chapter 38

29 2 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter38

Ynah's pov
Aah..lumingon ako sa paligid..antagal ko ng namiss ang lugar na ito...hello philippines!!nandito na ako sa pilipinas ngayon,wala akong sinabihan kahit kanino,ang plano ko..dumiretso muna kina nanay at tatay sa probinsya..may ibinigay ang daddy ni Maxine saa akin na susi ng condo..dun daw ako tumuloy pag umuwi na ako sa manila..

Hindi ko pa alam kung tatangapin ko yun..marami nang naitulong sa akin ang daddy ni Maxine,naramdaman ko talaga ang effort niya para mapalapit sa akin..siguro lang ang hindi ko pa  matanggap yung may iba akong tatay,bukod sa nakilala kong ama..

Hindi ko alam pero tinesting kong tawagan ang number ni Blessie,try ko lang kung active pa yun sa ilang taong lumipas,ano kaya ang sasabihin niya pag nakita niya ako,galit kaya siya?..

Ilang beses siyang nagring,ibig sabihin gumagana pa ang number niya..boses ng babae ang sumagot..antagal ko lang pinakinggan ang boses niya,nakakailang hello na nga siya..

"Busy akong tao,kung wala kang magawa wag ako ang abalahin mo ha!!.."

"Blessie.."

"Teka,sino ba to?.."

"YNA!!YNA,IKAW BA YAN!!"kilala pa rin niya ang boses ko?

"Blessie,im sorry.."

"Magkita tayo ynah!nasan kaba?.."

Nauna akong dumating sa sinabi niyang lugar,dahil galing pa ako sa airport mas malapit ako..hindi naman nagtagal dumating din siya..niyakap niya kaagad ako..

"Ano bang nangyari sa yo Ynah?hindi ka man lang nagparamdam,marami namang paraan pero kahit facebook mo,nakaclosed lahat..nagtago ka ng sobra."

"Sorry,Blessie..si Ryan kumusta?..nagkikita ba kayo?..kumusta na...silang lahat?.."

"Hindi ako ang nangangailangan ng sorry mo,Ynah..hindi rin si Ryan..alam kong siya din ang gusto mong kumustahin.."

"Blessie..."

"Hindi mo alam kung gaano kahirap para kay Jed,ang ginawa mo..kung para sa akin lang wala akong dapat ikatampo..pero pag nakikita si Jed noon,hindi ko maalis na hindi  magalit sayo.."

Tama nga siguro si Blessie,marami talaga akong kasalanan,dapat siguro wag na nga lang akong magpakita sa kanila..

"Dapat pa ba akong magpakita sa kanya?.."

"Sa opinyon ko,hindi ka na nga siguro dapat magpakita kay  Jed..pero..sa nakikita ko kay Jed ngayon,.baka kailangan ka niyang harapin para malaman niya kung ano ba talaga,ang dapat niyang maramdaman..

Iniwan niya sa akin ang address,kung saan ko daw pwedeng makita si Jed..dahil sa sinabi ni Blessie,parang mas natakot akong harapin si Jed,parang ayaw kong malaman kung paano nga niya hinarap yung pagkawala ko sa buhay niya..
Natatakot ako na baka pagsisihan ko ang ginawa kong pag iwan sa kanya..
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko..halu halo...gusto kong makita si Jed..pero ayokong malaman kung ano na nga ba nangyari sa kanya..

Hindi ko namalayan,malayo layo na din pala ang nalakad ko,nasa isang park na ako..
Tumingin ako sa oras,gabi na pala..hindi ko alam kung saan ako magpapalipas ng gabi..kung tutuloy pa ba ako pauwi sa probinsiya..

Tiningnan ko yung susi na bigay ni Mr.Legazpi.
Puntahan ko kaya..matutulog lang naman ako ng isang gabi..
Pumara ako ng taxi,hindi ko na kasi alam kung nasaan ako..nagpahatid ako sa address na nakalagay sa binigay ni Mr.Legazpi..

Sumakay ako ng elevator,wala akong nakasabay sa elevator,gabi na din kasi..pasarado na yung elevator ng biglang may humarang para hindi matuloy ang pagsara..kahit nakayuko siya kilalang kilala ko siya..

"SO?!DAMN!!PAG HINDI NIYO NAAYOS YAN!!YOUR ALL FIRED, AT AYOKO NANG MAKITA ANG PAGMUMUKHA NINYO BUKAS!!..

"Dug,dug,dug.."

Ganito pa rin ba ang epekto niya sa akin?..Nakatitig lang ako sa kanya,habang kitang kita ko sa mukha niyang galit na galit siya,wala na ang maamong mukha ni Jed..medyo wavy ang buhok niya..medyo lumaki ang katawan niya,compared noon..
Naka longsleeve siyang white at nakasampay sa balikat niya ang suit na black..niluluwagan niya ang necktie niya na para bang hindi makahinga,habang sigaw pa rin ng sigaw sa kausap sa telepono..

Nananaig pa rin sa akin na gusto ko siyang yakapin,kaysa sa matakot dahil sa sumisigaw siya..nakatulala lang ako habang tumutulo ang luha ko..ni hindi niya ako nakita,hindi niya nga yata namalayan na may kasabay siya..
Pero nagulat ako kasi sabay kaming lumabas ng elevator,nasa iisang floor ang condo namin..sinusundan ko siya ng tanaw,habang nagbubukas ng pinto..
Naramdaman niya yata na may nakasunod ng tingin sa kanya..

Napatingin siya sa akin..at alam ko kahit may agwat pa kami,nakilala niya ako..nakatitig lang siya sa akin,walang emosyon..

"Jed.."

Hindi ko na napigil ang sarili ko,dahil sa pagkakatingin ko sa kanya..hahakbang sana ako palapit sa kanya,pero mabilis niyang ibinagsak ang pinto ng napakalakas..

********
Pakibasa na din po ng new story ko..This Badboy is Inlove with You..
Thank you very much!!

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon