CHAPTER 4:

382 5 6
                                    

             𝑺𝒄𝒂𝒓𝒊𝒂 𝑺𝒂𝒊𝒏𝒕 𝑯𝒐𝒑𝒆 𝑴𝒂𝒄𝒍𝒖𝒆𝒛

Nandito ako sa loob ng kwarto habang nakatulala at napatampal nalang sa sariling noo, nakakahiya yung ginawa ko kanina, bakit ba kase pinakialaman ko 'yung gamit ng lalaking yun? I don't even know why, bakit nga ba?

Sinampal ko ulit ang aking sarili at napatingin sa malaking salamin na katabi ng kama. My face reddened at muling inaalala ang nangyari kanina.

[ FLASHBACK ]

Ng magising na ako sa nangyaring Katangahan ko ay madaming maid ang umasikaso sa akin, nag pakilala din sila sa akin pati na si mang noel, ang inatasang bantayan ako. kulang nalang ay pati sa pag ligo ay sasamahan nila ako ih hindi naman ako bata kaya pinalabas ko muna sila.

Hindi ko masabing masama ang lalaking yun dahil may awa pa naman ito sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at lumapit sa malaking cabinet, agad ko itong binuksan at pumili ng damit.

There's no underwear here kaya 'yung breif nalang ang kinuha ko, hindi naman ata masamang mag suot ng breif ang isang babae diba?. Kinuha ko ang isang malaking jersey at isang boxer pero nahagip ng aking mga mata ang isang bagay na parang lotion, napatingin ako sa aking braso.

Nag dry na ito kaya naisipan kong kunin iyon pero bago ko iyun gamitin ay nag bihis muna ako.

Pagkatapos kong mag bihis agad ko na itong binuksan, pero hindi naman ito lotion, lotion ba 'to? Baka lotion pang mayaman, oo tama!!.

Agad ko na itong pinahid sa aking braso, binti, at sa aking katawan. Lubos lubosin ko na, first time ko kayang maka lotion ng pang mayaman kaya lubos lubosin na natin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si mang noel, kilala ko na s'ya dahil nagpakilala na ito sa akin.

I-Iha a-ano iyang hawak mo? ” Nauutal na tanong nito

Nginitian ko naman ito ng matamis

“ Ahh ito ba manong? Lotion po ito manong, nakikigamit po ako kase nag dry po ang aking braso at binti. Hindi naman ata magagalit ang inyong amo diba? ” Tanong ko at pinakita ang hawak kong lotion

Jusmeyo iha hindi iyan lotion ” Natarantang ani nito at agad na kinuha ang telepono nito sa kan'yang bulsa at may tinawagan

Napa buntong hininga nalang ako, lagot na naman ako sa amo nila. Ba't kase pinakialaman ko pa haystt

Agad nanlaki ang aking mga mata ng mapatalon si manong at mababakas sakanyang mukha ang takot at kaba, nanginginig din ang mga kamay nito.

Agad naman akong nag panic at dinaluhan s'ya

“ ok lang po ba kayo manong? ” tanong ko

“ mukha ba akong okey iha? ” tanong pabalik nito kaya napanguso ako

I-Iha nakahanda na ang pagkain sa ibaba, kakain na tayo ” Tulala nitong sabi at tumayo saka walang lingon lingon na naglakad palabas ng pinto.

Mission Impossible [ Gustavo El Señor #1]Where stories live. Discover now