Chapter50

39 2 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter50

Natutuwa naman ako sa kanilang tatlo para na talaga silang kapatid ko sa pagpaplano sa magiging baby ko,mas excited pa sila sa akin,

Two months pa lang naman ako dito,two months na din ang tiyan ko kaya hindi pa naman halata..
Gusto ko nga sanang magtrabaho,kaya lang lahat sila ayaw akong payagan..

"Sino ang sumasang ayon na wag nang magtrabaho si Ynah?.."

Si Angel,magkakaharap kami ngayon habang nagmomovie marathon..
Tumaas naman ang kamay nilang tatlo..

"Sorry,Ynah..majority wins.."

"Pero.."

"Wala nang pero,pero..hindi ka naman magugutom dito..backer natin ang A.R.S. company..wag kang matakot.."

Sabay hampas sa balikat ni Andrew na tawa lang ng tawa sa sinasabi nung dalawa..

Wala naman akong choice,dito lang ako sa bahay,pero kailangan ko din namang ipaalam sa pilipinas ang kalagayan ko..nasa malalim akong pag iisip nung bigla akong may nakita,si Jed ba yun?nakatayo siya sa may gate..

Ipinilig ko yung ulo ko,imagination ko lang siguro..ayoko na nga muna siyang isipin,baka nga may plano na sila nung maganda niyang syota e,hindi na ako nun maaalala..

Pumasok ako sa loob ng bahay,dahil wala naman si Angel at si Yassi ako na kumikilos muna dito sa bahay,kahit ayaw nila..

Nasa kusina ako at nag aaral ako ng pag bake ng cupcake na napanood ko kanina..para malibang ako,nang biglang may yumakap sa akin galing sa likod ko.
Hindi ako nakagalaw..ayokong lumingon,bakit ganito ang nararamdaman ko?Isang tao lang ang alam kong nakakapagpabilis ng kaba ng dibdib ko..bakit yun ang nararamdaman ko ngayon?..

"Bakit,iniwan mo na naman ako?..lagi mo na lang akong tinatakbuhan.."

Panaginip pa ba ito?parang ayokong humarap,kasi baka malaman kong nanaginip lang ako..pumikit ako,hinawakan ko yung kamay niya na nakayakap sa bewang ko..

"Ynah,hanggang kelan mo ba ako pahihirapan.."

Naramdaman ko na nakadikit na yung mukha niya sa pisngi ko..lalong humigpit ang yakap niya..

"Ynah,ayoko nang pakawalan ka ngayon,pwede bang huwag mo na akong iiwan.."

Matagal na kami sa ganitong ayos,dumilat ako..pero nandito pa din yung kamay niya..hindi na ito panaginip!totoo na ito!nandito si Jed?!..

Humarap ako sa kanya,dahil napakahigpit nang yakap niya,dikit na dikit ang katawan namin..

"Jed..."

Hinaplos ko ang mukha niya,totoo nga na nandito na siya,nandito siya sa harap ko,

"Ynah,bumalik ka na sa akin please.."

"Anong ginagawa mo dito Jed?.."

"Sinusundo na kita..at hindi na kita paalisin ulit.."

"Jed..."

"Mahal mo pa ba ako?kasi ako Ynah,mahal na mahal pa rin kita..kahit anong nangyari,kahit palagi mo akong sinasaktan,basta't nasa harap na kita,nalilimutan ko na lahat yun..mahal na mahal kita .."

"Teka!may ano dito!"

Sabay kaming napalingon ni Jed,
Napabitaw din siya sa pagkakayakap niya sa akin..
Nandito na yung tatlo,inabutan tuloy kami sa ganung itsura..

"Jed,right?im Yassi,cousin ko si angel,boyfriend ko si Andrew.."

"Boyfriend mo?"tanong ni jed

"Oo,bakit.."umakbay pa si Andrew kay Yassi..

"Ang gwapo mo pala talaga..kaya naman pala,hindi ka makalimutan nitong.."

"Angel!!.."saway ko..

"Pero teka..parang nakita na kita..
"Tama!sa coffee shop!!ikaw yun,diba?.."

"Coffee shop?" Ako yan nagtataka ako sa sinasabi ni angel

"Lagi ko siyang nakikita sa labas ng coffee shop noon,nung bago ka pa lang dito sa NewYork,"

Lahat kami nakatingin kay Jed,hinihintay namin kung ano isasagot niya..

"Diba?tuwing hapon,pag pumunta ako sa coffee shop nandun siya sa labas,.."

Ibig bang sabihin nun,yung hinahabol ko noon,dahil akala ko lagi si Jed,siya nga kaya yun?..
Yung bawat lilingon ako kahit sa bahay,pag dumungaw ako ng bintana totoong nandun siya?

Dahan dahang naglabasan yung tatlo,naramdaman yata nilang marami akong gustong itanong kay Jed..nakatitig lang ako sa kanya..

"Okay,ako nga yon..pumunta ko dito,sinundan kita,nakita ko kung paano ka nasasaktan na katulad ko,pero mas pinanaig ko ang galit ko,dahil iniwan mo ko,dapat nga lang na maramdaman mo yun..pinilit kong bumangon,pinilit kong ibalik ang dati,pero kung kelan akala ko nakalimutan na kita,saka ka uli nagpakita..para guluhin ang mundo ko.."mahaba niyang paliwanag

"Im sorry.."

"No,hindi mo na kailangang magsorry,dahil sa pagbalik mong yon,mas lalo kong naintindihan na hindi pa pala nakakalimutan...na mahal na mahal pa rin kita..inayos ko lang ko lang ang lahat bago kita sinundan at ngayon,handang handa na akong mahalin ka ulit.."

"Jed.."

Lumapit siya sa akin saka niya ako niyakap ng sobrang higpit

"mahal na mahal kita,Jed..im sorry sa lahat,sa lahat lahat ng nagawa ko.."

"Sssh..stop saying sorry,dahil magsisimula ulit tayo..masaya,yung walang iwanan..yung tayo lang dalawa..i love you.."

"I love you too.."

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon