chapter 22

33 4 0
                                    


Love kita Secret Lang*
Chapter22

Kinabukasan naabutan ko naman si Jed na nagsisibak nang kahoy..
Nakahubad siya't pawis na pawis na parang hirap na hirap na hinuhuli yung kahoy.

"Nakakatuwa yang si Jed,ayaw naman siyang pagawain nang tatay mo..siya ang nagpipilit.mukhang bago sa kanya lahat nang karanasan niya ngayon..mukhang nag eenjoy pa siya,kahit hirap na hirap."

Lumapit ako sa kanya.nung matanaw niya ako,kinuha niya agad ang kahoy na kanina parang nakikipaghulihan pa siya.

"Kumusta ka naman diyan?"

"Okay lang,madali lang palang magsibak nang kahoy.."
Nakangiti niyang sabi,sabay punas nang kamay  niya sa noo niya na agos na ang pawis.

"Mukha nga,mukha ngang madali lang no?"Gusto kong matawa sa itsura niya eh..

"Jed!halika na,pupunuin pa natin ang tubigan ni Tiyang."

"Joven?"pinsan ko si Joven..tinawag niya si Jed,dala dala ang dalawang balde na lalagyan ng tubig

"Eh, Ynah..siya ang nagsabi kanina eh.halika na Jed.."

Isinama naman siya ni Joven ngayon sa pag igib nang tubig.
May balon kasi doon na pinagkukuhanan nang tubig nang mga tagarito.malayo layo ding lakarin yun mula dito sa amin..

"Jed!"

"Okay lang ako,"inakbayan niya ang pinsan ko..
"Sige na,uwi ka na mamaya na tayo magkita.."Sabay kindat niya.
"Halika na,Joven.."

"Sabi mo Jed,tuturuan mo ako ng mga moves sa basketball ha.."

"Oo naman..yung tipong lahat ng babae titili sayo.."

Habang papalayo sila yun ang pinag uusapan nila..

"Titili talaga ang babae Jed!aahhh!!gusto ko talagang tumili.."

Hapon na nang umuwi sina Jed,kasama niya ngayon halos lahat ng pinsan ko.lumapit siya sa akin pagdating niya.

"Ynah!ang cool talaga ng boyfriend mo..ang galing niyang magbasketball."

"Naglaro ka?"

"Tinuruan ko lang ang mga pinsan mo nang mga moves."

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon