Epilogue

497 12 2
                                    

Before I will start the epilogue, gusto ko lang munang mag-MMK. First, thank you sa pagbabasa ng TGLS kahit na medyo epic, patuloy niyo pa rin itong sinusuportahan. Second, maraming salamat sa mga active readers. Those readers are my inspiration in continuing this story. Maraming salamat SecretKeeper_07,allyssa_kris_xoxo and jewelkimvillafranca. Saranghae~ ♥ Sa mga silent readers ko, thank you-thank you sa pagbabasa ng isturyang ito. Sa mga nagmamahal ng story na ito may sorpresa ako sa inyo pagkatapos ng epilogue. ^_____^V

So heto naaaa~~
Comment po kayo~ :)

PS, sorry kung sabaw. Hahaha. Hindi ko  talaga alam kung paano sumulat ng epilogue. XD

---

E P I L O G U E

July 21, 20**

"Seryoso?! Bat andito ka lang sa school? Wala ba kayong date ni Jiro?! Eh monthsary niyo kaya!"  OA na sigaw ni Lyza.

Nandito kami ngayon sa isang bench sa field tumatambay dahil break namin. At ito kaagad ang unang binuka ng bibig ni Lyza. Hmmpf! Ewan ko ba sa kapreng yun! Tinatamad yata pumasok kaya wala siya ngayon. Pero ang mas nakakainis ay wala kahit isang text man lang o tawag para batiin ako sa aming monthsary! Aish! Sarap niyang ipabugbog sa lahat ng mga gansters sa Yobbo University! Pero syempre, hindi ko yun magagawa kahit ang g*go niya minsan mahal ko ang g*gong kapre na yun.

"Hoy! Natulala ka diyan! Tinatanong ka kaya namin kung may date kayo ng prinsipe mo!"  Sigaw naman ni Belle habang niyuyugyog ako.

Taena! Ang hilig nilang sumigaw ah! Ako dito ang walang date sa araw ng monthsary namin pero kung makasigaw sila parang sa kanila pa nangyari yun ah. Aish! Asan kasi ang lalaking yun?! =___=++

At dahil nagsawa na ako sa pagyugyug ni Belle ay sumagot na ako. Sigawan na pala ngayon ah. Pwes, sisigaw din ako! Naiinis ako sa Gonzales na yun kaya isisigaw ko na lang to.

"WALA! Wala kaming date! Ni hindi nga siya nagpakita sa akin! Kahit text o tawag para batiin ako,wala din! T*ng*na!"  Galit kong sagot na ikinagulat nilang dalawa.

Sumabog na talaga ang lahat ng galit at inis na kinikimkim ko sa aking puso. Para na akong leon na galit na galit dahil wala kaming date ng prinsipe ko. Kasi naman eh! Asan na kasi ang kapreng yun. T____T

"Oh my! Jusme naman oh! Wag ka ngang umiyak Via. Malay mo may inihanda lang siyang sorpresa para sa'yo kaya hindi siya pumasok at baka busy siya kaya hindi ka niya magawang mai-text o matawagan."  Mahinahong sabi ni Belle habang hinahagod ang likod ko.

Tumango-tango naman si Lyza bilang pagsang-ayon saka lumapit sa akin at hinahaplos-haplos ang aking buhok ng nakangiti. Ngumiti din ako sa kaniya saka pinahid ang mga luhang tumutulo mula sa aking mata. Jeez. Bat ang dali-dali kong umiyak? (__ __   ")

Naisipan naming mag-cutting at pumunta sa isang icecream parlor para gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam. Sina Belle at Lyza ang umorder and as usual strawberry icecream ang inorder ko. Ako ang naghanap ng aming mauupuan kaya heto ako ngayon, nakaupo at hinihintay ang pagdating nina Belle at Lyza dala ang aming order. Habang nakaupo ako ay di ko mapigilang isipin ang mga nangyari pagkatapos ng labanan sa araw na iyon. Nagcelebrate kami ng aming pagkapanalo sa headquarters. At napag-isipan namin na ang headquarters ay ire-renovate na sakto para sa labing-walo katao. Dadagdagan ang mga silid sa HQ, mga kagamitan at ang mga training grounds and facilities. Sa katunayan, pinapaayos na ito ngayon gamit ang mga pera naming lahat. Pero bago talaga kami nagcelebrate ng gabing yun, pumunta muna kami sa aming ospital at pinagamot ang aming mga sugat. Mabuti na lang at wala kaming natamong malalang sugat. Dinala din dito ang mga sugatang miyembro ng XGang, Skull Gang at syempre ang Black Aura Gang. Humingi ng pasensya sa amin si Nick at syempre tinanggap din namin yun, sino ba naman kami para hindi magpatawad.

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now