Chapter 42: Kyung Soo Do (D.O)

69 3 12
                                    

Kyung Soo Do's POV


"Kamusta vacation?" maligalig na tanong ni Kyla kay Ira. Saglit akong napatingin kay Ira halatang hindi siya naging masaya sa bakasyon niya and it is all because of me.


She spent her Christmas and New Year kaiintindi sa school docs na kailangan niyang isulat para ibigay sa'kin. Ganon na rin yung pag-intindi niya sa lectures niya na hindi ko natutunan nung nawala ako na kailangan niya pang tutok na ituro. Nakakaramdam ako ng pagka-konsensiya at pagkabigo.


Dahil hanggang ngayon wala pa rin yata siyang balak na kausapin ako ng maayos. She'll never change.


Simula nang huli kaming mag-usap ganito na lang kami lagi araw-araw. Dadating ako sa bahay nila na may ipapapagawa at sasabihin kong ipasa 'yon sa saktong oras. Pwera pa 'yon sa tatlong oras na pagta-trabaho niya sa bahay namin. Wala naman siyang ginawa ron kundi pagsilbihan at bantayan ako. Kapag may kailangan ako dun ko siya tinatawag. Parang siya tuloy yung naging bodyguard ko.


Pero nagtataka lang ako kung bakit ang dami ko ng pagpapahirap na ginawa sa kanya lagi pa rin siyang tahimik at hindi umiimik. Kapag galit ako lagi lang siyang walang kibo at aakuin lahat ng kasalanan niya kahit na alam kong umaarte lang ako at sa kanya ko isinisisi ang lahat.


I really miss the old Ira. Yung Ira na lagi akong sinusungitan. Yung Ira na lagging nakautos sa'kin ng gagawin. Bakit sa isang iglap napuno ako? Bakit nasaktan ako sa sinabi niya?


I worked too hard to have her. Pero bigo ako.


"Ira let's go." Anas ko nang makita kong napapasarap na yung kwentuhan nila ni Kyla. Masama naman yung naging tingin sa'kin ni Kyla saka na nagpaalam si Ira sa kanya. Umupo na kami sa dati naming upuan. Baliktad na yung posisyon ngayon dahil baliktad na rin yung tinatapakan naming mundo.


Nilapag ko yung packbag ko sa likuran saka ako kumuha ng mga lectures na isinulat niya. Napangiti ako nang makita ko kung gaano karami 'yon. Hindi ako napangiti dahil sa dami ng lecture. Napangiti ako dahil naisip ko agad kung paano niya pinaghirapang isulat 'yon. Nilingon ko siya at naabutan kong nakatalikod siya sa'kin habang nakapilig yung ulo niya sa arm desk.


Tumukhim ako pero mukhang hindi niya yon narinig. Isa pang beses pero hindi niya ko nililingon. Padarag ko na rin na binato yung notebook ko sa armdesk ko saka ako bahagyang nagtaas ng boses.


"Damn it! Ira—"


"What?!" gulat akong napaamang nang lingunin niya ko. May mga luha sa pisngi niya na naglalandas habang galit na nakatitig sa'kin. Anong nagawa ko?


"What do you need this time?! Do you need tissue?! Coffee?! Gunting?! Kailangan mo ba ng inumin?! Gosh D.O! Ano?!" hindi ako makapagsalita.


Bayolente akong napalunok saka ako tumayo.


"What's your problem?" matigas kong tanong sa kanya. Sarkastiko pa siyang tumawa saka padarag na nagpahid ng luha. Inabot niya pa yung notebook ko saka niya 'yon binato sa'kin na saktong nag-landing sa mukha ko.

Wattpad Love AcademyWhere stories live. Discover now