gumala. Nakalabas lang siya dahil nasa taping pa ang kanyang mama ngayon at pinayagan naman siya ng papa niya. Sabi niya pupunta siya sa mga pinsan niya. Pupunta naman talaga siya, dumaan lang talaga siya rito. Kaso pinapauwi agad siya kasi papauwi na rin ang kanyang mama at kapag naabutan siyang wala sa bahay, ang papa niya ang mananagot.

Nang marating ang condo kung saan nakatira si Maureen ay nakasunod pa rin sa kanya ang bodyguard niy. Hanggang sa pagpunta sa unit ni Maureen ay nakabuntot ito. Naiirita niyang paulit-ulit na pinindot ang doorbell sa unit ni Maureen. Wala siyang naririnig na pagtunog. Baka soundproof ang buong unit. Mukha ngang tulog pa si Maureen kaya napilitan siyang gamitin ang susi na ibinigay sa kanya ni Axel. Sinusian niya ang pinto at itinulak iyon pabukas.

She glanced around the condo unit, and her searching gaze halted on the slightly opened door, which she assumed to be a bedroom. She took slow steps towards the room but halted when she heard a strange noise from the room. Tatawagin niya sana si Maureen nang bigla siyang may narinig na boses ng isang lalaki.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay WHROXIE, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni WHROXIE
@Whroxie
Longing for his father's love and recognition, Hector accidentally li...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 43 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Whroxie.
Bachelor's Inferno 1: Dust of Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon