Chapter 11: Eunice & Jam

246 18 11
                                    

Eunice Audrey Bajaro’s POV

“Where’s Minho?!” takte bwisit talaga ‘tong trabahong ‘to! Bakit kailangan kong maghanap ng mga taong nagpapa-VIP? At oo, kinailangan kong tanggapin sa screening si Minho dahil wala na kaming choice. Kulang kami sa member at siya na lang din yung kaisa-isang interesado sa posisyon niya ngayon.

“Ah, Auds kasi sabi niya male-late siya-“

“Lagi na lang siyang late for pete’s sake!” simula ng tanggapin namingsiya at nung nagsimula kaming buuin na yung content ng magiging schoolpaper namin lagi na lang siyang late. Late sa meeting. Late sa pagdating. Late sa pagpapasa ng draft. Late na lang sa mga lectures na itinuturo ko for the new comers. What the hell!

“Late na naman ako. Wala kayong magagawa. Hahaha!” mariin akong napapikit bago kulang na lang lamutakin ko yung mukha ko sa inis nang marinig ko yung boses niya. Kaya naman kasi ako naiinis dahil sobrang pressured na ko. Sinabihan na kami ng head na this month na dapat yung release nung school paper pero hanggang ngayon hanggang draft pa lang kaming lahat dahil sa pa-importanteng Minho na ‘to.

“Where’s your draft mister? And I need your fact sheet now! Kanina ka pa hinihintay tapos preskong-presko ka pang papasok dito? How insensitive!” imbis na intindihin ako ngingisi-ngisi lang siyang umupo at tinaas pa yung dalawa niyang paa sa lamesa niya habang ngumunguya-nguya pa ng bubble gum. Aba matinde!

“Oh.” Sabay bato sa’kin nung folder na kinuha niya sa bag niya. Pinikit niya naman yung mata niya at umarteng akala mo hari ng school paper team. Aba! Akala niya ba igi-give up ko para sa kanya yung position na ‘to? Kung noon nga tinapon ko siya na parang basura ngayon pa kaya? Psh.

“San ka naghakot ng magandang pagtrato Minho? Sabihin mo nga sa’kin ng makahakot din. Naiinggit ako sa’yo. Masyado kang confident, kahit na alam mong may umaasa sa draft mo at sa fact sheet na ipinapapasa sa’yo wala pa rin. Galing eh.” Sarkastiko ko kong sabi.

“Saan?” tumayo naman siya at nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko habang nakatukod yung mga kamay niya sa lamesa niya. Bago niya pa ‘yon sagutin ay binigyan niya na agad ako ng oh-so-called-na-ngisi-ni-Minho. “Sa’yo.”

Napaamang ako. Bago ko siya sinamaan ng tingin. “wala pa kong nalalaman na tinuturo sa’yo Minho bukod sa mga topics and rules ng school paper team. Kaya ‘wag kang umasta na magkakilalang-magkakilala tayo. Yes, I dumped you before, Minho. So that means ‘before’ noon pa ‘yon. Past is past bakit ang tagal mong makalimot?” siya naman yung napaamang at dumilim yung aura.

“Ano Minho? Bakit hindi ka makasagot?” nabingi naman ako sa sobrang katahimikan na bumabalot sa loob ng quarter namin. Malamang nanunuod yung mga nandon at naghihintay ng sagot ng bwisit na ‘to.

“Bajardo-“

“Bajaro sabi eh!”

“Wala akong pakialam. Kung aalis ba ko ng team hindi na ganyan yung magiging trato mo sa’kin? Ituturing mo na ba kong kaibigan? At sasabihin mo na ba sa’kin kung bakit mo ko binasura lang non?” napalunok ako. Ano pa bang dapat kong ipaliwanag sa kanya? Hindi naman na mahalaga kung bakit ‘diba dahil sobrang tagal na non.

“Nothing will change. Siguro kung meron man. Eh iyon yung magiging stranger tayo sa isa’t isa. Hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. That’s it! Ok? And please. Let’s stop this nonsense, wala namang magandang kapupuntahan ‘to eh. Ganun at ganun pa rin yung kalalabasan-“

Wattpad Love AcademyWhere stories live. Discover now