Chapter 36: Jae Jin Lee (Jae Jin)

132 8 6
                                    

Chapter 36

Jae Jin Lee's POV

"Nandiyan po ba si, Giselle?" nandito na naman ako. Nagbabakasakaling ngayong araw may sagot na siya. Nagbabakasakaling ako naman yung iniisip niya at hindi na si Mr. Jung. Ang tagal ko ng nakikipag-kompetensiya sa taong hindi naman alam na nage-exist yung nararamdaman niya para sa kanya.

Kung si Giselle umaasa. Ganon din ako. Ganon ako kaasang-asa sa nararamdaman ko. Kasi alam ko kapag hindi ko siya sinukuan. Mapapansin niya rin ako. Sasagutin niya rin ako, Magkakaron din ng pag-asa sa pagitan naming dalawa.

"Ay, sabi niya po kapag may nagtanong ang sabihin ko raw natutulog na siya kahit hindi. Tsaka may curfew po rito—"

"Manang?" sabay pa kaming napatuon ng pansin sa babaeng kalalabas lang ng pinto at pupungas-pungas pa. Nakasuot na siya ng pantulog, ipinanlabas niya na rin yung pambahay niyang tsinelas para lang masipat kung sinong nandito sa labas ngayon.

"Good evening." Nakangiti niyang bati sa'kin nang makita niya ko. Niyakap niya rin ako tanda ng pagiging malapit naming dalawa.

"You're here for Giselle—ay. Haha. Ano pa nga bang bago? Halika tuloy ka. Nandun siya sa taas. Nangangarap na namang magiging sila ni Yong Hwa." Sabi niya pa. Napangiti naman ako saka ako tumango sa kanya. Nauna naman siyang pumasok sa'kin.

Sa totoo lang hindi naman ako nagseselos na kay Mr. Jung siya may gusto. Mas lumalaki lang yung tsansa kong mapasagot siya. Dahil alam naman ng nakararami na may asawa na si Mr. Jung at iyon ay ang bago naming head sa Wattpad Love Academy.

"Alam mo, ate! Hindi ka na nga nakakatulong nang-aasar ka pa! Tss. Diyan ka na nga." Rinig ko na agad yung sigaw ni Giselle habang papasok ako kasunod non yung pagdabog sa pinto na nasa taas. Malamang sa sigurado siya 'yon.

Nasalubong ko naman ulit ang ate ni Giselle saka iiling-iling na nakangiti sa'kin. Tinanguan niya lang ako saka ako itinuro sa taas.

Isang malalim na buntong hininga muna yung pinakawalanan ko saka ako kumatok sa pinto niya.

"Walang tao! Recorded message lang 'to!" sigaw pa niya ulit mula sa loob. Natawa naman ako saka ako nagtangkang kumatok ulit kaso pinigilan ako nung yaya niya.

"Sir ako na lang po. Baba na po kayo, dun na lang po kayo maghintay."

"sige po." Sagot ko. Pero hindi ako tuluyang bumaba. Huminto ako sa pangalawang baiting ng hagdan pababa bago ako naghintay.

"Sabi ng walang tao!" sigaw pa ni Giselle ng katukan siya ng yaya niya.

"Ms. Giselle. Nandiyan po si Mr. Lee sa baba." Sagot ng yaya niya. Napakamot naman ako sa batok ko. Naaawa ako sa yaya niya. Kung sigaw-sigawan lang. Hindi ko malaman kung matatawa ako o matatawa. Pfft-

"Sabihin mo tulog na ko!"

"Eh pero Ms—" hindi ko na pinatuloy pa yung pagsasalita niya. Tinapik ko yung balikat ng yaya ni Giselle pagkalapit ko.

"Ako na po manang." Tinanguan niya lang ulit ako saka siya na yung bumaba.

"Giselle.." tawag ko sa kanya habang pinakikiramdaman ko kung anong gagawin niya.

"Ano na naman ba?!" sigaw niya ulit sa'kin.

"Ano. May sasabihin lang ako." Maya-maya lang binukas niya rin yung pinto niya at lukot na mukha niya yung sumalubong sa'kin. Halatang kagagaling naman niya sa iyak dahil sa mga magang mata niya. Hindi na ko magtataka kung bakit siya umiiyak. Alam ko namang si Mr. Jung lang 'yon at wala ng iba pa.

Wattpad Love AcademyWhere stories live. Discover now